Fractum 37

151 3 0
                                    

Broken 37: Glitches

“I want to be your boyfriend.”

Boyfriend? Akala niya ba, gusto ko siya? Bakit, hindi ba? The fuck!

I equaled his playfulness and challenging eyes. Clarkson might not know, but I have played with boys in my highschool life. He wants to play? Give the game, I’ll be the coach.

“Why? You don’t have a girlfriend?” my voice playfully said, without a hint of smile in my lips.

Even with a strong voice and playful tone, I can still feel my façade crumbling and fading. Na ang malaking pader ay nasisira at ang iritasyon na nagiging galit ay lumalabas na ng sobra sa akin.

Noong bata pa ako, iritasyon ko lang ang lumalabas sa mga mata ko at mabilis ko iyong pinapalis. Pero ngayong na sa harap ko siya, ibang-iba na, naghahamon at mukhang walang balak magpatinag.

“Why? Do you see one with me?” sagot niya sa boses na kagaya sa akin.

Nakagat ko na ang dila ko. Napakunot na ng tulyan ang noo ko at nakatalikod na ako paalis, kung hindi niya lang hinigit ang palapulsuhan ko!

He pulled me closer to him. Isang alaala ang tila nagglitch sa akin na mayroong kagaya ng nangyayari ngayon at pareho ng nararamdaman ko ngayon. The back of Everette’s home, with him wanting to get my umber and my pictures on his phone.

Ni hindi ko man lang matulak ngayon. Hindi ko man lang mahila ang kamay ko. I just met his pitch black eyes, and angrily stared at them.

After all these years. After all my studies. After with me having no interest in men at all. After all the years that passed that I left him, one look at him, and I’m crumbling right now?

He’s so close. Halos magtama na ang katilusan ng mga ilong namin sa lapit niya sa akin. Habang ako ay galit ang tanging naibibigay sa kaniya, tanging panlalambot lang ang pinapakita niya sa akin. Gone his playful and challenging smile.

“Ang tagal mo namang maging doktor…” he said in a manly low voice.

Napabuntong hininga ako roon. Yes. And I still have a long way to go, so go away, Clarkson! Who needs you here? I don’t need a distraction!

A pilot. A captain.

“You’re a pilot, why not be with one of your flight attendants, instead?” I offered.

His eyes left mine and it traced down my face, to my lips. Bahagyang napaawang ang bibig ko sa pagkamangha sa ka-agressive-an niya ngayon.

“Kung sila ang gusto ko, wala sana ako ngayon dito,” he informed in a soft, low tone.

The next thing I knew, his lips were brushing against mine in a soft, slow manner. I let my sleepy eyes close as he tilted his head, making another angle for his soft kiss.

Natulak ko siya.

Natulak ko ng isang beses ang dibdib niya, at doon na lang nanatili ang mata ko. He stopped, too. Hindi na siya namilit. Isang mabagal at mabigat na paghinga ang napakawalan ko nang tumigil siya.

Hindi na siya nagtangka pa. Yumuko siya lalo, not to reach my lips but to press my forehead with his. Nasulyapan ko ang labi niya, may bahid na ng muted red kong lipstick ngayon.

“Continue your studies… but with me now,” his manly voice said, almost in a pleading manner.

Hindi na ako sumagot. Nakatikom ang labi ko at sa dibdib na lang niya nakatingin. Sa huli, napailing-iling na lang ako.

No. No. Kahit pa kaunting panahon na lang at ga-graduate na ako dahil tapos na ang midterms, I can’t afford a distraction. Kahit graduating na ako, walang kasiguraduhan na ga-graduate ako, at kung ga-graduate man ako, I am running for honors! Kaunting distraction, alam kong mawawala ako roon!

Natulak ko na siya lalo. Napaatras siya kaya mabilis ko iyong kinuhang tsansa para mabilis na makalakad paalis. My legs swiftly glazed the tiles inside Xanthine’s crowded home with wide steps. Xandra is not with me now and I don’t have any means of transportation that I can drive.

Kakalabas ko lang, may isang taxi na agad ang tumigil sa harap ko. Mabilis akong sumilid roon kahit may naririnig pa akong tumatawag sa akin.

“Sanguine! Sanguine!” sunod-sunod na tawag sa akin ni Clarkson.

I did not look back. Tulala lang ako sa hangin matapos kong sabihin ang address ng building ng condo unit ni Tita Marinita. Mabibilis at malalaki ang hakbang ko papunta sa elevator at patungo sa unit. Pagkasara ko ng pintuan, saka lang bumuhos ang luha ko.

Hot tears streamed down my cheeks as I remove my pumps. Dire-diretso ang lakad ko papasok sa master’s bedroom. Nakita ko si Xandra na nakadapa sa kama ko, rinig na rinig ang maiingay na hikbi na kabaliktaran ng tahimik kong pagluha. I did not mind her, thinking that she entered the wrong room.

Mabilis akong nagtungo sa malapit na bookshelf kahit patuloy pa rin ang pagagos ng luha mula sa mga mata ko. Nang makuha ko ang tamang medical books ay iniyakap ko iyon sa gitna ng kaliwang braso ko saka ako pumunta sa lugar ng bag ko pangkolehiyo. Kinuha ko ang binder at isang ballpen saka ko mabilis na ibinagsak ang mga libro sa gilid ni Xandra.

Nag angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata naming may luha, ang sa kaniya lang ay nag-smudge ang mascara na inilagay ko sa kaniya kanina. Saka siya sumubsob ulit sa isa sa mga puting unan ko.

I did not mind to take off my glittery dress. Mabilis akong umupo sa gilid ng kama at pinagbubuklat ko ang mga libro sa tamang pahina. Hinarap ko ang binder ko sa akin at sinubukang basahin iyon pero dahil sa nanlalabo kong mga mata, wala akong maaninag na malinaw roon.

Napahikbi ako kaya lumipad sa bibig ko ang kanang kamay ko. Napapikit ako ng mariin habang sunod-sunod na hikbi ang kumakawala sa bibig ko. The cries of Xandra and I became in chorus but we did not ask eask other what is going on.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay malinaw na ulit ang paningin ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at tumingin na sa makapal at puno ng sulat na binder ko. Inulit-ulit kong basahin ang nakasulat doon, hangagng sa natigil na ako sa pag-iyak.

Nakatulog si Xandra sa kama ko. Nanatili akong gising at buhay ang diwa dahil nakasanayan nang hindi matulog ng maaga dahil sa requirements at pag-aaral. Matagal nang naka-graduate si Xandra, kaya nakalagpas na siya sa gabi-gabing pagpupuyat, tulog na ngayon.

Dumaan sa isip ko ang mga nangyari kanina. I have read my notes over and over that I let my thoughts dive in what happened earlier.

It was a soft slow kiss. Clarkson’s soft lips brushed mine in a soft subltle manner. Napapikit ako sa pag-iisiip na twenty seven years old na ako, at ngayon lang ako nagkaroon ng first kiss.

I was goal driven. I was broken. My life was set to think about my mother and her lacking and mistakes. My mind did not want that and I flew to what I do best, to study.

I am still goal driven up to now. na hindi ko kayang tumAnggap ng distraction dahil gusto kong maging mahusay na doktor. Halos isang dekada na akong nag-aaral at gustong-gusto ko nang makatuloy sa pagiging doktor ko.

My goals never included the kisses, and the relationship. Bata pa lang ako, hindi na ako naniwala sa pag-ibig. Teenager pa lang ako, naakusahan na akong karelasyon ang nag-iisang bestfriend ko. Highschool pa lang ako, alam ko nang wala akong kailangan sa pagkakaroon ng relasyon.

Now I’m older, but still studying, I still don’t want to be involved in any relationship. Not only because of my goals, but the fear to break and fall along with my hard earned goals.

I have fallen once. Not in love, but in a pit of deep misery. Ang pag-aakusa sa akin noong highschool pa lang ako, sa third grading na iyon na bumaba ako, it was already a misery for me. Not only have I been accused wrongly, cursed at, and hated more by my mother, by grades fell too, along with my personality.

My mother’s words had been with me all these years. They have been haunting me, along with the dark memory of her having sex with another man. It never left me. Sa iba ay iisiping makasarili ako, pero alam kong hindi nila alam ang pakiramdam na buong buhay ko, hindi man lang ako minahal ng Mama ko ng totoo.

Tanghali na ako nagising. Wala na si Xandra sa tabi ko at ang naiwan na lang niya ay ang bahid ng maitim na mascara sa unan ko. Pagkatayo ko, puno ng pulang glitters ang kama ko dahil sa damit na suot ko.

When I opened the door, a large man is sitting at its right corner. Clarkson’s weary eyes drifted to mine and he immediately stood up with attentive eyes.

Glitches came in my memories. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at dumiretso ako ng lakad, kinakalimutan ang mga alaalang bumabalik sa akin.

Nagsasalita siya sa likod ko habang normal na pace lang aang lakad ko. Kung tutuusin, kaya niyang ungusan ang lakad niya sa akin pero nananatili lang siya sa likod ko.

“Are you fine? Did you sleep well?” sunod-sunod niyang tanong sa likod ko.

I entered the elevator. Pinindot ko ang ground floor at hinayaan siya sa gilid ko.

Bumuntong hininga ako. For some reason, I feel at peace with him. I feel at peace with him by my side. Maybe because I have cried to study last night. It dives me back to when we were in the side of the downstairs, gazing at the stars. I sighed again, now with him by my side after almost a decade.

“I want to be your boyfriend,” he said again, in casual normal tone.

Wala akong maibigay kundi buntong hininga. Kumurap lang ako habang tahimik at mabigat ang pakiramdam.

“I said I want to be your boyfriend,” he said again, now pleading.

Nilingon ko siya. I blinked once and watched him with pleading eyes, not that much space between him and I.

“Why don’t you pursue and court me first? You’re so aggressive,” I commented.

I watched his eyes igniting from pleading to amazed and firing.

“Courtship? Are you a child? highschool?” sunod-sunod niyang kumento.

Bahagyang napakunot ang noo ko. Hinayaan kong tumaas ang isang kilay ko sa kaniya.

“Bakit, sa highschool lang ba may karapatang magligawan?” pabalang at sarkastiko kong sagot sa kaniya.

Napangiti siya. He bit his soft red lips and nodded a bit. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

“I’m thirty years old,” he informed.

“I know,” I answered in a formal tone.

He’s three years older than me. I know that.

“Okay. I’ll pursue you,” mabilis niyang sagot.

Ang bilis naman nitong kausap. But I don’t want this. I don’t need this. Sarcastic ang offer ko ng panliligaw. Nakain ako ang mga salita ko.

“I’ll drive you to school,” himig nangingiti niyang sabi.

Bumukas ang elevator. Umiling ako sa kaniya at naglakad na.

He’s silent behind me. Hindi ko siya nililingon kaya hindi ko alam ang ekspresyon niya. Lumiko ako sa motor parking lot side pero mabilis niyang nahagilap ang baywang ko at nahila niya ako!

Nanlaki ang singkit kong mga mata. Marahan pero mahigpit ang hawak niya sa baywang ko at nahigit ko ang hininga ko habang taratang nakatitig sa kaniya, wala sa sariling nagpapatianod.

This piece of shit! He could’ve pulled me by my hand but he chose to drag me with his hand on my waist! Dikit na dikit ang katawan namin at frustrated akong napatitig na lang sa kaniya.

Tumigil siya sa gilid ng pinto ng passenger’s seat ng isang Bentley. He clicked something the he pulled the door to open. He turned to look at me with his playful smile playing in his lips.

Nang mapansing naestatwa lang ako sa kaniya, ibinaba na niya ang kamay niya sa baywang ko para sa likod na ng tuhod ko ang mabuhat niya! Mabilis niya akong isinilid sa kotse niya. I heard the familiar click of his tongue and he stole a soft peck on lips before closing his cars door.

Nawawala ako sa sarili ko at tahimik lang. Nang mahagilap ko ang sarili ko, binuksan ko ang cellphone ko at sinearch sa GPS ang address ng school ko. Na sa tabi ko na siya at inii-start na ang kotse niya. Tahimik kong inilahad patayo sa dashboard ang cellphone kong may address. Lumingon ako sa nakasaradong bintana at natulala ako roon.

I don’t like a car’s movement. I don’t like the scent. I don’t like the aircon.

Nahihilo na ako.

Kinagat ko ang dila ko. Nakatutok sa akin ang aircon at gumagalaw ang muscles sa mukha ko habang hindi maintindihan kung anong gagawin.

He clicked something and the wind of the aircon died. Lumingon lalo ako sa bintana dahil sa nararamdmang hilo.

“Are you fine? Motion sickness?” nag-aalalang hula niya.

Hindi ako sumagot. Nagbigay ako ng malalim na hininga nang bumaba ang bintana. Naglahad siya ng isang bote ng tubig sa akin. Kinuha ko na lang at ibinaba dahil baka masagasaan kami sa kaka-interact niya sa akin.

Wala ako sasariling napalingon sa kaniya nang itigil niya ang kotse. Nakalingon na rin siya sa akin. He lifted my left hand with his right hand and his thumb caressed my fingers lightly. Nahihilo at may halong antok ang mga mata kong sumalubong sa kaniya. I saw his eyes glitter with adorance and worry.

It’s the same expressive and soulful eyes… it’s—I blinked to shrug it all off.

“Are you fine?” his worried voice asked.

Natulala lang ako sa kaniya. He caressed my closed fingers more that I felt his softness and gentleness there. I appreciate his worry but I feel doomed. I’m doomed.

Ibinaba ko ang tingin sa suot niyang kapareho pa rin ng kagabi. I did not bother to think about it. I did not want to think about him. I need to think of my studies first. Sa huli, dahan-dahan na lang akong tumango.

Tumango rin siya. He continued driving but he did not let go of my hand. I let it be. It’s floating in his soft yet strong hold. I saw how his tanned skin is now darker than mine but I did not mind it. Lumingon ako sa bintana ng kotse niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

He stopped in fornt of the entrance of my medical school. He raised my hand that he is holding to press it on his lips. He kissed it softly while looking at me with adorance. Marahan niyang ibinaba iyon sa kinauupuan ko bago mabilis na lumabas ng kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. He looks massive and strong with his hard look and high cheek bones. He looks soft but once he try to look arrogant, he will be. Pilit kong tinanggal iyon sa utak ko.

Isang paa ang ibinaba ko sa sahig bago marahang bumaba. He swifly closed the door shut. Nang humarap ako sa kaniya, nakahawak pa ang isang kamay niya sa door handle sa gilid ko, na nagmumukhang ipinapangko niya ako sa kotse niya.

Napaawang ang bibig ko. Akala ko may lalabas na salita pero wala naman. His other hand caressed my head down to my long hair. He smiled softly to me and I saw how his face lightened at me.

“I have a flight today. I’ll make sure to be back tomorrow to accompany you again here to your school,” he said assuringly.

Walang ekspresyon lang akong tumingin sa itim niyang mga mata pero halos tumakas na sa akin ang pagkamangha sa pakiramdam na nahaplos ang puso ko.

If he’s the Captain of the Flight, he must be busy, far by, the busiest. I don’t really have to steal his time from him.

Tumango na lang rin ako. Umalis na ako sa harap niya at pumasok na sa entrance ng medical school namin. Sinalubong ako ni Xanthine.

“Who was that? I mean, I know him. He’s a pilot. You know him?” sunod-sunod na tanong ni Xanthine nang dumantay siya sa gilid ko.

Umiling ako. Not to answer his question, but to remove the thoughts of that man in me. I don’t want to think of him, neither the past right now. I need to study, study more, and study again.

Lumingon ako gamit lang ang ulo ko sa pinanggalingan ko at kung saan alam kong tumigil si Clarkson. I saw him there with eyes on me, still not leaving, leaning on his Bentley with his strong arms crossed. Tumango siya ng isang beses sa akin bago umayos ng tayo at umikot na papunta sa driver’s seat.

A familiar same scene glitched on my mind but I chose to remove it in my mind, by looking straight to where I am going. A familiar same scene glitched on my mind which I chose to blink it all off.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu