Fractum 23

124 2 0
                                    

Broken 23: Exams

I was expecting the worst from my classmates but they stood there with their same normal looks; judgemental, uncaring, and insusceptible.

What happened? They should have known by now.

Kumibit balikat na lang ako at basta umupo. Na sa likod ko si Luxen at siya ang sinundan ng tingin ng mga kaklase ko. ang bag ng libro ko ay na sa madalas na lalagyan niya sa gilid ko. I sat down and Luxen did too.

It was normal. I did good at the reviews. Hindi ako lumabas ng recess para makapagreview pa ako ng notes ko. sinubukan ko ang English kahit na iritado pa ako sa teacher at hindi nakapagreview doon noong weekend.

“Magre-recess lang ako,” Luxen’s usual words every break.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya mula sa white big notebook ko. He smiled at me like his usual boyish smiles but now with a hint of concern. Kitang-kita ko ang pagpigil niya sa pagpapakita ng lungkot para hindi ko rin madama iyon. Gusto niyang ipakitang normal pa rin para maramdaman kong ganoon din.

I smiled at him. Medyo nawala siya sa tingin ko sa pagsingkit ng mata ko. Hinaplos niya ang ulo ko bago siya lumabas.

I had it hard in English. Kami ng mga kagrupo ko sa group review game ay hindi nangungulelat pero hindi rin ume-excel.

The features of drama and technical elements for drama is something I couldn’t remember well since I didn’t pay attention to it and to the whole subject.

I can remember our English teacher with her Powerpoint from Google as she just read the slides without explaining it. Dahil binabasa niya lang ang na sa Powerpoint, mabilis ang paglipat niya sa slides at hindi na namin nakokopya kahit ang mga importanteng bagay man lang. Hindi rin isine-send sa amin ang link man lang ng Powerpoint so I find this hard. Kulang na nga ako sa notes, kulang pa ako sa aral.

Aasahan ko nang ang English grammar ay hindi rin maituturo sa amin ng maayos.

Lunch na noong lumabas ako para mag-CR. Sa CR sa baba ang punta ko kaya pumihit ako pababa sa hagdan. Some of my girl classmates were there.

“Oh! Ayan na ang anghel na nandemonyo kay Luxen!” halos isigaw sa akin ng isa.

Hindi ko sila pinansin. Alam kong ako ang sinasabihan nila but I won’t give them the assurance that I listen.

“Demonyo! Akala mo anghel! Kapal ng mukha!” sigaw ng isa.

Ito ang unang beses na harap-harapan silang nagsalita sa akin. sa mga libro, lalaban ang mga kagaya kong babae at magsasalita para sa sarili niya.

In reality, you can’t really do something about it. Sa totoong buhay wala ka naman talagang magagawa kundi tanggapin na lang ang mga masasamang sinasabi sa iyo. Hindi sila masisindak sa mga salita mo at mas lalo ka lang mangangawawa kapag pinatulan mo.

Sa totong buhay hnid mo naman talaga kayang lumaban. Sa totoong buhay walang makikipalaban sa iyo. You have to stand tall all by yourself because no one else will stand for you.

This is reality. The only thing that I’m holding on is my façade.

“Demonyo nga sa kama kasi!” rinig kong sabi ng isang lalaki saka siya tumawa.

I bit my tongue at that. I can list that as sexual harassment!

But I won’t. I can’t. I couldn’t. Nanay ko nga hindi ako pinaniniwalaan, iyon pa kayang mga hindi ako kilala ang paniwalaan ako? Hindi ako malakas sa kahit ano. I only have Luxen as a friend here and no one else more. Wala akong connections, wala akong kapangyarihan. Kahit mamatay ako, no one will defend me.

Hindi ko rin napansin ang pagtawag-tawag nila sa aking anghel noon. This is something to realize too, huh? They were using me. One of them was those who copied one of my assignmenst.

Parang mga hindi kumopya sa akin noon kung makapagsalita, ah? Parang mga hindi nagpaturo sa akin, ah? Parang hindi nagpa-translate sa akin ng isang word at sa huli ako na ang gumawa ng essay nila? Users.

Ganoon naman talaga. Hindi ka lalapitan ng mga tao kung wala silang kailangan mula sa iyo. User-friendly.

Kung saan-saan ako nakakasalubong ng mga kaklase ko habang mag-isa akong naglalakad. What they’re saying are all the same.

“Oh anghel!” sarkastikong sabi ng isa.

Dumiretso ako ng lakad. Halos hakbtin ako ng isa pero mabilis ang reflex at paghawi ko.

“Ang snob! Kala mo talagang anghel!” singhal pa ng isa.

“Demonyo!” balik ng isa.

Who concluded that I’m an angel, anyway? You poisoned your own thoughts of me. Hindi ko na kasalananan iyon. Sobrang insecure na ba?

The other reviews were okay. May ilang napanalo ko at may ibang hindi.

It’s the same with my boys. It’s comforting tostill have them even when the girls are almost killing me with their stares and their words.

Pagkauwi ko sa bahay, wala pa si Mama. Gabi pa ang uwi niya. Ibinagsak ko ang mga bag ko at sinalampak ang sarili ko sa kama.

I cried so much again. Imbes na makapag aral ako para sa mga exams bukas, napaiyak ako sa halo halong nangyayari sa buhay ko.

My mother’s words and my classmates’ words. My incoming birthday is something to never celebrate again. I didn’t like my birthday before. I hate my birthday now! I should not have lived!

This shit is having the best of me! I want to slash my wrist right now but I want to die peacefully!

Pwede bang matulog at hindi na lang magising?

Napahagulgol ako at napadapa sa unan ko. Napupuno na ng luha iyon at ang pillowcase na bago ay basa na.

Sising-sisi ako.

Nakatulugan ko ang kaiiyak ko at gabi na noong nagising ako. Nakauniform pa ako at kahit alas otso na, hindi na ako nag abalang magsaing para kumain. Nag-aral na lang ako agad.

Mas pinagtuonan ko ng pansin ang English dahil major subject saka ko isinunod ang Computer. Kahit nagbibihis na ako ay hawak ko pa rin ang notes ko. Naniningkit lalo ang mga mata ko sa pagkamugto.

Tuluyan na akong hindi kumain. It’s not a big deal. Hindi na rin ako nakaramdam ng gutom kahit sa lunch kanina at ang kalahati ng ibinaon sa akin na hotdog at sandamakmak na kanin ay ikinaning baboy ko na lang. ngayong gabi kahit tinapay ay hindi na ako nag abalaang magluto.

Nilinis ko ang bahay kahit nag-aaral pa ako. Kahit gamit niya mismo nilinis ko sa pag iisip na wala nang mahuhusga ang Mama ko sa pagkalinis ng bahay niya. I’m sure there will still be.

Nakatatlong paulit-ulit na walis na ako. Malinis na ang lababo lalo pa’t hindi ako kumain.

Hindi ko siya sinalubong kahit narinig ko na ang kalabog ng gate. Nakatitig lang ako sa ESP book at paulit ulit na binabasa lang iyon. Sana may tumatak sa utak ko kahit binabasa ko lang. alam kong wala. Pero natatakot akong bumagsak ako matapos ang mga naging paghihirap ko noong mga nakaraang grading.

Maingay ang pagpasok ni Mama. Na sa main door pa lang siya, nagsisisigaw na siya.

“Nagwalis ka man lang ba?! Pagod na pagod iyong tao ang rumi-rumi pa ng bahay pagkapasok!” singhal niya.

Napakurap ako. Hindi ko nawalisan ang terrace.

Wala na akong magagawa. Ibinalik ko na lang ang buong atensyon ko sa binabasang libro. She will go over and over that again.

“Ano?! Nakipaglandian ka na naman sa lalaki mo!? Ninakaw ko ang cellphone mo?!” sigaw niya sa harap muli ng pinto ko.

Nanahimik lang ako, ayaw dagdagan ang apoy ng gali niya.

May ibinato siya sa akin ng buong pwersa niya at dumama iyon sakto sa sikmura ko. Napabalikwas ako ng bangon doon at napapikit nang maramdaman ang matinding sakit ng sikmura ko dahil sa cellphone kong tumama roon, at sa hindi ko pagkain ng hapunan ko.

“Sa iyo na yang cellphone mo! Tangina! Ninakaw ko pa talaga!” sarkastiko pang sigaw ni Mama kahit malalim na ang gabi.

Of course she would give this back. Madalang ang pagrereply ko sa mga flings ko at kahit pa kay Luxen. She won’t she anything here because she has nothing to.

I have seen the normal routine of my day. I have calmed down even when the name callings became worst.

Walang namumuong luha sa mga mata ko ngayon kahit iniinda ko ang sakit ng sikmura ko.

Nakita ko na ang kalmadong buhay ko at kahit binabagyo na ulit ako ng mura ng nanay ko, hindi ako maluha dahil may bagay pa rin sa buhay ko na nanatiling kalmado.

My phone vibrated at a sudden call. Binuksan ko ang lock at nakita ang caller ID ay si Papa. Nagdalawang isip pa ako bago sinagot ang tawag ni papa.

Humiga ako at huminga ng malalim. Sinandal ko ang cellphone sa tainga ko habang hawak ko ang puting notebook ko.

“Hello. Anak, hello…” rinig kong marahang tawag sa akin ni Papa.

Ganito kabilis at kumalat na agad ang balita?

Nakailang tawag pa si Papa sa akin at sa pangalan ko. Huling sabi niya sa tawag niya sa akin, sumagot na ako, “Po…” nanghihina at paos na sabi ko.

“Anak, anong nagawa mo at nag aalburoto na naman ang ina mo?” simula niya sa tawag.

Bumuntong hininga ako. Ano nga bang ginawa ko? Nagboyfriend kahit hindi naman totoo?

“Pumuputok na ang butsi ng Mama mo. Iyak na nang iyak. Nangangayayat na sa stress ang Mama mo…” maingat niyang sabi.

Napakunot ang noo ko roon.

Pangalawang araw pa lang ito, nangayayat na agad siya?!

Parang siya ang namali, ah? Kung naniwala lang siya sa akin, hindi sana kami nagsisisihan ngayon.

I like my father’s carefulness. Hindi basta-basta at nagtatanong muna. Hindi naninigaw at nanunuri muna. Even with my mother’s testaments, he still wants to hear my side. He probably knows what mhy mother is like when it comes to issues like this.

“May boyfriend ka na ga, anak?” ingat na ingat na tanong ni Papa.

Napaluha ako roon. Hindi na ako naiyak sa sinabi ng Mama ko pero naluluha na ako ngayon sa simpleng tanong ng Papa ko. Mabilis, at agad na pumasada ang sunod-sunod na mga luha pababa sa pisngi ko.

Kahit ipaglaban ko ang sarili ko, walang makikinig. Kahit sabihin ko ang totoo, hindi ako pakikinggan. kahit magsabi ako ng totoo, hindi ako paniniwalaan.

“K-kahit naman sabihin ko ang t-totoo… hindi k-kayo maniniwala…” balik ko kay Papa.

I spoke my mind to my father. I opened the words from my mind to tell to my father.

“Wala na akong pakialam sa iyo! Binlock na kita sa Facebook ko at bahala ka na sa sarili mo! Ipakita mo sa buong mundo ang mga kalokohan mo! Bwisit!” sigaw ng boses ni Mama sa tuktok ng ulo ko.

Luhaan ang matang sumilip ako sa tuktok ng ulo ko. I cried so much more remembering a similar scene of her having sex with another man. Iniwas ko ang tingin ko sa knaiya at pinakinggan si Papa.

“Teka. Teka lang. Ano muna ang totoo, Sanguine? Nariyan ang Mama mo? Naririnig ka?” sunod-sunod na tanong ni Papa.

Umiling-iling ako sa sarili ko. Nakagat ko na ang dila ko sa kagustuhang hindi na magdagdag pa ng salita.

“Anak, ano ang totoo?” ulit ni Papa sa una niyang tanong at katahimikan na lang ang namahagi sa amin.

Inisip ko ng mabuti ang isasagot ko. Kahit malabo ang sitwasyon at hindi ako maiintindihan ay inisip ko pa rin ang pwedeng masabi ko. Inisip ko ang pwedeng masabi ko pero parang mali pa rin yata ang lumabas sa labi ko.

“Wala, Pa. walang totoo…” tanging nasabi ko.

Sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig ko kay nakagat ko agad ang dila ko at nakalasa ako ng kalawang roon. Shit! Nagdugo yata ang dila ko!

Hindi ko pinakawalan ang dila ko at mas diniin pa ang sariling ngipin doon. Nagmura nang nagmura si Mama kaya wala akong nagawa kundi kagatin ang dila ko.

I realized what I said was deep. Too deep. It won’t me understood if it’s not thought of hard. Walang totoo. Walang totoo sa sinasabi ng Mama ko. In normal thoughts, iisipin ng mga tao na naguguluhan lang ako kaya iyon ang nasabi ko. what I said was right and appropriate, but not easily understood.

I’m not easily understood.

“Sige na, anak. Babye na. Sundin mo ang Mama ko at nangangayayat na dyaan,” Papa bid his goodbye.

Ibinaba ko ng cellphone ko. Wala si Mama sa gilid ko kaya pumikit ako ng mariin at tahimik na umiyak roon.

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Tuluyan ng hindi nakapag-aral noong gabi at napuno na lang ng pag-iisip sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Nagising ako sa usual na tunog ng alarm ko na para sa regular classes days. Eleven AM pa ang pasok namin pero alas sais palang, gising na ako. Nananakit ang mga mata ko. Hinayaan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko kahit nagbukas na ako ng ilaw.

Wala akong na-memorize sa ESP. English pa rin ang pinagtuonan ko ng pansin kahit napaulit-ulit ko na iyon.

Umuwi akong magkahalong galit at frustrated. Ibinagsak ko agad ang small bag ko at kinuha agad lahat ng libro at notes para sa pangalawang araw na exams.

The exams were so hard. Kitang-kita ko ang kawalang pag-aaral ko at kahit sa English na pinagtuonan ko ng matinding pansin, nahirapan pa rin ako. Naging madali ang pattern ng computer at nagsisi akong iyon pa ang mas pinag-aralan ko kaysa sa esp.

ESP was so hard! Mukhang sa ESP pa ako babagsak kaysa sa ibang major subjects!

Nakaka-frustrate na ESP lang pero punong puno ng identification, nakakalitong multiple choices, sandamakmak na enumerations, at nakakasakit ng kamay na essay!

I know that teacher, too! Kapag hindi niya nagustuhan ang essay ay two or three points over five points lang ang ibinibigay niya! I’m not even sure about my answeres in the identification! Nanghula yata ako sa iba!

Ang multiple choice pa yata ng ESP ang pinakamahirap. Nakakalito at wala akong maalalang nasa libro. O baka kinulang ako sa aral pero noong natapos ang exams at binuklat ko ang ESP book, wala roon ang questions at wala din doon ang answers!

Nakakapangsisi kaya ngayon ay ayaw ko nang madistract. Tama na ang tatlong subject na malaki ang tsansang bagsak ako! Puro major subjects na ang last two days! I can’t afford a low grade!

Seryoso kong pinag-aralan ang mga notes at libro. Minemorize ko at nakatulong na ang mga ito ang pinakapinag-aralan ko noong weekend. Ang tanging nagmo-motivate sa akin ay ang pangako ko sa sarili ko na pagkatapos ang lahat ng exams, saka lang ako hahagulgol ng iyak para ilabas lahat ng naipon sa loob ko.

Hindi ko na inisip ang pamilya ko. Hindi ko na inisip ang mga kaklase ko. Hindi ko na inisip si Luxen. Kahit pumapasok sa utak ko ang partikyular na lalaking iyon sa Batangas, tinapon ko na sa kailaliman ng utak ko!

Kahit binubungangaan na ako ni Mama at masasakit man ang mga sinasabi niya, pinabulaanan ko na lang. Sinubukan ko ang inaakusa niya sa akin. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. That helped me so much.

Alas dos na nang matulog ako. Isinarado ko ang pinto dahil kanina pa ako sinisigawan na matulog na.

Kapag nag-aaral ako, pinipigilan ako. Kapag hindi ako nag aaral, pinapaaral ako. Tapos sasabihin, tumigil na ako sa pag-aaral.

Iyong totoo? Ano ba talaga?

I gave my all to my last two days of exams. I still don’t think it’s enough and I don’t think that I will have any perfect exams this third mastery exams.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now