Fractum 47

176 1 0
                                    

Broken 47: Hair

Nayakap ko agad si Clarkson pagkatapos niyang kumanta. Mahigpit ang hawak ko sa kaniya at hindi ko na inalintana kahit may gitara pa sa gitna namin.

Hinahabol ko ang hininga ko sa kakaiyak nang ipatong ko ang baba ko sa balikat ni Clarkson. Inangat ko rin ang tingin ko para mapigilan na ang pagluha ko pero hindi ko rin kinaya iyon. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Clarkson at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya.

Ibinaba niya ang gitara sa sahig at napasandal iyon sa gilid ng kama ni Clarkson.

He moved me from the bed to his lap and it gave me more access to cry in his neck. Maiingay ang hikbi ko habang nagtataas-baba ang mga balikat ko sa sobrang pag iyak. Clarkson stayed quiet and only hugged me tighter, as if never wanting me to get out of his hold.

Hindi pa ganoon kagabi nang makabalik kami sa bahay ni Tita Marinita. Ginamit namin iyong orange na Mio ni Clarkson dati dahil maayos pa naman. May mga bagong motor sa garahe nila pero mas pinili ko ito nang makitang maayos pa dahil laging ginagamit ng pinsan yata o kapatid ni Clarkson.

Sinalubong agad kami ni papa nang makababa ako sa mtor na itinigil ni Clarkson sa harap pa lang ng garahe. Lumapit agad si papa sa amin at si Clarkson naman ay nagmano lang kay Papa bago ipinasok ang orange niyang motor sa garahe.

“Hindi kayo nagsabi agad, anak. Kumain na ga kayo? Nagluluto pa nga laang ako,” Papa said in his usual Batangueno tone.

“Kumain na, Pa. Pero kakain ulit ako, sabay tayo,” sagot ko.

Papa and I talked while walking inside the house. May tatlong kape rin sa dining table. Kinuha ko ang isa para sa akin at ang isa ay iniabot ko kay Papa. Nginitian ko si Clarkson nang makapasok siya. I sipped on the coffee that Papa made for me. Hindi ako naupo sa upuan ng table.

“Kumain na raw kayo, totoy? Kakain daw ulit itong si Sanguine,” tanong ni Papa kay Clarkson.

“Kakain din ho,” magalang na sagot ni Clarkson.

Pinanood ko si Clarkson na hinila ang upuan ng kabiserang katabi ko oval-shaped na table rito. Sa kabilang side lumipat si Clarkson nang mahila iyon kaya napagitnaan kami ng upuan. He smiled when he met my eyes and he glided his right hand to my waist to pull me softly, making me sit in the chair he pulled.

Nagpatianod ako sa hila niya. Pagkaupo ko ay umupo na rin naman siya. I met Papa’s amazed eyes and I smiled at him. He’s been watching me closely as if I’m a dream that will anytime be gone.

Hindi ko na nakita ang sarili ko mula noong umiyak ako kaya hindi ko alam kung namugto baa ng mga mata ko. Papa’s watching me closely and I don’t think he’ll ask. Iisipin niya na lang na pagod lang ako kaya ganito o si Clarkson na lang ang tatanungin niya.

Umuwi rin si Clarkson noong lumalim na ang gabi. Araw-araw sa loob ng apat na araw ay ganoon. Pupunta siya rito sa umaga at sa gabi na siya uuwi sa kanila.

Hindi naman siya nagsabi kung gusto niya bang dito matulog. Tinanong ko siya isang beses at sabi niya ay mag enjoy na lang daw muna ako rito sa gabing wala siya.

I’m mostly with the kids because they have been sleeping here with me. I don’t mind. I like the presence of the kids. Kapag mabuti ka sa kanila, mabuti rin sila sa iyo. Paiyakin mo ang mga bata, isusumbong ka sa magulang nila. It’s simple and complex at the same time.

The feeling is fulfilling. Kapag nakatanaw ako sa bintana sa gabing mag-isa ako, naaalala kong ganito rin noong highschool pa lang ako.

If I look out of the window, Clarkson is looking up to me. if I am not looking out of the window, Clarkson is talking to me. It made me look back and feel the same feeling I had when I was young. I feel old, but I feel fulfilled.

I have found the self that I have lost since I was born. I found myself that I lost by loving my mother and Clarkson. I have let my mother do what she wants and I have healed with the help of Clarkson.

I feel happy. I remember how I was so broken before and I feel complete now. Kahit sa gabing malamig at nakangiting kumakaway na ako sa pauwi nang si Clarkson, maingay ang mga mata sa likod ko at mas lalo akong napapangiti dahil sa kanila. It’s the Laudes and it’s Clarkson. Of course, myself.

Just when you thought everything is fine and alright, something precious falls apart.

Nagising ako sa panglimang araw namin dito sa Batangas. Marahan ang boses ni Clarkson na ginigising ako habang hinahaplos ang mukha ko. Although, I can sense the urgency. Umupo ako agad mula sa pagkakahiga.

“Ang aga mo yata…?” inaantok pang tanong ko.

“Dumating na si Ate. Mama was rushed to the hospital,” he said gently but I can feel his uneasiness.

Napatigil ako sa pagkukusot ko ng mata roon, “Bakit?” tanong ko agad.

Umiling siya. Pumulupot agad siya ng yakap sa akin, “Her illness came,” he whispered lowly.

Nakasandal na ang noo niya balikat ko ngayon. It’s a sweet gesture and he looks calm but I felt the urgency already. Hinawakan ko ang braso niya para kumalas ng kaunti sa kaniya. He looked at me with hurt eyes.

“Hindi ka sumama sa ospital? Sinong nagdala kay Tita roon?” tanong ko agad, natataranta na.

Ibinaba niya ang tingin niya. Iling lang ang isinagot niya. Akma sana niyang yayakap ulit sa akin pero tinapik ko ng marahan ang braso niya. I lifted my hand to his jaw and I caressed his stubble. I gave him a soft kiss on his lips.

“Mag aayos na ako. puntahan natin ang Mama mo,” sabi ko matapos ang halik.

Tumayo agad ako, not giving him a chance to speak. Pumasok agad ako sa CR ng kwarto dahil kumpleto naman ang gamit ko roon. I locked the doors of the bathroom to not let anyone in.

Mabilis at maliksi ang galaw ko sa pagligo. I only made some circle of strokes in my hair and my shampoo is already done. Hindi ko mapigilang mapaisip habang nagsasabon ako.

Hindi ko alam kung ano ang sakit ni Tita Clarissa. Napansin ko lang ang paghahabol niya sa paghinga niya noong pumunta kami roon. I’m a doctor in training and I think I can help but if the problem is far away from neurology, I think I might be lacking.

Hindi pa ako nakabihis nang lumabas ako sa banyo. Isang sedang roba ang suot ko at may nakapulupot na twalya sa buhok ko. Wala na si Clarkson sa kama ko at nakalabas na siya, kagaya ng nakagawian namin sa bahay niya. He respects every part of me and it includes the one that traumatized me before—but I have healed from it now.

Mabilis ang mga galaw ko habang kumukha ng damit at nagbibihis. Hindi na ako nakapaglotion sa kakamadali. Nagmamadali na nga ako, hindi ko pa rin mapigilang mag isip.

Dapat dumiretso na si calrkson sa Mama niya. Ang Ate Claire niya pa ang naghatid sa Mama nila at dito naman dumiretso si Clarkson para sabihin sa akin. Mukha siyang kalmado at kahit may kaunting bahid ng pagkakataranta niya, dapat inuna niya pa rin ang Mama niya kaysa sa akin.

I know my mother have broken me but Clarkson’s mother is one fine and good mother. Dapat dumiretso na siya sa Mama niya lalo pa’t mas may katandaan ang Mama niya kaysa sa Mama ko. And I can drive myself to the hospital. Dapat talaga… napailing na lang ako.

Pinilit ko si Clarkson na mag-motor na lang kami para makakasingit kami sa traffic kasi ma-traffic ang daan papunta sa ospital. He wanted to use his car but luckily, he agreed to my suggestion. Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad kong tinanong sa front desk ang information ni Tita Clarissa Montealegre. Natataranta na ako pero kalmado lang ang lakad ni Clarkson kumpara sa bilis ng lakad ng maiikling binti ko.

Na sa emergency room pa si Tita Clarissa. Ate Claire welcomed me with a hug the moment she saw me. nagkwnto siya ng nangyari at naluuha na siiya kaya pinaupo ko na muna siya sa waiting seats. Taranta na kami ni Ate Claire samantalang si Clarkson ay tahimik lang na nakasandal sa pader habang nakapikit.

“Si Travis ang unang nakakita. H-he rushed to… to me to tell me about it! I… I… I rushed Mama here b-but Travis…” umiiyak na sabi niya at hindi na anituloy kung ano mang idadagdag niya.

I already get it. I sensed it already. Travis came to me instead of being with his ill mother.

Gabi na nang matapos ang operation but the doctor said that the patient still needs absolute rest. Kinabukasan rin ng hapon ay sinabing kulang daw sa facilities ang ospital. At kailangang ilipat si Tita Clarissa sa Maynila. Dumating na rin ang kapatid at papa ni Clarkson.

It’s a hectic moment in between our vacation. May isa o dalawang araw pa kami para manatili rito pero kailangan nang pumunta ng pamilya sa Maynila para sa ilaw ng tahanan nila.

Hindi ko naiintinidhan si Clarkson. imbes na ang Mama niyang nagpapahinga ang alagaan niya, ako pa ang binabantayan niya. There were times when he was needed to watch over their mother because the other three needed to go home and he declined because he said he needed to buy me food and accompany me first.

I can’t understand him. His mother is ill. Why take care of me when he knows that his mother needs his care more than me?

At ngayong kailangan na nilang pumunta sa maynila para mabigyan ng mas maayos na paggamot si Tita, hindi ako makapaniwalang humihindi si Clarkson sa pagsabay sa pamilya niya papunta roon.

Na sa harap na kami ng nakabukas na likod ng ambulansya at naghihintay ang mga paramedic sa loob. Nakaupo na sa front seat si ate Claire. Ang kapatid at Papa niya ay magkasamang magmamaneho ng sarili nilang sasakyan at susundan na lang ang ambulansya. Si Clarkson na lang ang hinihintay na pumasok sa loob ngayon.

“I’m not going with them, sweetheart. Ikaw ang isasama ko at susunod na lang tayo sa maynila pagkatapos ng bakasyon natin,” magkahalong panlalambing at pamimilit ni Clarkson sa akin.

Mariin akong umiling habang nakakunot pa ang noo, disappointed at hindi ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari ngayon.

“Go with your family. Your mother needs you. your family needs you. I can’t go with you right now because it’s only the family and an approximate amount of people are only allowed on the ambulance you have,” balik ko sa kaniya.

Siya naman ang umiling sa akin. Binigyan ko siya ng isang maguguluhan at worried na tingin dahil kailangan na niyang makinig sa akin pero kanina pa kami hinihintay dito at hindi pa rin siya nakikinig.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng ambulansya sa harap. Nilingon ko iyon at nakitang lumabas na si Ate Claire, dala ang kaniyang bag. Lumapit siya sa amin.

“Sige na, Travis. Ipapsama ko na sa ambulansya sina Papa at Triton. Ako na lang muna ang magbabantay kay Sanguine at sa atin ko siya patutulugin para mapanatag ka. Mama needs you right now. Alam mo namang paborito ka,” marahang sermon ni Ate Claire kay Clarkson.

Tumango ako sa sinabi ng ate niya pero umiling agad si Clarkson, “Ate—” I cut him off.

“Please…” I pleaded him.

Bumuntong hininga na niya. He stepped towards me and gave me a soft kiss before hugging me tightly. I hugged him back but I pushed him to go already.

Malungkot at nagaaalala pa ang tingin niya sa akin nang isara na ang pinto ng ambulansya. I nodded at him and I waved to the ambulance that is getting farther and farther from the distance.

Sa kotse na ako ni Ate Claire sumabay pabalik sa bahay nina Clarkson. Tinawagan ko na rin si Papa para makapagpaalam na sa bahay nina Clarkson ako matutulog dahil pinasama ko si Clarkson sa Mama niya sa Maynila. Pumayag naman siya. Though, I think Papa will let me sleep here too, even with Clarkson around. I am of age.

Pag-aalala lang ang naramdaman ko nang makaratng kami sa bahay nina Clarkson. Sa kwarto ni Clarkson ako idinirekta ni Ate Claire at doon na raw ako matulog. Pag-aalala lang ang nararamdaman ko noong makapasok ako sa bahay nila pero nang makapasok ako sa kwarto ni Clarkson, halo-halo na ang mga emosyong naramdaman ko.

Naluha agad ako nang mapatitig ako sa mga litrato namin ni Clarkson sa kwarto niya. Nang bumuhos ang luha ko ay ibinagsak ko agad ang sarili ko sa kama ni Clarkson at isinubsob ko ang mukha ko sa isa sa mga unan niya.

Pinipilit kong hind imaging maingay ang mga hikbi ko dahil kahit alam kong malawak ang warto ni Clarkson, may tsansa pa rin na rinig ang paghikbi ko sa labas.

Natatakot ako na baka kapag narinig ni Ate Claire ang mga hikbi ko at sabihin kay Clarkson. I can’t have Clarkson rushing back here to me when I know that he needs to be with his mother in Manila.

Naiinis ako sa sarili ko. Kahit desisyon pa ni Clarkson na lumapit siya nang lumapit sa akin kahit mas kailangan siya ng Mama niya, sa sarili ko pa rin ako naiinis.

Naiirita ako sa katotohanang Clarkson would choose me over his ill mother. Umiiyak ako dahil kahit kailangan na siya ng lahat at ng ibang importanteng tao para sa kaniya, sa akin pa rin siya pumupunta. I’m crying in the fact that I need to beg and push him away before making him choose someone more important to him than me.

It makes me feel awful again because I know only of one way to make him give more time for his family. To distance myself away from him.

Ilang araw pa lang naman pero pakiramdam ko sobrang dami na ng nangyari. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at wala akong ibang magawa ngayon kundi umiyak at mag-isip.

I saw it even at the first. Noong pumunta siya amin kahit inatake na ang Mama niya. Sa ospital nakikita ko sa paraan pa lang ng pag-aalaga niya sa akin kaysa sap ag aalaga niya sa sarili niyang inang may sakit. Nakita ko kung paano niya kayang talikuran ang sarili niyang pamilya para lang sa akin. At kanina, nakita kong kaya niya akong piliin kahit may mas importante pa sa akin.

Dapat masaya ako. ang iba siguro ay magiging masaya na sila ang pinipili. But for me, it’s his mother. It’s his family. I came from a broken home and a broken family but I have seen how strong his family is and it makes it more important because of that.

Nakita ko rin ang kalagayan ni Tita Clarissa. She’s a beauty, alright. But she burdens a big illness that isn’t easily found of symptoms and is not easily cured.

Ako ang walang sakit pero pakiramdam ko mas inaalagaan ako ni Clarkson na para bang ako ang pinakaimportanteng tao sa buong mundo. There’s ones should be more important to him than me and those are his family.

I need to go. I need to get out of here. I need to distance myself as soon as possible. And that soon is now.

Ianyos ko agad ang sarili ko at lumabas na ako. nakalabas na ako ng main door nang makita ako ng ate ni Clarkson sa mula sa garahe nila.

Bahagya akong napatalon. Nahuli akong tumatakas mula sa pinagpangakuang titirahan ko muna. Thanks to my façade, I immediately managed to get back my calm expressions.

“Where are you going?” she calmly asked.

“Uuwi po muna saglit…” palusot ko.

Matagal niya akong pinanood bago siya tumango, “Use one of our cars instead of commuting,” saad niya bago umalis.

I grabbed the chance. I had no choice and I need it for a faster transportation.

Pagkarating ko sa bahay, natural na walang tao dahil duty na si Papa. Mabilis akong naglakad papasok sa bahay. Pagkapasok ko sa kwarto ni Tita Marinita, isinara ko agad ang pinto at ini-lock iyon. Pagkaharap ko sa saradong kwarto, bumuhos ulit ang luha ko.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Ang iilang nakalabas na damit ko ay isinilid ko ulit sa bag na dala ko rito. Bumubuhos ang luha ko habang lahat ng necessities ko ay inilalagay ko sa bag ko. Pagkaayos ko sa sarili ko, lumabas agad ako sa kwarto na parang walang nangyari.

I hid the key of the Montealegre car in somewhere that only Papa and I know. Hinayaan ko na ang kotseng iyon sa Batangas at ang natitirang motor ko rito sa Batangas ang ginamit ko papunta sa Maynila.

Pinipigilan kong maluha dahil ayokong mag-moist ang helmet ko. Na sa saktong bilis ang pagpapatakbo ko sa motor kapag may alam akong check point at kapag wala na ay sinasadya ko itong bilisan. I overtaken a lot of cars infront of me just to make the ride to Manila faster.

It’s terrifying. I feel like I am a highschooler running away from home now. It’s the same feeling when I chose to study my remaining highschool years in Batangas. Parehong pakiramdam noong nakasakay ako sa motor ni Papa papunta sa Batangas. I am running away.

Only that I ran away from Cavite because of misery, and I am running away from my home, Batangas, to exit to the damage that I can give in another household. I am not even going to Manila to meet ClarksOn. I’m going to Manila to escape and hide, not to be with Clarkson.

Mabilis akong nakarating sa Maynila. Dumiretso ako sa condo unit at nanlaki ang singkit na mga mata ni Xandra nang makita kong pumasok sa pinto, mukhang guong-gulo sa buhay at bumubuhos na ang mga luha. May ilang araw pa ako para sa leave ko sa residency at alam iyon ni Xandra.

Umiiyak, mabilis kong nilakad ang daan papunta sa kusina.

“You’re here? Hindi ba may leave ka pa at…” she trailed off, not wanting to say the next words.

Alam niya ang nagyari sa Mama ni Clarkson. I’m sure she knows everything so I won’t bother to tell her that anymore.

Hinalughog ko agad ang mga lalagyan sa kusina. Wala akong nakitang gunting kaya isang maliit pero matalas na kutsilyo ang kinuha ko.

“Sanguine!” taranta pero hindi naman makapagdesisyon kung lalapit ba sa akin o hindi na sabi ni Xandra nang makita ang hawak kong kutsilyo.

Hindi ko siya pinansin. Mabilis ang lakad ko papunta sa common bathroom habang umiyiak. Naiwan kong nakabukas ng malawak ang pinto ng banyo at puno ng luha ang mga matang nanlalabong tumitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin.

Humikbi ako. Hindi na ako nagalinlangang sikupin ang kalahati ng buhok ko sa gamit ang kamay ko at agad kong itinaas ang kustilyong hawak ko sa lebel ng buhok ko sa leeg. I was about to strike my long hair away when a forceful hand grabbed mine and got the knife away from my hand. Galit na itinapon niya iyon papunta sa shower room.

Nanghihina at umiiyak ang tingin ko sa kaniya at sa gulat ko, hindi ko na nagawang magpumiglas sa pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.

His deep pitch black angry eyes expressed how frustrated and angry he is. I only stared at his eyes with mine having fear, shock, and awe.

“What the fuck are you doing?!” malakulog na boses ang agad na iginawad ni Clarkson sa akin.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now