Fractum 19

125 2 0
                                    

Broken 19: Witness

Naghintay ako kay Mama kahit panggabi siya. Ang batang ako ay inaantok na pero nilabanan ko iyon para mahintay si Mama.

Noong dumating si Mama, nagmamadali siya sa paggalaw. Nagbihis agad siya ng sarili niya na hindi niya madalas ginagawa. Nagtataka ako pero hinayaan ko na lang. kumukuha ako ng lakas ng loob na magsalita.

Nang makakuha na ako ng lakas ng loob at naibuka na ang bibig, saka naman sumigaw si amam.

“Alam mo ang tindahan sa may simbahan? Sunduin mo si Dy roon!” sigaw ni Mama habang nagsusuot ng mas labas ang katawan na damit.

Malalim na ang gabi. Sabi niya sa akin noon huwag akong lalabas kapag gabi. Hindi na kaso sa akin iyon dahil hindi rin naman ako pwedeng lumabas kahit sa umaga.

Gabing gabi na. Magte-twelve na.

Gusto kong magprotesta. Gusto kong umangal. Pero hindi ko kaya. Kaya sa huli, tahimik akong lumabas.

She wants me to go into the dark. Para sunduin, ang sinasabi niyang hindi niya boyfriend.

Sa kalagitnaan ng gabi, gusto niyang iwaksi ang kaligtasan ko, para sa kaligtasan ng lalaking sinasabi niyang hindi niya boyfriend.

I cried so hard at that. Why didn’t I realize that deeper when I was younger? I am such a shit!

Paano kung may nangyaring masama sa akin noon? Medyo malayo ang simabahan sa bahay namn at lalakarin ko lang!

Isang batang babae, naglalakad sa gabi na mag-isa…

Inisip niya man lang ba ako? Inisip man lang ba niya ang kaligtasan ko?

It hurts so much! Hindi matigil ang luha ko kahit anong palis ko. I never cried like this before. Umiyak ako, pero hindi ganito kasakit.

Of course hindi niya maiisip ang kaligtasan ko! After all, kapag nawala ako, mas convenient para sa kaniya ‘di ba?! Wala siyang paaaralin. Wala siyang magiging paalala ng pagkakamali niya. May paalala siya, pero patay na. Of course that would be better for her!

Iniisip ko pa lang, ang sakit-sakit na. kahit hindi pa ako nakakalabas sa mundo, ayaw na agad sa akin ng Mama ko.

I want to be loved my ny mother. I want to feel her warmth. Bakit naibibigay niya sa iba pero sa akin hindi? Bakit minamahal niya ang iba pero ako hindi?

Hinintay ko si Mama buong gabi, isang Saturday na may night shift siya. Ang batang ako na hindi naniniwala sa pag-ibig ay sobrang mahal na mahal ang ina niya.

May night shift si Mama. Eleven pa ang uwi niya pero gusto ko siyang hintayin. Namimiss ko si Mama kasi buong linggo ko na siyang hindi nakikita ng maigi. Kapag umaga, tulog pa siya kapag pumapasok ako bilang grade four, at kapag gabi, tulog na ako pag dumarating siya.

Narinig ko ang pagkalansing ng susi sa labas. Si Mama iyon!

Paspasan akong tumayo at kinuha ang susi ko. pinagbuksan ko si Mama ng gate at kahit hindi ako nakangiti, nagdiriwang ang puso ko.

Hi, Ma! Namiss kita!

Gusto kong isatinig. Gusto ko siyang ngitian. Natatakot lang ako.

Pinanood ko siya sa tahimik niyang pagpasok. Napakurap ako sa antok pero pinigilan ko iyon sa pagkagat ng dila ko.

Lumapit ako kay Mama. Tumingin lang siya sa akin at hindi nagsalita. Sa mga ganitong pagkakataon, dapat pagod ang makikita ko sa kaniya kaya natatakot akong magsalita dahil kapag nagsalita ako ay ako ang pagsasalitaan ng masama. Pero ang nakikita ko ngayon… ay pagkagising… at… tuwa… kahit hindi nakangiti.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora