Fractum 9

184 3 0
                                    

Broken 9: Mio

Mabilis na nakapili si AJ ng damit kaya mabilis rin kaming nakauwi. Umalis rin sila agad kaya naiwan ako sa bahay nila. Hindi ko alam kung pagod ako pero nakatulog ako sa loob ng kwarto ni AJ na nakatapat sa aircon at ang cellphone ay nakabukas dahil nagda-download ako ng mga video sa Youtube. Pagkagising ko nandito na si AJ na nakayakap sa akin habang nagce-cellphone.

“Hindi uuwi sina Kuya mo?” tanong ko para mapansin niyang gising na ako.

Umiling siya. Kita ko ang mga ni-re-replyan niya kasi na sa gilid ko ang cellphone na hawak niya.

“May tugtog,” sagot niya.

Alexander John Laude is the older brother of Alexandra Jane Laude, my closest cousin. Their eldest sibling, Lovelle Colette Laude, and parents, Jane Laude and Adoro Laude are OFWs in Canada, where Tita Marinita is also working and living.

Umahon ako mula sa pagkakahiga. Binuksan ko ang cellphone ko para i-check ang oras. 7 PM na.

“Anong oras ka dumating?” marahang tanong ko.

“Mga six. Hinatid ako ni Kuya,” sagot niya at humarap sa tapat ng aircon.

Hindi na ako nagsalita. Maya-maya lumingon din siya sa akin.

“Nagugutom ka na ga? May ulam sa ref,” saad niya habang nakalingon ang ulo sa akin.

Umiling na lang ako. Walang pagkain dito madalas dahil silang tatlo lang naman ng Kuya Alex niya at ng girlfriend ng Kuya niya ang mga tao rito. Madalas ring sa labas sila nakain kaya wala talagang madalas na pagkain. Kung mayroon man, itlog o hotdog lang. Hindi masustansya.

Wala akong mailuluto na masasabawan. Natuto akong magluto dahil madalas akong naiiwan sa bahay sa Cavite kapag pumapasok si Mama sa trabaho. I learned to strive to live by myself at a very young age.

Tumayo ako. Kinusot ko ang mata ko ang ini-stretch ang likod ko.

“Bumili tayo ng snacks sa labas. Maya-maya na tayo magsaing,” suggest ko sa kaniya.

Tumango siya. Nagsuot muna kami ng bra bago tumulak palabas.

May malalapit na tindahan dito. May malapit ring Angel’s Burger. Bumili kamin ng iilang pagkain at bumalik na sa bahay.

Travis Clarkson Montealegre said sorry. Wow, I can even think of his whole name now. Does he even know what he’s sorry about? Mas naiirita ako sa mga nagso-sorry kahit hindi naman nila alam ang kasalanan nila.

How dare that piece of shit want to get my number. Hindi rin naman ako nagtatagal dito sa Batangas at hindi ako dito nag-aaral.

What does he want?

Kung gusto niya lang ng mapaglalaruang babae, hindi ako iyon. Siya lang ang maiirita dahil hindi niya kakayanin ang layo at ang tutok ko sa pag-aaral.

Why does he want me, anyway? Is it the face again? Is it my face again?

Inangat ko ang cellphone ko para tingnan ang sarili ko sa camera. Hinawakan ko ang mukha ko habang pinagmamasdan iyon.

I’m not even that pretty. Why do men want me?

I stared at my face starting from the top. My naturally filled eyebrows are arched and artistic. The chinky, soft eyes I have is from the Laudes. My softly pointed nose is the combination of my father’s hard pointed nose and my mother’s high nose bridge. My skin is naturally clear and does not have reactions with makeup products. My lips look soft and is soft. It’s not too thin and not too thick either.

I have really soft features. Especially my eyes. I don’t have a trace of roughness in me. I would if I act rough but I don’t. I move softly and finely like a proper lady.

Is this why I’m called an angel? But I’m not that white. My father has dark colored skin and my mother is paper white and I’m in the middle of them. I’m a soft light brown tone.

“Maganda ka naman,” side comment ni Alexandra sa gilid ko habang ngumunguya na naman ng pagkain.

‘Naman’? So, it’s not enough?

Napabuntong hininga ako.

Beauty is a pain.

“Ang tahimik mo,” comment ulit ni AJ habang nakatitig sa kain.

Ibinaba ko ang cellhone ko. Bumuntong hininga ulit ako saka lumingon sa kaniya, “Hindi naman ako maingay,” sagot ko na lang.

“Hindi nga. Pero natural na malakas ang boses natin kaya ganoon rin ang natatawag sa atin,” natatawa niyang sabi.

Napatango ako roon. Madalas akala ng mga tao nasigaw kami kahit normal na lakas ng pananalita lang namin iyon. Ang sigaw ng iba salita lang namin. It’s normal in the family.

“Kina Everette tayo bukas,” yaya ko kay AJ.

Nilingon niya ako mula sa pagkakatingin niya sa cellphone niya. Pinanliitan niya ako ng maliit na niyang mata. She thinks I’m after Clarkson. Saglit lang iyan. Alam niyang wala akong balak.

“Anong gagawin natin doon? Sa tingin ko hindi naman si Travis ang punta mo roon,” saad niya.

“Makiki-wifi lang. Wala naman din tayong ginagawa sa bahay ni Tita Marinita. Pasundo na lang tayo kay Konti,” paliwanag ko.

“Makiki-wifi? Nag-wifi ka na dito, ah?” naguguluhang tanong niya.

Humiga ako sa tabi niya. Nadaganan ko ang ibang pagkain kaya tinaggal ko iyon sa likod ko.

“Nakatulog ako, ‘di ba. Gala na lang din tayo roon,” suggest ko.

Nagkasundo kami roon kaya nandito na kami ngayon. Ang bilis magpatakbo ni Kontiñuito ng motor kaya kabadong-kabado at mukhang mahihimatay na ang itsura ni AJ. Ako naman, sanay sa fast paces. I’m okay. AJ’s not.

Kaso ang napagkasunduang gala ay ako na lang mag-isa. Masyado nang nag-enjoy si Alexandra sa pakikipag-video call sa lalaki niya at pagpapakita ng mga bata doon. Tahimik at mabagal akong naglakad papunta sa kung saan.

People are not that aggressive here. Mababait dahil rural area at probinsya. Mga laking probinsya rin ang mga tao kaya naturuang mabuti without that much modernization. I don’t think anyone will pounce on me here. Lalo pa’t kilala ang pamilya namin kahit hindi kami mayaman. Our last name will always ring a bell here.

Sa daan ako nakatingin habang ang magkabilang kamay ko ay na sa likod ko. I’m wearing a simple back skinny jeans and white printed shirt that I crossed in the middle front. Hinayaan ko ang maikli kong buhok na hanginin papunta sa likod ko.

I realized I walked to a familiar place when I turned my gaze upwards. Sinampa ko ang isang paa ko sa mataas na platform at mabilis na iniangat ang sarili ko.

It’s the basketball court. May iilang naglalaro at napalingon sila sa akin kaya friendly akong ngumiti. May ibang kumaway sa akin kaya nakangiti akong kumaway pabalik.

Tumalikod na rin ako at tumalon pababa sa platform. Hindi ko pa anaangat ang tingin ko ay may motor nang napasugod sa akin kaya napatalon at napaatras ako. Who the hell!

Nanlalaki ang mata at nakaawang ang bibig na inangat ko ang tingin sa dirver ng kulay kahel na Mio. Hiningal ako ng bahagya kaya nagtataas baba ang dibdib ko at ang dalawang kamay ko ay natanggal na mula sa likod ko.

Mabilis na bumaba ang driver at ini-stand ang motor niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Sinuri at sinuyod niya ng tingin ang buong katawan ko.

“Ayos ka lang ba?” bungad sa akin ng nag-aalalang boses ni Clarkson.

Hindi ako nakasagot. Nagpatuloy sa pagtaas baba ang dibdib ko habang bumagsak ang mga mata ko.

Muntik… na akong …. Masagasaan?

Hinila ako ni Clarkson palayo sa covered court. I heard some emn call his name but he didn’t look back. dinala niya ako sa parking area ng basketball court kung saan walang tao. Marahan niya akong inupo sa isang kahoy na malapad na upuan. Nanlalambot ako kaya hindi ako makapalag. Umupo siya sa tabi ko at muling hinawakan ang magkabilang braso ko para iharap ako sa kaniya.

“Nasaktan ba kita?” tanong niyang nakatingin sa mga mata ko.

His eyes are so soulful and expressive that I can see his fear, guilt, and regret.

Hindi ako nakasagot sa kaniya at bumagsak na lang ang mga mata ko. Hinihingal pa rin ako.

Why can’t I control my breathing? What… what the hell…

“Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry,” paulit ulit niyang paghingi ng tawad.

I need to calm down. Tinikom ko ang bibig ko at ibinaba ang mga kamay niya sa braso ko. I tried breathing deeply to calm myself.

May binunot siya sa bulsa niya. Panyo. Inilapit niya sa noo ko pero nanghihina kong inilagan iyon. Napaawang ang labi niya.

“Pinagpapawisan ka. Sorry,” apologetic niyang sabi habang inaalok sa akin ang panyo niya.

Is this my karma for slapping him?

“Sorry. Anong gagawin ko? Anong kailangan mo?” sunod-sunod na tanong niya.

Why? Will he do what I want? Will he give what I need?

Hinarap niya lalo ang sarili niya sa akin. Itinaas niya ang isa niyang paa sa upuan kaya nakita ko ang maputi niyang binti na natatabunan ng panlalaking balahibo. Iniwas ko ang tingin ko roon.

“Anong gagawin ko para makabawi? Sorry,” tanong niya pa.

Will his sorry ease my shock?

“Hindi ko sinasadya. Sorry,” ulit niya pa.

He tried raising his hand to caress me but I can sense his hesitation to touch me. That’s right. I don’t want any brush of your skin to mine. Know your place.

Tumayo na ako. Tumayo rin siya. Kalmado na ako pero bumaluktot ang isang tuhod ko kaya muntik na akong mapaupo sa lupa pero nasalo niya ako. I breathed properly again and removed his hand from my left arm. Bumuntong hininga ako bago nanghihinang nag-angat ng tingin sa kaniya.

“Ayos na ako,” sagot ko sa lahat ng naging tanong niya.

Tinalikuran ko siya at nagsimula na akong maglakad. Nang makarating kami sa gilid ng platform kung nasaan ang motor niya ay may iilang manlalaro nang nakaupo sa malapit.

“P’re ayos lang ba siya?” tanong ng isang lalaki.
“Ba’t dito ka dumaan, p’re? Gilid ‘to?” pabalang na tanong ng isa pa.

Ang ilang mga tanong ay napunta sa kaniya. Ang iba ay sa akin na mismo bumaling habang naghihina akong naglalakad.

“Ate, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng isa.

“Ate, ihahatid ka na namin,” alok ng isa.

Umiling ako sa kanila at nanghihinang ngumiti, “Huwag na. Ayos lang ako. Diyan lang ako kina Tita Fleur. Salamat,” magalang kong pag-turn-down sa kanila.

Pagkarating nanmin sa bahay ni Tita Marinita, sinundo agad si AJ ni Kuya Alex. May importante raw silang pupuntahan at kailangan si Alexandra. Ilang araw daw silang mawawala kaya yamot na yamot si AJ. Hinayaan ko na lang sila. Hindi pa alam ni AJ ang nangyari kanina.

Ipinagluto rin ako ni Papa dahil aalis daw siya. Hindi ko alam kung para ba sa night cockfight o sa duty niya sa barangay dahil newly appointed officer siya. Hinayaan ko na lang.

“’Nak dito ka na lang sa bahay, ha. Pababantayan na laang kita,” paalam sa akin ni Papa.

He caressed my hair before going out to the garage. Narinig ko ang pagsisimula ng motor niya at pagbusina hudyat na nakaalis na siya.

Tahimik lang akong kumain. May kuting na dumantay sa paa ko kaya medyo napatalon ako at naitaas ko ang mga paa ko pero noong silipin ko siya sa ilalim ko, mukhang maamo naman. Ibinaba ko ulit ang paa ko kaya humaplos siya roon. Naglagay ako ng kaunting isda sa tiled na sahig para kainin niya.

Pagkatapos kong kumain inilagay ko na lang ang plato sa lababo at hinayaan na iyon doon. Walang tao rito bukod sa akin kaya umikot ako sa buong bahay para isara lahat ng bintana at pinto. Nagdidilim na kaya binuksan ko ang malawak na ilaw sa sala at sa kwarto ko. Sinundan ako ng kuting noong pumasok na ako sa kwarto ko.

Hindi naman ako natatakot na mag-isa sa bahay. Buong buhay akong natulog, kumain, at nagliwaliw mag-isa sa bahay namin sa Cavite. Mas malawak lang ang bahay dito at nakakakalma. Sa bahay namin sa Cavite, nakaka-suffocate kasi walang bintana sa kwarto ko roon.

Inurong ko ang isang side table sa tapat ng aircon. Mataas kaya hindi maaabot ng maliit kong height. Tumungtong ako roon at narinig ko ang ungot ng kuting habang kinakalikot ko ang aircon para mabuksan. Umilag ako sa kinaroroonan ng kuting noong bumaba ako mula sa side table. Isinara ko ang pinto ng kwarto saka ako sumalampak ng higa sa kama.

Maingay akong bumuntong hininga. I had a long day. It’s really a long day whenever I see clakrson.

Nakarinig ako ng pagkagasgas ng kahoy kaya napaangat ang tingin ko. Nakita kong umakyat na ang kuting sa side table ng kama ko. Umikot siya roon at nahiga. Inilapit ko ang kamay ko sa kaniya at hinaplos ko ang panga niya.

They say this part of a cat’s body is the best to pet on. Natutuwa raw ang mga pusa kapag hinahaplos ang bandang panga nila. I don’t know if it’s true but this kitten looks like she’s enjoying it.

“Sa amin ka ba? Ngayon lang kita nakita rito,” pagkausap ko pa sa kuting.

The kitten purred. I laughed a bit thinking that I’m being comforted by a kitten right now.

Madilim na kahit maaga pa. I kept talking to the kitten. Dahil wala akong kapatid, madalas kong kinakausap ang sarili ko. Ganoon ako sa Cavite. Wala akong kapatid, wala akong kaibigan. Sarili ko lang ang mayroon ako. I study so much too because I’m afraid that my mother won’t like me If I won’t.

It’s so comforting to be with a living thing right now. I don’t feel so lonely.

I stayed in my room until nine PM. Tulugan na ang mga tao. I opened the terrace door at doon ako dumaan palabas. Bumaba ako sa hagdan ng terrace at naglakad papunta sa hagdan pababa sa daanan ng mga sasakyan sa harap lang ng kabilang bahay.

May flat surface doon na pwede kong pag-upuan. Iyon ang laging tambayan namin ni AJ sa gabi dahil maganda ang simoy ng hangin, open space, at kitang-kita ang mga bituin at buwan. Wala ring gaanong dumadaan kaya tahimik talaga.

Kakalapit ko pa lang sa hagdan pababa sa daan ay may nakita akong lalaking pasakay na ng orange na motor.

Dinungaw ko ang lalaki bago ako nagtanong, “Anong ginagawa mo rito?”

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now