Fractum 8

184 4 0
                                    

Fractum 8: Delete

Kinwento ko lahat kay AJ. Pagkauwi ko kanina, mabibigat at mabilis ang martsa ko papunta sa kwarto. malalim na ang gabi pero kinwento ko pa rin lahat kay AJ kaya parehas kaming hindi inantok. Ako sa galit, siya sa gulat.

“Malakas ba iyong sampal mo?” tanong ni AJ.

Tumalikod ako sa kaniya ng pagkakahiga. Nakaupo lang siya sa dulo ng kama kasi doon malapit ang outlet at nakacharge pa ang nalowbatt niyang cellphone.

“Oo! Lumagutok. Alam mo namang mabigat kamay ko eh,” galit pa ring singhal ko.

Umahon ako mula sa pagkakahiga. Kunot noo sa galit kong sinipa anng kumot kaya napatalon si AJ sa ginawa ko.

“Na-turn-off ako roon ah!” malakas kong sigaw, “Ang kapal ng mukhang magdemand ng phone number! Puro pictures ko ang gallery niya, ang creepy! Pati iyong mukha akong hubad, nandoon!” nag-e-eskandalo kong singhal.

Buti na lang at lasing si Papa kaya tulog na agad iyon. Malalawak rin ang mga kwarto kaya malayo sa isa’t isa. Nakasara rin ang pinto kaya malaya kaming mag-usap dito ni Alexandra.

“Na-turn-off ka? Ibig sabihin na-turn-on ka sa kaniya kaya ka na-turn-off?” nangingiti niyang tanong.

Marahas ko siyang nilingon. Nilakihan ko siya ng mata at umambang hahampasin siya pero tinawanan niya lang ako. I’m not normally aggressive unless ka-close ko o talagang nagalit ako. Itong si Alexandra, nakakairita.

“Naging interesado lang ako, ‘no!” depensa ko sa sarili ko, “Ang lambot ng itsura niya, ang gaspang naman ng ugali niya!” singhal ko pa.

Pinatay ko ang cellphone ko nang makitang chat nang chat si Montealegre. That piece of shit!

“Tingin mo bakit niya sinave ang pictures mo? Sabi mo mga galing sa social media at tags sa iyo?” tanong ni Alexandra.

“Hindi ko alam. Pero ang creepy! You know how curvy I am especially at those pictures. And he bothered saving those?!” nag-eeskandalo kong sagot sa kaniya.

Kinabukasan, maaga kaming naligo ni AJ para makagala. Tama lang ito dahil nai-stress talaga ako sa mga nangyayari, at pati kay Montealegre.

Kaming dalawa lang ni AJ. Nagpaalam naman kami kaya ayos lang. Nagpahatid kami papunta sa highway saka sumakay papunta sa Xentro Mall.

“May imi-meet ka na naman ba?” marahan tanong ko kay AJ nang makapasok kami sa mall.

Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa cellphone niya. Umiling siya bago ibinalik sa cellphone ang tingin niya.

“Wala. May girlfriend na si Brycen, ‘di ba?” sagot niya.

Tumigil ako sa paglalakad. Nilingon niya ako kaya naitagilid ko ang ulo ko, “Bakit? Si Brycen lang ba ang pwede mong ka-meet-up?” halos sarkastiko kong sagot sa kaniya.

Mukhang nadehado at disappointed ang mukha niya. Natawa ako at inakbayan siya. I led the pace of our walk.

“Cheer up. Marami ka pa namang lalaki dyan,” nakangiti kong pag-aalo sa kaniya.

Halos isumpa niya ako ng tingin niya noong una pero kalaunan natawa rin. Pumasok kami sa Chowking para dito na maglunch.

“Ikaw ang um-order,” marahang utos kko sa kaniya habang binubuksan ang bag ko para kunin ang wallet.

“Huh? Ikaw na! Marunong ka naman,” gulat na sagot niya.

“Hindi ako marunong. Ikaw na. Pork Chao Fan with Siomai ang akin. Sabihin mo lang iyong akin tsaka sa iyo,” paliwanag ko sa kaniya.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz