Fractum 29

114 3 0
                                    

Broken 29: Iced Coffee

Kinabukasan ay si Kontiñuito ang sumundo sa akin. hindi ko alam kung saan siya galing o kung totoo bang nag OJT sila pero mabuti na lang at nasundo niya ako ngayon.

Not that I don’t know how to commute. Less hassle lang talaga na kay Konti ako makikisabay. Parehas lang naman ang pupuntahan namin. Although hassle sa part niya kasi sa kabilang part pa siya ng baranggay at pumupunta pa siya rito para lang sunduin ako, mukhang ayos lang naman iyon para sa kaniya.

Hindi naman din ako kagaya ng mga pinsan ko na buo ang mga pamilya at may mga kapatid na pwedeng nilang makasabay.

Na sa broken family na nga ako, wala pa akong kapatid.

It’s just good that Konti’s okay with the setup of ours. Busy din si Papa sa work niya. Minsan sa sabong, minsan sa munisipyo.

It’s a normal day at school. Dahil sa araw-araw na pahirap ang mga lessons, parang naging normal na sa akin ang kahirapan at struggles sa calculus, general chemistry, general biology, general physics, at iba pa.

Break time nang bumaba kami sa cafeteria. Naupo agad ako sa isa sa mga table dahil wala naman akong bibilhin. Sinundan ako ni Mila at naupo siya sa tabi ko.

“Hindi mo ba pinsan si Travis, Sanguine?” biglang tanong ni Mila.

Napalingon ako sa kaniya. Mila’s movements sometimes resemble Iris’. Mukhang totoo pero madalas ay may kakaiba.

Napaisip ako roon. We probably have three fourths of this town’s people as a Laude but the rest is not. I don’t remember being acquainted with Clarkson as one of our family member. Kapitbahay lang siya nina Everette. They don’t have the Laude blood in them and we don’t have the Montealegre blood in us.

Umiling ako sa kaniya, nananatiling tahimik, pero binigyan naman siya ng sagot.

Hindi ako open sa ibang tao maliban na lang sa mga Laude, kay Luxen, at sa mga naging kaibigan kong lalaki. Kahit pa sabihin nila sa akin ngayon na itinuturing nila akong kaibigan, I can’t gve my full trust in them. Sapat na itong sumasama at nakikihalubilo ako sa kanila.

Umupo sa harap ko ang dalawa pa naming kaibigan. Silang dalawa ang nagtulak sa akin kahapon paupo sa tabi ni Clarkson at bigla rin namang tumakbo paalis.

Nilapag ni Felicity sa harap ko ang isang plastic na may lamang cheesesticks. Si Morene naman ay naglapag ng isang panibagong bote ng kape sa harap ko. Napatawa ako ng marahan sa kanila. Kinuha ko ang platic ng cheesesticks habang pinapanood silang maupo.

“Peace offering?” panunuya ko sa kanilang dalawa.

“Buti hindi ka galit?” tanong ni Felicity.

“Hindi pa naman nagagalit si Sanguine, Fel. Pasensya na Sang. Napag-utusan lang,” natatawang sabi ni Morene.

“Okay lang,” nangingiting balik ko.

I opened the iced coffee. Sumimsim ako roon bago muling kumagat sa cheesestick. I smiled at them. Morene gave me a wider version of her smile and Felicity gave me a small yet sad smile.

“Salamat,” tukoy ko sa mga ibinigay nila sa akin.

Nang mag-uwian na, I bid goodbye to my friends. Sa malapit na seven eleven ako dumiretso para doon maghintay ng sundo.

Sana pala sa gate ng school na lang namin ako naghintay.

Puno ang seven eleven at kahit sa labas ay may mga nakaupo. Humarap na lang ako sa asphalt road. Mainit at mataas ang sikat ng mapanakit na araw sa akin. Aatras sana ako para magtago sa lilom pero may matangkad na lalaking tumayo sa northeast side ko, tinatakluban ang sinag ng araw na kanina lang ay tumatama sa buong katawan ko.

Lumingon siya ng bahagya sa akin. Nasisinagan ng araw ang tuktok ng ulo niya kaya halos mapapikit ako sa silaw. Naiangat ko pa ang isa kong kamay sa may kilay ko para maharangan ang sinag ng araw sa ibabaw ng ulo niya.

Natawa siya ng kaunti, hindi inaalis ang pagkakalingon sa akin, “Ano? Nakakasilaw ga ang kagwapuhan ko?” bungad ni Clarkson sa akin.

Tumikhim ako bilang sagot sa kaniya, “Hindi. Pero nakakatangay ang kahanginan mo,” dagdag na sagot ko.

Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko. hinayaan ko siyang magpakapayong sa gildi ko habang tumatawa siya.

I didn’t notice if he’s like this before. I have only seen him serious. Now he’s boasting and laughing a bit to me everytime he sees me.

I wonder how I don’t get irritated that much by him. Maybe because when I’m with Luxen, I remember him, and when I’m with him, I remember Luxen. They’re almost the same complexion but totally different attitudes and characteristics.

“Kumusta ang school?” bigla niyang tanong habang nakatingin sa harap namin.

Nilingon ko ang mata ko sa kaniya. We’re not that close to talk about things involving my life and why does he even ask how my school is going. The school obviously stand a lot of buildings up to now. He should rephrase his question. If his question is taken literally, it would mean the building, not my studies.

“Okay lang siya,” sagot ko na lang.

Nilingon niya ulit ako. Normal lang ang itsura niya habang nakalingon sa akin. Natabunan ng ulap ang mapanakit na sinag ng araw kay nakita ko ang putting-puti niyang kulay.

“Ibig sabihin ko, ang pag-aaral mo,” halos patanong niyang sabi.

Napatango ako. That question would make more sense. Rephrasing is all that it takes.

“Okay lang,” sagot ko pa rin.

“Hindi naman mahirap?” sunod niya, may bahid ng pagtataka ang boses.

“Mahirap naman,” biglang amin ko.

Natikom ko ang bibig ko. I’m sharing too much witoput thinking about my words.

“Buti kinakausap mo ako ngayon,” bigla niyang sabi. Natigilan din siya at mukhang may napagtanto, “Dapat pala hindi ko binati. Baka mausog pa,” he said and I heard the familiar flick of his tongue.

Napakurap ako ng isang beses doon. I stared at his back wearing the familiar uniform of the college students at our school.

“Himala na ang sumagot ka man lang ng maayos sa tanong ko. Mas kilala kita na hindi ka man lang nagsasalita kahit kadami na ng nakwento ko,” he said with the usual Batangueno accent.

“Sa lahat naman,” sagot ko na lang.

Lumingon ulit siya sa akin. Nasinagan na ulit ng liwanag ng araw ang tuktok ng ulo niya kaya sa harap na lang namin ako tumingin. Sa mga kotseng dumaraan, businang maiingay, at halos palengkerang mga boses ng mga dumaraan.

“Parang hindi naman,” kumento niya, “Parang sa akin lang naman,” saad niya pa.

Kumibit balikat ako. I give my perfect share of friendliness and sociability to everyone. Madalas nga lang sa mga lalaki rito, nahihiya sa akin kaya wala kong maibigay sa kanila kundi ngiti.

Well, I don’t smile that much to Clarkson. I might have smiled to him back then, but those were sarcastic.

I just remember his weird actions back then. I get creeped out by those that I don’t want to be touched by him, or anyone else. Idagdag pa ang mga nangyari sa buhay ko noon na dala ko pa rin ngayon.

It’s been a trauma all in all. Hindi na maalis sa pagkatao ko ang napanood ko noon sa itaas lang ng ulo ko…

Nabalik lang ako sa huwisyo nang may bumusina sa harap ko. naiangat ko ang tingin ko roon at nakitang nakangiti ang maitim na konti sa maputing Clarkson saharap na gilid ko.

Hinampas ko ang likod ni Konti. He flinched a bit but laughed afterwards. Naglakad ako papunta sa kabilang side ng motor niya at doon umakyat patagilid.

“Bye, pare!” natatawang paalam ni Konti kay Clarkson.

Lumingon ako ng kaunti kay Clarkson. Kumurap lang ako bilang paalam sa kaniya.

Gabi na at hindi pa ako tapos sa mga iniwang gawain sa amin ng mga teachers namin. Nag-unat ako saglit at bahagyang nangatog sa lamig ng electric fan. May aircon dito pero hindi ko naman binubuksan. Bukod sa malamig naman ang panahon, kailangan ko rin isara ang bintana kapag bukas ang aircon.

I don’t want that. I like the stars, the moon, and the nighttime. Dagdag paraiso ang titigan ang gabing malalim mula sa bintana ko kahit busy ako sa mga ginagawa ko.

Lumapit ako sa bukas na sliding window. Tinukod ko ang forearm ko sa ibaba ng bintana at humilig ako roon, naghahanap ng mas malawak na view ng madilim na langit na tinitingala ko ngayon.

Umihip ang hangin na nagtutulak palikod sa maikli ko pa ring buhok. Imbes na pumikit sa rahan ng haplos ng hangin sa akin, tumingala lalo ako sa paghahanap ng buwan. Sa pagpasada ng tingin sa buong kalangitan, may nahagip ang mga mata kong bulto sa gilid ng mga mata ko.

Imbes na matakot, bored lang akong napakurap. Isang lalaking nakatukod ang kamay sa likod ng kinauupuan niya ang matamang nakatitig sa akin. He moved a bit and I saw my black and white cat beside him.

Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakauwi, nandito na naman siya sa paningin ko.

“Anong ginagawa mo diyan?” normal na boses kong tanong, tama lang ang lakas para marinig siya.

Bintana ko lang ang nakabukas, ang pinto ng kwarto ko ay naka-double lock na kagaya ng madalas kong ginagawa. Hindi pa ako tapos sa mga requirements at wala akong balak lumabas sa kwarto ko. Hindi na ako masyadong nakakatambay sa tambayan kong iyon dahil hectic ang schedule at mabibigat ang mga gawain ko.

Half day nga ang klase, ang homeworks naman ay pang-twenty-four hours. But that’s okay. It’s been normal to me now after a year of only doing written works, practicing thesis lines, and studying the possible next lessons.

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Lumundag pababa sa lupa ang pusa ko at sumunod sa kaniya. Tumingala siya sa akin at bahagya siyang humalukipkip roon. Suot niya ang itim niyang jacket pero naka-shorts lang siya. Nakatungo ako sa kaniya samantalang siya ay nakatingala sa akin.

This college boy. He should be in his third year of college now but he spends his time like it’s not precious.

If I were him, I’d lock up myself in my room just to study for the lectures that my professors could give me, like what I’m doing right now.

Pero ang isang lalaking ito, parang bored na bored lang sa buhay kolehiyo niya at nagkaroon pa ng oras na bumisita sa dito sa bahay ni Tita Marinita.

“Hindi ka ga lalabas?” tanong niya sa akin.

Kumurap ako. Umakyat na papasok ang pusa ko kaya naiwan siya sa labas kasama ang mga halaman doon.

“Hindi,” simple kong sagot.

Tumango siya ng isang beses. Naglakad pa siya at pinanood ko siyag umupo sa pangatlong baitang ng tiled na hagdan namin.

Diyan na siguro siya.

Bumalik na ako sa kama at humarap sa notes ko. naupo ako ng kagaya sa upo niya pero may namamagitan sa aming literal na pader. tumuloy ako sa pagsusulat at napapikit nang may nakalimutang English term.

“Para namang hindi ka sanay na binabantayan kita,” sabi niya sa gitna ng pader namin.

Isinulat ko muna ang isang English term na naalala ko bago inisip ang sinabi niya.

Oo, hindi ako sanay. I remember him safe guarding me in the order of my father and that’s it. Tumigil din naman siya ng isng araw saka bumalik nang makalipas ang araw na wala siya. Pagkatapos noon, bumalik na ako sa Cavite.

“It’s been a year,” I informed him, “I’ve learned to guard myself.”

Hindi siya sumagot. I wonder if he understood my language.

Itinuloy ko ang mga ginagawa ko, not minding him. May mga bagay na mas importante kaysa sa isang lalaki. For others, it would be their family. To me, it still isn’t.

My family is broken and I belong to a broken home.

The most important thing for me right now is my studies, and far by, myself.

“Lagi kitang tinatanong kay Everette,” sabi iya, tinutukoy ang nag iisang lalaki kong pinsan na lalaki.

I’ll let him be with his stories. Patapos na ako at nagkekwento lang naman siya. I hope he won’t be a distraction. I need these requirements.

“Kinukumusta kita doon sa bata. Kilalang-kilala ka rin niya,” he narrated.

I wrote a sentence one after another, scared that if I don’t write it immediately, I would forget about it. This research is taking up all of my time.

“Bukambibig ka rin noong bata, kagaya ng sinabi mo tungkol sa akin noong una tayong nag-usap,” dagdag niya.

Every grade of mine in this senior highschool years is important. Sa pagkakaalam ko, ipagsasama at kukuhanin ang average namin noong grade eleven at twelve, and it will be the basis of the overall honor of our whole senior highschool life.

I am giving my all to this senior highschool and I would gladly give my everything to my college life.

“Kalaro ko kanina si Everette. Ang kulit,” kwento niya pa.

Tumayo na ako nang matapos ko na ang isinusulat ko. inayos ko ang mga gamit ko at isinilid na sa bag ko. Inilipat ko ang laptop sa malinis na side table sa gilid ng kama ko.

I walked to my sliding window. Hindi ko itiukod ang braso ko sa bintana pero sumandal ako sa angled window. Pinanood ko siya habang nakaupo sa pangatlong baitang ng hagdan, ang magkabilang forearms ay nakapatong sa magkabila niyang tuhod.

“Sabi ko, kukunin ko si Iracyndia, biro lang naman pero nagtunog panakot ako. Tapos ayun, biglang umiyak. Galit na galit,” saad niya at natawa sa sarili niya.

He didn’t notice me. He’s too preoccupied on staring at space and mumbling his thoughts loudly. My movements are cat-like too—precise and quiet. Kung hindi ako magsasalita, hindi niya mapapansin ang panonood ko sa kaniya habang wala siya sa sarili niya.

Kung hindi lang siya maingay na nagsasalita sa gitna ng malalim na gabi, inisip ko nang umuwi siya. It’s late already and time won’t go back and reverse to the morning. Time will only advance, and next thing you’ll know, it’s already the morning of the next day.

“You should go home now,” payo ko sa kaniya.

Saka lang siya napatingala sa akin. Isang mabagal na kurap ang iginawad niya sa akin na nagmumukhang inaantok na pero agad ding naging attentive. Tumayo siya at pinagpag ang pang upo niya habang nakatingala pa rin sa akin.

In the middle of the vast and unorganized darkness, here is Travis Clarkson Montealegre, proudly and attentively looking up to the window where I am. I blinked once, marking his dismissal.

“Thanks,” maikling paalam ko saka ako naglakad pabalik sa kama ng kwarto ko.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now