First Home

1.3K 10 0
                                    

First Home: Broken Home

Love.

When you search for it in a dictionary, it shows that love is a feeling of strong and constant affection for a person.

The four letter word that everyone is dying for.

Hindi ako naniniwala diyan. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig.

Kung totoo ang pag-ibig, bakit ipinagbabawal? Kung totoo ang pag-ibig, bakit hindi pwedeng makamit man lang? Kasi kahit makamit mo... hinding-hindi magiging sa iyo. Kasi kahit mahawakan mo, bibitaw pa rin sa iyo. Kasi kung masubukan mo, magkakaroon ka pa rin ng iba.

Kaya bakit totoo ang pag-ibig, kung ganito ang asta ng mga sinasabing umiibig?

Kung totoo ang pag-ibig, bakit hindi nagtatagal? Kung totoo nga ang pagmamahal, bakit mabilis na bumibitaw? Kung totoo ang pag-ibig, bakit kailangang umalis? Kasi hindi nga totoo. Katawang-tawag lang iyan sa tao.

Kung totoo ang pag-ibig, bakit may naghihiwalay? Dahil hindi pangmatagalan ang emosyon. Hence, hindi totoo ang pag-ibig. Nagpapaalipin lang tayo sa natinding emosyon natin.

Kung totoo ang pag-ibig, bakit kailangang masktan? Kung totoo ang pagibig, bakit may nananakit at nasasaktan? Kung totoo ang pag-ibig, bakit kapag nasaktan, gusto na ring manakit? Dahil hindi iyan pag-ibig. Greed, lust, and futile emotions lang iyan.

We become slaves of ourselves because we broke what is right because we think it's love. Well, think again. It's not love. Love is not true, but hence, is the creation of human hallucination.

Kung totoo ang pag-ibig, bakit may nagsisinungaling? Kung totoo ang pag-ibig, bakit may peke? Kasi walang pag-ibig. Atraksyon lang ang nakakapagpadikit sa dalawang tao. Hindi nga lang dalawa kasi gusto ng iba na may isa pa. Kulang ang isa, kulang ang dalawa, dahil hindi totoo ang nadarama. Pag-ibig, sabi mo? Mahal mo, sabi mo? Bakit hindi mo pinanindigan? Kasi hindi totoo ang pag-ibig mo. Hindi totoo ang pag-ibig.

Hindi totoo ang pag-ibig. Kung totoo ang pag-ibig, bakit matapos magmahal ng isa, may kasunod na agad? Kung totoo ang pag-ibig, bakit may pamalit? Dahil ang tao ay hindi makukuntento. Hanggang may makukuha, susunggaban. Dahil hindi pag-ibig, kundi kasakiman.

Kung totoo ang pag-ibig, bakit kapag sinaktan mo iyong tao, at nagustuhan mo ulit, hihingin mo ulit? Para saan? Para saktan ulit?

Ilusyon. Nag-iilusyon lang. Kung totoo ang pag-ibig, eh 'di sana hindi ka iniwan! Kung totoo ang pag-ibig eh 'di sana hindi ka nang iwan!

Kung totoo ang pag-ibig, bakit may nangangalwa at nagsasabay? Hindi nga kasi kuntento. Emosyon ang nagdadala kaya dala ng takot, ayaw saktan ang kasa-kasama, pinagsabay na lang kasi nadala na ng emosyon. Kailangan iyong isa para sa sarili, at iyong isa para sa katawan. At kung may isa pa, mas rason lang na hindi totoo ang pag-ibig.

Totoo pa rin ba ang pag-ibig, kapag hindi na ikaw ang iniibig? Totoo pa rin ba, kapag bumitaw, at hindi ka na binalikan? Hindi. Ang mga salita ay hindi makakapagpabase ng pag-ibig. Bakit? Kasi hindi totoo ang pag-ibig! Kung totoo, bakit ka iniwan? Kasi hindi naman talaga minahal. Nadala lang sa walang sawang atraksyon. Kaya papalit-palit ang mga tao. Kaya hindi nakukuntento ang mga tao.

Kung totoo ang pag-ibig, kagaya ng sinasabi nila, love can endure, bakit may umaalis dahil hindi na kinaya?

Love. The four letter word that everyone's dying for. Sa kakaisip ng lahat ng pag-ibig, isip na lang nila ang nagdidikta. Kung isip ang nagdidikta, ibig sabihin hindi mo nadarama. Kasi kung naramdaman mo, bakit hindi naging totoo?

Kung ang pag-ibig na pinapakita niyo sa buong mundo ay ang sinasabi niyong pinakamagandang regalo kung saan ibinibigay niyo ang oras, atensyon, pagmamahal, at concern niyo, bakit matapos ninyong ibigay, mapagbigyan, at makuha, bakit itinatapon niyo na lang agad?

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon