Fractum 20

163 1 0
                                    

Broken 20: Toxic

“Sino si Elisa Madrigal?” biglang tanong ni Mama habang nag-aayos na ako ng damit.

Iningaat ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi pamilyar ang pangalan. Wala naman din akong pakialam sa pagilid ko.

“Hindi ko po alam,” tanging sagot ko.

Tinupi ko ang isa pang maliit na damit ko. Itinupi ko ng pahiga sa gitna saka itinupi ulit patayo.

Napansin ko ang galit at iritasyon sa mukha ni Mama. May nasabi na naman akong mali.

“Anong hindi mo alam? Kasama mo raw noong umakyat kayo ng bundok ng Tita mo noong pasko,” mariin niyang sabi.

Tita Marinita. Bundok. May mga kasama kami noon pero si Tita lang at si Xandra lang ang kilala ko. Hindi ko naman kailangan makilala lahat ng tao sa paligid ko. Wala rin akong maalalang umaali-aligid sa akin noon. Mga kaibigan lang ni Tita Marinita ang kasama namin.

“Binlock ako sa Facebook. Girlpren daw ng ama mo,” pasinghal at bitter niyang sabi.

Facebook? Wala ako noon. Sabi ni Mama saka na raw kapag tapos na akong mag-aral. Ako na lang yata ang walang Facebook sa buong mundo. Interesado ako pero hindi ko magawang suwayin ang Mama ko. Grade four pa lang naman ako.

Tsaka, ano naman kung girlfriend ni Papa? Kung girlfriend nga ni Papa, wala ng karapatan si Mama roon. Wala siyang karapatang magalit at mang-angkin dahil sa una pa lang siya ang naunang bumitaw. When you don’t have the rights, you can’t act like you have. Desperate pakinggan. Kahit itanggi.

Hindi ko maalalang nagalit si Papa kahit napaghihinalaan niyang may boyfriend si Mama. Nagtanong siya, pero kalmado lang. Nakangiti pa. Ang bright ng aura. Kabaliktaran ni Mama.

Kaya bakit galit si Mama ngayon sa thought na may girlfriend si Papa? Dahil binlock siya noong babae? Dapat nga in the first place, hindi na sini-search ng ex ang bago, eh. Wala nga kasing karapatan. Nanghihimasok ng buhay.

Sa tingin ko, ang bago may karapatan. May karapatang makilala ang nakaraan ng boyfriend niya. Pero ang ex, wala na talagang karapatan maliban na lang kung siya ang ex, at siya rin ang bago.

Buong araw kong naisip iyon. Bukod sa walang karapatan ang Mama ko, pumapasok sa isip ko na baka nga may bago na si Papa.

Kung distant ako noon kay Papa, mas naging distant ako ngayon. Isama mo pa ang cold treatments, pabalang kong pagsagot ng tanong, at paminsang pagtaas ng boses.

Napapansin ko na rin ang iritasyon at galit ni Papa pero pigil niya iyon. Hindi rin masakit magsalita. Hindi naninigaw kahit medyo mariin ang boses. Nagso-sorry agad kapag napapataas ang boses. I sometimes cry when he says something to me but that’s because I miss my mother.

How could I miss her back then? I was a martyr. I was so stupid.

Talagang lumamig na ang tungo ko kay Papa. Naiisip ko paminsan, Pa, bakit ka nagkagirlfriend? Papa, mayroon na ring boyfriend si Mama. Naiiwan na akong mag-isa. Busy sila sa kaniya kaniyang katerno sa buhay.

Ako, mag-isa.

Naiisip ko noon, bakit pa ako dumating kung hindi rin naman pala nila gusto? Kinailangan ko ba talagang mabuhay sa mundo para lang maranasan ang lahat ng ito?

I am so alone. I like the solitude but I don’t like having my parents not even think of me. I know I’m distant, but I’m trying so hard not to be. When I try, there’s always something to stop me.

Noon, mas busy pa si Mama sa phone calls noong Eugene. I try to talk to her, at sasabihin niyang mamaya na hanggang sa hindi na kami mag-usap. Ngayon, wala madalas si Papa. Sa tingin ko ay pumupunta siya sa girlfriend niya base sa mga nasisilip kong texts nila paminsan.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now