Fractum 11

136 2 0
                                    

Broken 11: Milktea

“Anak! Anak! Sumama ka kina Tita Aislienne mo. Pupunta sila sa bayan. Maligo ka na at mabilis kumilos ang mga iyon,” paggising sa akin ni Papa, umagang-umaga.

Umikot ako sa kabilang banda ng kama kaso sinalubong ako ng mapanakit na araw. Umurong ulit ako sa kabilang banda at sinalubong ako ng panggigising ni Papa.

“Ang aga pa…” pag-angal ko.

“Ah, ah ah. Tanghali na anak,” saad pa ni Papa saka tumawa ng marahan, “Aalis ako. May sabong kami. Huwag kang magwawalis at maligo ka na nang makasama ka kina Abyss,” huling narinig ko bago sumara ang pinto.

Huwag daw magwalis. Hindi naman talaga ako nagwawalis dito. Si AJ ang madalas magwalis.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Nag-loose sleeveless top lang ako at denim shorts. Nagsuot ako ng tube para hindi ako makitaan at nag-sandals lang ako. Umagang-umaga, nangapitbahay na agad ako.

“Abyss… Aby…” tawag ko.

Binuksan ko ang main door nila. Sinalubong ako ni Amity ng hampas sa hita ko.

“Aye Sawin!” bati niya.

Ngumiti ako sa kaniya. Lumuhod ako para maging kalebel niya, “Hi Ami. Si Ate mo?” nakangiting tanong ko.

Imbes na sagutin ako, humagikgik lang siya at hinampas ang mukha ko habang sumisigaw. Nakangiti akong napapikit sa gawain niya. Ang ibang mga bata, yakap ang salubong sa akin. Itong si Amity, pansasadista ang bungad sa akin. Si Igraine naman, hampas ng walis ang bungad sa akin. Napabuntoog hininga ako.

“Ate sanguine? Ate!” tawag ni Abyss mula sa kwarto.

Binuhat ko si Amity at naglakad ako papunta sa kwarto nila. Sinasalag ko ng isang kamay ko ang hampas ng maliliit na kamay ni Amity sa akin.

Bumungad sa akin si Abyss na nagsusuot ng belt. Tiningala niya ako at tiningnan ang suot ko, “Iyan na ang suot mo, Ate?” tanong niya.

Napahawak ako sa dibdib ko at napangiti ng mapait. Kulang pa ba ang suot ko? Sa palengke lang naman ang punta namin. I dress for the occasion and place. Kung sa palengke lang, medyo magara na nga ang suot ko.

“Bakit?” tanong ko pabalik.

Tiningnan niya ulit ako habang nagsusuot siya ng sinturon, “Wala lang,” usual na sagot niya.

Pumasok si Tita Aislienne sa kwarto na nakatapis. Nginitian niya ako at bumungad sa akin ang mga bati niya.

“Gara ng suot ni Ate Sanguine, ah! Ganda palagi,” batti ni Tita Aislienne.

Ngumiti ako kay Tita. Ibinaba ko si Amity kaya lumapit siya sa Mama niya, “Parang kulang pa nga raw po, eh. Sabi ni Abyss,” natatawa kong sabi.

“Wala akong sinabi, ah!” pagtanggi ni Abyss.

Pumasok ako sa isang malapit na café. Napagkasunduan namin nina Tita Aislienne na magkita na lang mamaya dahil susunduin pa raw ang kapatid niya. Gusto sanang sumama ni Abyss kaso hindi na pinayagan ng Mama niya.

Hindi ganoon karami ang tao sa café. Lumapit ako sa counter at um-order lang ng frappucino. Bumunot ako ng pera sa wallet ko bilang pambayad. I waited at the side for my order.

Inikot ko ang tingin sa buong café. Even with a simple outfit, I seem to catch peoples stares. It might be because I don’t live here or I’m just pleasing in the eyes. I believe to think in the first.

Mabuti na lang at binibigyan ako ni Papa ng pera kapag pupunta ako sa bayan. I don’t usually spend money but I wanted to drink frappe so I bought one.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now