Fractum 25

163 1 0
                                    

Broken 25: Sweet

Kinabukasan ay nandito na agad si Papa para sunduin ako for vacation. I’m anticipacing for this.

“Sakay na, anak. Tayo’y lalarga na sa Batangas,” tawag sa akin ni Papa.

Tumango ako. Sinakbit ko sa balikat ko ang body bag ko at sumakay na pagkatapos ni Papa.

Maikli lang ang oras ng pagmaneho gamit motor papunta sa Batangas. Sa pagkakaalam ko, isang oras lang mahigit kumulang. Nilingon ko ang daan na naghihiwalay sa Cavite at sa pupuntahan namin.

Wala akong gagawin sa bahay at matatapunan lang ako lalo ng masasamang salita sa magiging Christmas party ni Mama.

It’s better to be a ghost to them. Nasagot ko naman na ang mga bati nila sa post ni Mama at nag aalburoto siyang ako raw ang nag-unfriend sa kaniya. I did not. She did. Unconsciously.

I miss the Laude girls, too. Wala akong communication sa kanila dahil sa hindi ko pag-o-online. Mabuti na lang at nakapag-impake na ako.

Tita Marinita is coming home! Sa Canada siya nakatira at nagtatrabaho kaya miminsan lang siya umuwi dito. This is the first time in three years. I miss her. Pati sa kaniya ay nawalan ako ng communication.

Sasama kami kina Xandra dahil sila ang may malaking SUV. Na sa Canada rin ang parents nila kaya nakakaluwag-luwag sila sa buhay. Kotse nila ang gagamitin bilang pagsundo kay Tita Marinita at kasama kaming apat na magpipinsan.

Sakto lang ang dating namin sa airport. Kumukuha na si Tita Marinita ng bagahe pagkarating namin. She welcomed us with a warm smile. Napangiti ako sa Tita ko na itinuturing ko ring ina.

“Kumusta kayo?” bungad niya habang hila-hila ang isang pulang maleta.

Kinuha ni Kuya alex ang mga bagahe ni Tita. Hindi lang dalawa ang maleta ni Tita kundi tatlo at may isang malaking duffel bag pa. ang alam ko ay may packages pa na galing sa Canada na ipapadala ng hiwalay kay Tita Marinita.

“Ayos lang po Tita Marina,” sagot ni Jainez.

“Ganda mo pa rin Tita!” bati ni Celeste.

“Wala pa rin bang asawa?” natatawang tanong ni Tita Fleur kay Tita Marina.

Nagtawanan sila. Napangiti rin ako ng kaunti habang si Tita Marinita ay sumasagot sa mga tanong.

Marinita Laude is the only woman in their generation. Siya ang panganay at siya rin ang mayaman sa tatlo. She is the one who owns the mansion where we’re staying in Batangas. She’s also the one who sheltered our grandparents when they were still alive. Kasing tanda lang siya ng Mama ko pero single pa rin si Tita Marina. Dalaga pa rin at wala pang asawa at anak.

I caught Tita Marinita’s eyes. Nakangiti kami sa isa’t-isa at mas napangiti siya sa akin. Inilahad niya ang kaniyang mga braso sa akin. She’s always warm to me.

Na sa likod ako kaya kinailangan ko pang maglakad papunta kay Tita Marinita. Binalot ko siya ng yakap sa baywang niya at napapikit ako nang nakahilig na ang kalahati ng mukha ko sa dibdib niya. I heard her giggles. Uminit ang mga mata ko sa pag-iisip sa Mama ko habang yakap ko ang Tita ko.

“Kumusta, anak?” tanong ni Tita Marinita.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. I smiled at her. Her warm smile is the epitomy of a mother for me. Ang init ng yakap niya ang palagi kong kailangan mula sa isang ina pero ang Tita ko ang nakakapagbigay noon sa akin.

She’s the mother I never had but I wanted to.

We catched up a bit. Nagkahiwalay lang kami sa SUV dahil nasa gitna siya at ako ay na sa tabi ng nakasaradong bintana dahil mahiluhin ako. The same as Celeste. Nauseous and always dizzy in long car rides. Hindi naman kasi kami laking kotse at minsan lang kami nakakasakay sa ganito kaya hindi kami sanay sa amoy, itsura, at galaw ng kotse.

We ended up puking every two hours. Halos salitan kami ni Celeste at Jainez. Si Xandra lang ang sanay sa aming lahat dahil laking yaman ito.

At nang makarating kami sa may Pasay yata, nagkaroon pa kami ng dagdag laman sa tiyan para lang maisuka.

Bumaba kami sa harap ng isang mataas na building ng Jollibee. Nahihilo ako at tila umiikot ang mundo ko habang tinatanaw ang iilang maliwanag na building. Napakapit ako kay Xandra kaya napalingon siya sa akin. Celeste and Jainez pushed the glass door of Jollibee, with the help of a security guard.

“Sana hindi ko ito isuka Mamaya!” mahina pero ekslamadong sabi ni Jainez.

Napatango ako sa sinabi niya. Sana ako rin, sabi ko sa isip ko. Nagising ang diwa ko sa maliwanag at nakakasilaw na ilaw ng Jollibee.

Nagtakbuhan paakyat si Everette at Igraine. Dahan-dahan lang umakyat si Tita Fleur dahil buntis na raw ito. More family member. Sa taas kami dahil wala namang birthday party at wala ring gumagamit noon. Solong-solo namin ang buong second floor na may playground pa kaya ang gugulo ng mga bata.

We took a lot of pictures. Lalo na dahil mahilig kami roon ni Xandra at nakasanayan na namin. Only that now, hindi ko na ipo-post ang pictures ko sa mga social media accounts ko. I took pictures for myself. Not for anyone else to see anymore.

Hindi ko na tuloy masyado nagagamit ang cellphone ko maliban sa games. Mas madalas na hawak iyon ng mga bata dahil ako ang hindi gumagamit doon. Inaamag na sa kwartong gamit ko sa bahay ni Tita Marinita.

Pagkatapos kumain, nagtagal muna kami sa Jollibee para magtunaw ng pagkain. Wala ring kwenta dahil pagkabalik namin sa kotse, maingay kaming magpipinsan na kumakain ng chocolates at candies. Tumatawa ako sa sinasabi ni Tita Marinita habang hawak-hawak ko ang isang malaking bag ng Maltesers.

“Ang mga Koreano naman daw, mga retokado lang,” bash ni Tita Marinita.

They’re talking about Korean plastic surgeries. Natatawa ako dahil hindi totoo ang sinasasabi ni Tita Marina tungkol sa pagsasabi niyang retokado raw ang idol naming boy group sa Korea.

“Pati ang BTS, paniguradong retokado rin,” biro pa ni Tita Marinita.

Napahalakhak ako ng marahan doon. Kung ako pa rin ang die hard baby ARMY noon ay mangingitngit ako sa kinauupuan ko. Matagal na kaming magpipinsan na fan ng BTS kaya nasanay na rin kami. Isa pa, I’m so close with Tita Marinita that I don’t think I’ll hate her for sharing her own opinions.

Si Jainez ang dating ako na nagingitngit ngayon. Dati ay ayaw niya sa BTS at pinipilit lang namin siya kay Jimin pero siya mismo ang mukhang nagagalit sa mga sinasabi ni Tita Marinita ngayon. Hinagod ko ang likod niya habang may ngiti sa labi ko at napaangat siya ng tingin sa akin. Her features that looks a lot like me softened. I smiled more at her.

I love Tita Marinita’s company. Hindi nakakasawa at talagang mapagbigay. Minsan nahihiya ako kapag iniispoil niya ako pero tinatanggap ko pa rin naman. She’s sweet. Karamihan ng mga dalaga pa ngayon sa late 30s ay masungit pero si Tita Marinita ay sobrang bait pa rin. Walang kupas.

I wonder why she’s still not married at her age now.

Ilang araw kong hindi naisip ang mga problema ko dahil sa kasiyahan ko sa piling ng mga Laude at ni Tita Marinita. Decemeber 28 na. It’s the first time I enjoyed the holidays so much and it’s all because of the Laudes. Dati mas pinipili ko ang Endroza kaysa sa kanila pero ngayon ay halos magtago ako sa kaayawang pumunta sa side ng pamilya kong iyon.

If I can still call that a family. I’ll expect for it to be chaos.

Pero hindi rin ako nagtago ng sobra. Pinatay ko lang ang cellphone ko at hapon na nang sumama ako kay Papa para ihatid ako sa bahay ng Lola ko na Mama ng Mama ko. Nandoon na si Mama at dapat umaga pa lang, nahatid na ako pero nagpanggap akong tulog at sinadyang late na maligo. I felt so sad waving goodbye to Xandra and the other Laudes.

Sinalubong ako ni Mama pagkababa ng motor. Kung hindi siya ngiting-ngiti sa akin ay mukha naman siyang nag-aalala. What for, anyway.

Yumakap pa siya sa akin at humalik sa pisngi ko. A scene flashed in my mind of a day in Cavite when she welcomes me with her curses.

Hindi ako kumibo. Attentive ako pero hindi ngumingiti. Hindi man lang ako tumingin sa kubo kung nasaan ang mga Tito, Tita, at Lola ko. Hindi pa nga ako dapat pupunta doon kung hindi lang ako marahang sinabihang magmano sa Lola ko. Iyon lang, at umalis na ako.

Sa isang isang bench na gawa sa kawayan ako umupo. Na sa harap ito ng lumang open na bahay naming gawa sa kahoy. May salo-salo sa kubo kaya labas pasok ang iilang Tita ko.

Huminga ako ng malalim at nakaramdam agad ako ng antok. Napuyat ako kagabi kakakwentuhan namin ni Xandra. Huminga ulit ako ng malalim at pagkamulat ko ng mata ko ko, umikot ang paligid ko. Napakurap-kurap ako sa naramdamang antok.

Kalaunan na-realize ko rin na wala pala akong pakialam kung makatulog ako rito. Naririnig ko na kasi ang pananalita ng pangalan ko mula sa kubo. Naririnig ko rin ang boses ni Tita Rissa na noon ay pinagkatiwalaan ko.

“Tulog na…” she stated the obvious.

Hindi ako kumibo. Magaling ako sa pagpapanggap na tulog ako kaya hindi na naila mapapansin na gising pa ang diwa ko.

Nahintay ako ng ilang segundo bago inangat ang legs ko. Nag Indian-sit ako at umupo ng tuwid. Umiikot ang mundo ko at huminga ako ng malalim.

I felt a wincing pain in my waist. Dahan-dahan pa ang pagmulat ko ng mata dahil nakakaidlip na ako at ngayon ay may kung sino pang kumukurot sa akin kung kailan totoong tulog na ako.

“Hindi ka na nga nakikihalubilo, dito ka pa natutulog! Nakakahiya ka! Wala ka na talagang ginawa para sa akin kundi katarantaduhan at kahihiyan—” she stopped midway of her words.

May dumaan kasing tao. Bisita ng Tita ko.

Pinanood ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Mama. Lumabas ang mabuting taong itsura niya at mabilis na natanggal ang pagkakurot niya sa baywang ko. Napaltan ang galit niya ng masuyong ngiti sa dumaan at naramdaman ko ang paghaplos niya sa baywang ko bilang pamalit sa pagkurot niya doon.

Kapag may tao lang talaga.

Bumaling si Mama sa akin, nangingiti pa rin. Inaantok lang ang tingin ko sa kaniya pero malamang ang labas noon sa kaniya ay iniirapan ko siya.

“Sa taas ka na lang matulog… tawagin na lang kita mamaya,” biglang sabi niya sa isang malamyos na boses.

Narinig ko ang paghagikgik ng bisita kaya napalingon ako sa babaeng iyon. Nakangiti siya sa akn habang nawak ang isang mangkok.

“Ang sweet naman ng mag-ina!” bati niya.

Like the sweetness is real. It will never be.

Kumurap lang ako sa kaniya. Ngumiti pa siya sa akin pero umalis na lang rin. Umurong ako sa kaliwa para makalayo sa kamay ni Mama at bumaluktot ng kaunti ang legs ko pagkatayo ko. Napagewang pa ako ng kaunti habang naglalakad paakyat sa kahoy na hagdan. Padapa akong sumalampak sa maanay na kama.

I slept all day. Like what I always do when my mother is around the house in Cavite. Naaalimpungatan ako at nagigising pero pinipilit ko na lang na matulog ulit. Sa pagpupumilit ko, nababalik ko rin ang sarili ko sa pagtulog.

Sleep is my escape from reality. Sleep is my escape from this shitty taste of hell.

Nagising lang ako nang marahas akong yugyugin ng isang tao. Mahinang iritadong boses lang ang narinig ko mula sa kaniya pero kalaunan ay sumigaw na ito kaya napilitan akong bumangon.

It’s Genoveva Endroza-Laude, my mother.

She left me at the old wooden upper house with her curses. Napahilamos ako sa mukha ko at naiwan ang dalawang kamay ko sa pisngi ko.

Hindi pa gabi. Hindi pa ako ganoon katagal natutulog. I want to sleep until it’s morning already.

Even with these thoughts, tumayo pa rin ako at bumaba na. Ang highwaist denim short ko ay pinaresan ko lang ng simpleng t-shirt na ibinun ko sa harap. Hinagod ko ang maikli kong buhok na humahaba na. I need a haircut.

Sa antok ko sa pagbaba ay na-misstep ako at muntik pang mahulog at gumulong pababa. Sana nga iyon na lang ang nangyari. I’d die in this premise.

Lumabas ako. Ang maingay na kubo na naririnig ko ang pagalit na pagsasalita ng pangalan ko mula sa mga natirang ‘kapamilya’ ko ay biglang natigil at nanatili silang tahimik. Some went out the nipa hut and sat in the bamboo bench, watching me with their judgemental eyes.

Kung may sasabihin kayo, it’s either you’ll tell me or you’ll tell it to others. That’s not for me to decide. Matagal ko nang inaasahan ang masasakit na mga salita mula sa mga taong nagsasabing pamilya ko.

“Sumama ka sa Tita Rissa mo, manonood siya ng palabas,” normal na utos ni Mama.

Bumuntong hininga ako ng hindi sinasadya. Medyo nagsisi ako roon dahil nagmukhang tumututol ako. Tutol ako, pero hindi na kailangang ipakita ng katawan ko iyon dahil hindi ko rin naman isasatinig iyon.

I doubt of it. Maaga pa at kung may palabas ay mamaya pang alas nuebe. Na sa alas singko pa lang. Ayokong sumama pero wala na rin naman akong magagawa.

Kaunti lang ang inilagay ko sa plato ko pero agad na marahas na dinagdagan iyon ni Mama. Wala sa sarili ulit akong napabuntong hininga habang tinitingnan ang plato kong puno ng kanin.

Wala akong gana. At mahaba ang lalakarin namin ni Tita Rissa. Hindi malabong masuka ako kung marami ang kakainin ko.

Wala na rin naman akong magagawa.

I ate what’s in my plate. Miminsang hindi sila nakatingin sa akin ay pasimple kong ibinabagsak ang laman ng kutsara ako sa lupa para agad na kainin ng nag-aabang na aso sa akin.

Yes, I throw my food to the ground. Judge me all you want. My mother did, anyone else can, too.

Nagpalit agad ako ng damit pagkatapos. Nagpalda ako at nag-oversized t-shirt na kulay pink. Damit ni Papa. Sabi ni Papa ibigay ko raw kay Mama pero hindi mahilig si Mama sa malaking damit at mahirap daw labhan.

Siguro sa pagkakakilala ni Papa, mahilig si Mama sa malaking damit. But people change. My mother changed when I came. She became ruthless. Hindi na siya ang babaeng minahal ng Papa ko noon. She will never be like that again. Kahit subukan niya, lalabas pa rin ang bagong ugali.

Kaya inangkin ko na lang ang damit ng Papa ko.

Bumaba ako para sana mag ayos dahil nasa baba ang maliit na salamin. Tumingala ako roon at kinapa ang bag ko para kunin sana ang eyelash curler ko nang magsalita si Mama.

“Mag-ayos ka rin. Nag-aayos ang Tita mo,” mariin at iritado niyang pagkasabi.

That’s what I’m going to do. I’ll do it without asking.

It’s really the tonality. Kung nakasulat iyon at binasa sa isnag marahang paraan, maganda ang magiging tinig sa akin. Pero dahil si Mama ang nagsabi at pagalit ang tono niya, masakit pakinggan ang mga sinasabi niya.

Parang sinasabing dapat lang siyang sundin dahil mataas ang estado niya. Parang nag-uutos na reyna sa isang mababang alipin. Parang presidente na galit na nagsasalita sa isang criminal na sinubukang sirain ang reputasyon niya sa politika.

Napalingon ako sa nag-aayos na Tita Rissa. She’s wearing a violet off-shoulder dress that doesn’t match well with her dark complexion. Kulay black ang kaniyang mataas na sandals. Hawak niya sa isang kamay ang cellphone bilang salamin at ang isa ay may hawak na concealer brush, pero eyeshadow ang inilalagay at ibine-blend sa mata. Na sa gilid ng bamboo na bench ang eyeshadow niyang maliit.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at inipit ang sariling eyelash.

She’s using the wrong brush to blend her eyeshadow. The color blue smokey eyeshadow does not match with her pink lipstick and violet dress. She seems okay with it, though. She smiled at herself at the camera of her phone.

Kinabukasan ay umaga pa lang at sinusundo na ako ni Papa. May lakad kami ng mga Laude kagaya ng madalas naming ginagawa dahil nandito si Tita Marinita. I almost jumped in joy when I heard the familiar sound of my father’s motorcycle.

I kept my expressionless face. Mabagal akong naglakad at patamad na binaba ang bag ko para magmukhang hindi ako excited sa pag alis.

“Oo, Andro. Mahirap ang magkaroon ng anak sa batang edad dahil sa magulang ang balik ng paghihirap,” nailing na sabi ni Lola.

Akala ko naman makakaalis ako ng payapa.

“Sadya nga, Nay. Kahirap naman baga,” halatang pilit na accent ni Mama.

“Kaya ikaw, Agape, makinig ka sa Mama mo! para sa iyo ang lahat ng sinasabi niya,” a Tita said in a surpressed anger tone.

Halos matawa ako ng sarkastiko pero malakas ang façade na ito at hindi na makaalpas ang ekspresyon sa mukha ko.

Para sa akin nga. Para sa ikabubuti ko ang pagtawag ng Mama ko sa akin na puta, lantod, hitad, talandi, at haliparot.

It’s all for me. Ang kagustuhan ng Mama ko na hindi na lang ako mabuhay sa mundo. Ang pagsabi sa aking naghiwalay sila noong unang birthday ko. Ang restriction sa childhood ko. Ang panonood ng live show nila. Ang hindi paniniwala sa lahat ng inasabi ko.

Wow, I learned so well that it broke me. Shitty sarcasm.

“Sumunod ka na lang nang hindi ka mabuntis agad. Mama mo lang ang mahihirapan,” sabad ng isang babeng napangasawa ng isang Tito ko.

“Dagdag pahirap ka lang sa Mama mo,” biglang sabi ni Tita Rissa.

They always think of my mother. Did they ever think of me? Nahihirapan din ako pero hindi naman nila napapansin ang paghihirap ko.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now