Fractum 39

154 3 1
                                    

Broken 39: Mark

“Laude, Agape Sanguine. Magna Cum Laude,” the emcee called me.

Malaki ang ngiting umakyat ako sa stage. Matapos ang pagtanggap ng medals at paperworks at pagkuha ng pictures, nakangiti na akong bumaba.

The three girls immediately welcomed me with a hug. Natatawa ako nang maghiwalay kami sa yakap at inilibot ko ang tingin ko sa mga nakapalibot sa akin.

The Laudes are all smiling at me. Umuwi rin si Tita Marinita para masaksihan ang pag-graduate ko. Natatawa kong pilit na inakbayan ang tatlo kong mga pinsan kahit hindi na abot ng braso ko. Sa huli, napamura si Celeste at pilit na umalis sa pagkakaakbay ko.

I met Clarkson’s eye from afar. Nang mamataan ko siya mula sa arogante niyang titig ay napangiti siya sa akin. I saw how his face lightened and I smiled more at him.

She didn’t attend my graduation. My mother did not join my graduation ceremony in medical school. I’m not irritated or angry, though. Nasanay na ako. I’m contented with the Laudes and… this man.

I excused myself from the Laudes. Mabilis at malalawak ang lakad ko papunta kay Clarkson. Malawak ang ngiti ko nang tumigil ako sa harap niya. He looks amazed on how I managed to come to him with my family on my background. I grabbed his hand and pulled him to walk back to the Laudes.

I don’t know if he changed the captain in charge of his flight to attend my graduation. He’s here but he only watched from afar because the only ones who know about him are the three girls.

Nakangiti akong tumigil sa harap ng nakabilog na pamilya ko. Some were smiling and some looks curious. Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kanila.

“Boyfriend ko po, si Travis Clarkson Montealegre,” pakilala ko.

Ang corny. I’m corny.

Maingay na nagsigawan ang pamilya ko. Pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa mapangasar nilang sigawan.

Papa and Konti tapped Clarkson’s shoulder. Mabilis na lumipat sa tabi ko si Xandra.

“Saktong graduation, ah?” gulat na sabi ni Xandra.

Napatawa ako ng marahan sa kaniya. Napailing ako dahil sa kalokohang pumapasok sa isip ko.

“Graduate muna bago boyfriend,” natatawa kong sagot sa kaniya.

Tumatakbong nag-amba si Celeste ng high five. Lumagutok ang mga palad namin sa ginawa niya at malakas ang tawa namin nang tuluyan na siyang makalapit.

“Galing mo talaga! Hindi ka man lang nakailalim sa kasunduan!” pangangasar ni Celeste.

Napatawa na lang rin ako sa kaniya. Nilingon ko si Jainez sa likod niya at may malawak na siyang ngiti sa akin. I smiled lightly at her.

I felt the familiar warm hand on the small of my back gliding to my waist. Nakangiti kong inangat ang tingin sa kaniya. Nagpaalam na siya na igigiya ako pabalik sa upuan ko. Nang kami na lang dalawa ang naglalakad palayo sa mga Laude, bumulong siya sa akin.

“Sweetheart, you didn’t tell me. Nauna pa nilang malaman kaysa sa akin,” he whispered softly with a laugh at the end.

Natawa na lang ako sa kaniya. Maluwag ang hawak niya sa baywang ko at marahan niya akong binitiwan nang na sa linya ko na ako.

Yes, he’s finally my boyfriend. After all those years. Even when I haven’t looked back at the past, yet. Sinagot ko si Clarkson sa mismong araw na gumraduate ako.

It’s a normal morning in Tita Marinita’s condo. Ang tatlong mga babae ay na sa kusina at maingay na nagtatawanan habang kumakain doon. Naupo ako sa kama ng master’s bedroom kung saan nagkalat ang mga libro at notes ko na pinag-aaralan ko para sa board exam.

The door screeched when someone tried to open it. Inangat ko ang tingin ko roon at sumungaw ang magandang pangangatawan ni Clarkson. He smiled at me more as he walked inside the room. Kumurap lang ako sa kaniya at ibinalik ko ang tingin ko sa mga libro.

Umupo siya sa edge ng kama ko na nasa bandang likod ko. Mine-morize ko ang terms sa utak ko.

I felt him move behind my back. Nakita ko ang nakatuping tuhod niya sa may gilid ko, nag-Indian seat na siya sa likod ko. He glided his hands on my waist and his foreams rested on my thighs. Isinandal niya ang noo niya sa batok ko.

I recited more terms in my head. Napapikit ako para tandaan ang mga kinakailangan kong terms. Iminulat ko ang mata ko nang ma-recite na ulit na sa isip ko ang isang page ng binder ko.

Inangat ko ang kanang kamay ko para mahaplos ang buhok niya sa likod ko. Naipasada ko ang palad ko sa buhok niya kaya itinagilid niya sa batok ko ang mukha niya. I smiled a bit before I lowered my hand.

“Hindi ka ba pwede sa labas muna? You’ll be a distraction to me,” marahan at nangangasar kong sabi sa kaniya.

“I won’t distract you,” he surely said.

Napatawa ako roon ng marahan. He grabbed my hand and gently moved it to my binder.

Gusto kong isipin na distraction siya. Gusto ko paniwalain ang sarili ko na distraction siya.

Pero sinong niloloko ko? He never distracted me. He has never been a distraction to me. Even in my final exams, I never felt distracted even when he’s with me. Tahimik lang siya sa paligid ko habang hawak ako at minsa’y nakakatulog pa sa batok ko.

Kahit pilitin ko ang sarili kong isipin distraction siya, wala akong ibang maramdaman kundi inspirasyon at determinasyon. The will to continue and to be better. Doing my studies for myself was already enough and then he came, I studied more and became better.

He’s never a distraction to me. He’s my greatest inspiration.

“Laude, Agape Sanguine, Magna Cum Laude,” the emcee’s voice echoed in my head.

The emcee’s voice keeps echoing in my head as I look at the list of board passers. Hindi ko maramdaman ang luha ko pero tila may humahaplos na init sa puso ko. I smiled softly caress the paper in the board.

I passed the board exam. I graduated in medical school as a Magna Cum Laude. Kabilang ako sa top three highest passers at pangatlo ako.

Clarkson’s hand glided from the top of my arms down. Marahan niyang itinulak ang palapulsuhan ko at ang katawan ko palapit sa kaniya. Hindi ko siya nalingon pero nakita ko sa gilid ko ang pagyuko niya sa tainga ko. His soft tall nose poked my ear a bit.

“Congratulations, sweetheart. I’m so proud of you,” he whispered in my ear.

Nang umangat siya mula sa pagkakayuko sa tainga ko ay nakita ko ang paglabas niya sa cellphone niya. Inangat niya iyon at tinapat sa papel. He took a picture of the board passers’ paper with my name on its third.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. His eyes look proud and his smile reached his ears as he clicked on his iPhone’s shutter. Napabuntong hininga ako at napangiti ng wala sa sarili habang pinapanood ko siya.

Nang ibaba na niya ang iPhone niya, ibinaba niya rin ang tingin niya sa akin. He smiled more to me and he glided his hands from my left hand to my waist. Marahan na niya akong hinila paalis roon.

He opened his cars passengers seat door. I gave him a soft peck on his lips before sliding in his car. Nakita ko ang pagniti niya sa sarili niya bago tumakbo paikot sa sasakyan.

“Have you chosen a hospital to intern in?” tanong niya agad pagkaupo niya.

Tumango ako. He started his Bentley and softly held my left hand.

“Oo. Kapag kinuha ako nung gusto kong ospital, doon na ako. Pero kapag hindi, I’ll choose on the best hospital that will offer themselves to me,” I spoke my mind to him.

I watched him as he drives. Nakatitig lang ako sa seryoso at arogante niyang itsura habang nagmamaneho. Kapag lumilingon siya ng mabilis sa akin, nakikita ko ang pag aliwalas ng mukha niya dahil sa pagngiti niya.

I’ve been speaking my mind to him. I never spoke of my mind to other people than the Laudes. Now, I easily speak my mind to him.

The past months with him, I don’t think about what to tell him. Basta na lang lumalabas ang mga salita sa labi ko at hindi ko na iniisip pa kung anong dapat kong sabihin sa kaniya. The words com straight out of my mouth.

My journey to be a doctor is only starting. Napangiti ako sa pag -iisip na pwede ko nang idikit sa pangalan ko ang M.D. dahil graduate na ako ng medical school at board exam passer na ako. Although, I’m still an upcoming intern and I still have to complete six to eight years of residency.

My chosen field in science is something that a year will never be enough.

Mabuti na lang at isang taon lang ang internship. Sa residency ay mayroon na akong magiging sweldo. Hindi pa kalakihan, malamang, pero atleast may sweldo ako dahil ang residency ko ang magiging training ko sa pagiging ganap na neurosurgeon.

“She’s smiling,” wala sa sariling bulong ni Clarkson.

Napatawa na lang ako sa kaniya dahil mukha namang hindi ako ang kausap niya at nausal niya lang bigla na nangingiti ako habang nakatitig sa kaniya. Napailing ako habang humihina ang tawa. Lumingon ako sa bintana ng kotse niya at napansing iba ang rutang dinadaanan niya at hindi kami papunta sa condo unit ni Tita.

“Saan tayo pupunta?” tnong ko nang mapalingon ulit sa kaniya.

Nakagat niya ang labi niya at siya naman ngayon ang napailing. Bahagyang nangunot ang noo ko sa hindi pagkakaintindi.

“You’re not staying on your Tita’s unit the whole time you’re an intern,” nangingiti niyang sabi.

Naitagilid ko ang ulo ko sa sinabi niya.

“Saan ako titira, kung ganoon?” tanging tanong ko na lang sa kaniya.

Sumulyap siya sa akin ng may malawak na ngiti na nagpapalabas sa puti niyang ngipin. Mabilis lang dahil kailangan na niyang ibalik ang tingin sa daanan kung ayaw niyang masagasaan kami. Dinala niya ang kamay kong hawak niya sa labi niya, at hinalikan iyon ng marahan.

Bago pa ako magsalita ulit, tumigil na ang kotse niya sa tapat ng isang mataas na building. Sa malayo ay nakikita ko ang isang sikat na private hospital. Inangat ko lalo ang tingin ko sa mataas at malawak na building nang makalabas ako sa Bentley ni Clarkson.

Tahimik lang ako kahit noong isara ni Clarkson ang pinto ng kotse niya. Ibinigay niya ang susi sa valet at mabilis pero marahang hinaplos ang baywang ko para madikit sa malaking katawan niya at maigiya ako papasok sa elevator.

Sobrang naigagagla ko ang tingin sa ground floor ng building. Hindi naman nakaawang ang labi ko pero panay ang lingon ko sa interiors nga building na ito. Kada lingon ko pa ay may nakikita at naririnig akong bumabati kay Clarkson pero seryoso at arogante niya lang iyong tinatanguan.

Panay pa rin ang lingon ko nang naglalakad na kami sa hallway ng mas mataas na floor ng building. Lalo ko lang naiikot ang mata ko nang buksan ni Clarkson ang pinto at bumungad sa akin ang magkahalong gray at white na interior ng isang sobrang lawak na condo unit.

Pinanood ako ni clakrosn habang ipinapasok niya ako sa loob ng unit. Malawak talaga. Malawak na ang condo unit ni Tita Marinita pero ang isang ito ay tatlo hanggang limang beses yata ang lawak kumpara sa isang iyon. The overall interiors tell me that anyone in any average life can never afford this place.

“Is this your place?” manghang tanong ko sa kaniya.

Nawala ako sa pagkakahawak niya nang lumapit ako sa isang frame na nakasabit sa horizontal thick striped wall ng unit nila. Nang lumingon ako sa kaniya, nakasuot ang isang kamay niya sa bulsa ng itim na slacks niya habang matamang nanonood sa akin.

He’s on his side view and I can see the shape of his bum and the muscles on his chest that is hugged by his white t-shirt. Naka-tuck in siya at nakaitim na belt kaya hindi siya nagmukhang plain.

Kung iba ang magsusuot sa outfit niya nagyon, it would not look the same. Ang ibang mga lalaki kapag naka-tuck-in ay mukhang jeje o bonjing pero siya ay nagmumukhang model ng kung anong clothing line.

Umiling siya sa akin. Nilingon ko ulit ang mga frames na nakasabit sa pader at nakitang maraming pictures ng isang lalaking kahawig niya kasama siya.

“Kapatid mo?” tanong ko habang nkaturo sa mukha noong isang lalaki.

Umiling ulit siya. Pumasok siya sa isang kwarto. Pagkalabas niya, may dala na siyang dufel bag. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko agad ang paghaplos niya sa baywang ko.

“That’s my cousin. I’m not close with my brother,” saagot niya.

Tumango ako roon. Ibinalik ko ang tingin sa fame nang may maalala. Nakikipagsuntukan nga pala siya noon sa kapatid niya. Even in our first meeting, masama ang tingin niya sa Kuya niya noon. The Montealegre twelve jersey. Noong makita ko siya noon sa City Mart, Ate niya ang kasama niya.

I was so rude to him back then. Napakurap ako sa sarili ko.

“His name is Shaun Abueva Montealegre. He owns this unit. Hindi kami mayaman sa Montealegre pero mayaman ang Mama niya sa Abueva,” kwento niya.

Tumango lang ulit ako. Bumuntong hininga ako at muling lumingon sa ibang pictures.

“Kinuha ko lang ang mga naiwan kong gamit dito. We’re moving in my house,” he informed.

Tulala ako kahit pababa na sa building. Hindi na ako napapalingon sa building at hindi ako mapangiti kahit may mga bumabati sa akin na bumabati rin kay Clakrson.

Tahimik ako sa kotse. Hindi normal na tahimik pero sobrang tahimik. Nakatanaw lang ako sa bintana at ramdam ko ang paulit-ulit na paghalpos ni Clarkson sa kamay at mga daliri ko.

Habang patagal ng patagal ang pagmamaneho ni Clarkson, palapit ng palapit ang private hospital na natanaw ko sa malayo noong na sa building pa lang ng condo unit ng pinsan ni Clarkson na si Shaun.

Ipinasok ni Clarkson ang Bentley niya sa kilalang Archeios Subdivision at natatanaw ko pa rin ang ospital na iyon sa malapit. Nagbukas ang gate ng isang malaking bahay at doon ipinasok ni Clarkson ang kotse niya hanggang sa garahe.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Tahimik lang ako at napansin ko ang panonood niya sa akin.

May pintong kumokonekta sa garahe at sa loob ng bahay. Ang bungad noon ay sa kusina. Malawak ang kusina at ang buong bahay pero hindi ko tuluyang mapagtuonan ng pansin dahil natutulala ako habang hawak ako ni Clarkson.

Isang pinto ang binuksan niya pagkatapos naming umakyat ng hagdan. Bumungad agad sa amin ang isang malawak na kwarto. I got the hint that it’s the master’s bedroom.

Naupo ako sa gilid ng kama niya. Natingala ko siya nang haplusin niya ang buhok ko pababa.

“You can go out the room and explore the house. I’ll just take a shower,” paalam niya.

Tumango ako. Tumango rin siya. Kinuha niya ang isang twalya na nakatupi sa gilid at pumasok na sa isa pang kwarto sa silid na ito.

He finished fast, making me realize his worry because of his fast movements. Lalo pa noong lumabas siya sa banyo at nakitang nakaupo pa rin ako sa kama niya at hindi man lang lumabas, hindi kagaya ng madalas kog pag-iikot sa mga bagong lugar sa akin.

A small towel is hanging on his left shoulder. He’s only wearing his shorts and topless. Nang mapatigil siya sa paglalakad dahil nakita niya akong nananatili sa kama niya, naibaba niya rin ang twalyang iyon.

It revealed a mark on his chest. Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napatayo. Mabagal ang hakbang ko habang sa exposed na dibdib niya ako nakatitig. He noticed my want to approach him. Mabagal ang lakad papunta sa akin, holding only his small white towel in his hand and his outgrown hair still wet.

Napatigil kami nang magkaharap na kami. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko at panginginig ng nakaawang ko labi habang inaangat ang kanang kamay kong nanginginig rin.

Ngayon ko lang siyang nakitang walang pang-itaas na suot. I saw a bit of this before, but I did not absolutely mind it. Ngayon ko lang nakita ng maayos.

Tumulo ang luha ko habang hinahaplos ang dibdib niyang may marka. Malapit iyon sa bandang alam ko kung na saan ang mas malakas na pagtunog ng tibok ng puso ng isang tao, sa may kaliwang dibdib.

There’s two texts in the middle and from there reveals a root-like image spreading around his chest but mostly upwards to his chest stopping in his lower neck and collarbone. I caressed the two words in the middle of his chest, near his beating heart, as my tears flowed down my cheeks.

Agape Sanguine.

Agape Sanguine, says in the words in his chest as the roots of it spread to his chest and up to his neck.

Isang hikbi ang napakalawan ko habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko pababa sa pisngi ko nang tuluyan kong mapagtanto ang lahat.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now