Fractum 22

120 2 1
                                    

Broken 22: Normal

Nauna siyang maligo kaysa sa akin. Mamaya pa ang pasok niya sa tanghali pero naliligo na kaagad siya ngayong alas sais pa lang.

Ganiyan siya kagalit? Siya lang rin naman ang gumagawa ng dahilan ng ikakagalit niya.

Kung pinakikinggan niya lang ako, kung pinagkakatiwalaan niya lang ako, hindi sana siya ganito kagulo ngayon.

My tears can’t stop. My tears cannot be stopped. Sana hindi ako nakatitig sa notes kong ito ng may luha sa mga mata ko. Kung buhay lang itong notebook ko, siguro kanina pa siya nalunod sa mga luha ko.

I feel so pathetic. Kaawa-awa pero hindi kinakaawaan. Literal na sumasakit ang puso ko sa pag-alala ng mga trauma ko at ang pagdagdag ng issue na ito.

Pare-pareho lang naman pero ito ang pinakamasakit. Hindi niya ako literal na binugbog pero parang namatay ako sa mga salita niya. My mother’s words cut me like a sharp knife, cutting me in half, cutting me again, shredding me as long as she can. Pino na nga, may mas idudurog pa pala.

Dinabog niya lahat ng pinto habang papalabas siya. Hindi siya nagsalita pero binarog niya ang mga bagay na ginagamit niya. Ultimo pagsara sa pinto ng ref, hinampas niya.

Unti-unti akong bumangon nang marinig ang paglagabog ng padlock sa gate namin. Natulala pa ako at pinansin kung nakaalis na ba talaga siya.

Napapikit ako. Nagsilabasan lahat ng luha na pinigil ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa pag-asang baka matigil kung lalamukusin ko ang parting puso ko.

May iluluha pa pala. Sa dami rami ng ibinagsak ng luha ko, mayroon pa pala. Masakit pa rin pala. Ilang taon na sa akin, pero may mas isasakit pa pala dahil ngayon ko lang napagtanto.

Maingay ang paghagulgol ko, iniisip na hindi na ulit ako makakaiyak ng ganito dahil na sa paligid na ulit ang Mama ko matapos ito. I want to let it out. Gusto kong ubusin oara mawala na. na sana wala ng kasunod kahit Malabo pang mangyari iyon.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong humahagulgol sa kawalan ng buong kwarto ko. Nakita ko na lang ang sarili kong unti-unting humhina ang mga hikbi at unti-unting natutuyo ang luha sa mga mata. Pinalis ko ang iilang natitirang luha sa pisngi ko nang mamanhid na ako. Nang buksan ko ang laptop ko, 7:30AM na pero hindi pa rin bumilis ang kilos ko.

I moved so slow. Naghanap pa ako ng kanta sa laptop ko para naman maingay ang buong bahay at maingayan ang utak ko na hindi na makapag-isip pa. Basta lang ako pumindot sa playlist ng laptop kahit nakita ko ang title ng kantang napindot ko.

Iris.

Basta na lang ako nagdala ng roba at twalya sa banyo. I stripped my clothes and left nothing on.

Tulala ako sa harap ng timba. Hawak ko na ang tabo at umaawas na ang tubig pero hinihintay ko pa ang tugtog ng kanta.

“and I’d give up forever to touch you…”

Unang line ng kanta ay napaluha agad ako. the song is so sweet and loveful but I still formed tears in my eyes. Umaawas na ng sobra ang tubig pero ako ay palapit na sa muling paghagulgol.

I can remember the song. I can remember Iris. I can remember the origin of her name. I can remember her parents’ love story.

I can imagine the love of her parents! I can easily compare it to broken love of my parents!

Napapikit ako sa muling pagkalpas ng hikbi ko. pinapakinggan ko ng maayos ang kanta at kahit ang ganda ng lyrics, hindi ko mapigilan ang pag agos ng luha ko.

Kilala ko ang magulang ni Iris! Teacher namin iyon dati. I know her father. OFW pero buhay na buhay pa rin ang pagmamahal niya sa asawa’t anak niya. Umuwi ang Papa niya noong bago ang pasukan at buntis na ang Mama niya ngayon.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now