Fractum 34

128 2 1
                                    

Broken 34: End

Thanks to Clarkson’s patience, I now know how to drive a motorcycle. Papa bought himself a new motorcycle a few years ago so I use his old green and blue Mio.

Pumarada ako sa gilid ng highway isang umagang umaga na sinubukan naming ilabas ako para sa highway na magdrive. Kakatapos ko lang ng isang mahabang ikot at safe pa dahil hindi sobrang daming taong dumaraan.

Na sa likod ko si Clarkson na pinapatakbo ang orange niyang Mio at si Papa ay na sa gild ng highway, tila naghihintay na matapos ang isang race game.

Another morning I tried driving in the highway, Papa chose not to come with us. Pumarada ulit ako sa highway at nangingiting lumingon kay Clarkson.

He smiled at me while maneuvering his own motorcycle. Inangat niya ang kamao niya at agad na itinaas ang hinlalaki niya, forming a thumbs up. Natawa ako ng marahan sa kaniya.

“Like mo na naman ako,” marahan kong biro sa kaniya.

“Oo naman. Like na like naman talaga kita,” normal na sagot niya habang nakangiti.

Napangiwi ako roon. That was meant as a joke. I’ll take his reply as a joke, too. Hindi ko lang mapigilang mapangiwi.

Natatawa ako minsan kapag maagang pumunpunta rito si konti dahil nakakalimutan niyang kaya ko nang madrive mag-isa. Minsan sinasadya niyang pumunta, siguro para bantayan ako o kaya makisabay lang.

It’s two weeks before the final exams. Bumaba kami for recess. Nakaangkla ang braso ni Morene sa akin samantalang nauuna si Felicity sa paglalakad. Hindi na sumasama sa amin si Mila mula pa noong pageant. Uupo sana ako sa malapit na nakitang upuan pero nahila na agad ako ni Morene.

“Morene!” gulat pero marahan kong sipat nang bigla niya ang hinila.

Tinawanan niya lang ako. Mas umagkla pa siya sa braso ko at hinigpitan ang kapit sa akin. Tumunog ang takong ng sapatos ko sa biglang paggalaw at kahit mas matangkad ako kay Morene, mabilis niya akong nahila palapit sa isang grupo ng mga lalaki.

“Pwede paupo?” nangingitig tanong ni Morene.

A boy smiled and nooded. Mabilis na umupo roon si Morene at si Felicity ang bumibili ng pagkain namin. Inilibot ko ang tingin ko sa mga nakaupo sa rectangular table.

Isang lalaki sa gilid ko ang nakatalikod ng upo. Hindi pa siya lumilingon ay kilala ko na ang kutis at maiksi niyang buhok. Inurong ko ng kaunti ang upuan para hindi kami gaanong magkalapit. Pinasada ko ang palad ko sa palda ko saka ako umupo. The boys smiled foolishly.

Natural akong hindi muna lumingon sa kaniya. I glanced at Morene who’s now smiling widely at me. Naaalala kong sila rin ang may pakana noong una kaming nagkatabi sa upuan.

These college boys. Dito pa sila nag-canteen, may sarili naman sila sa building nila.

Tahimik at expressionless ko ulit na ipinasada ang tingin sa mga lalaking nasa harap namin. Kahit noong dumating na si Felicity at ibinaba ang pagkain namin ay sa katabi ko pa rin sila nakatingin, nangingiti at mukhang nangangasar.

Inilipat ko ang tingin ko sa katabi ko. Kumurap lang ako ng isang beses ay nakalingon na agad siya sa akin. Isang milktea na iniinom niya ang ibinaba niya at ngumiti siya sa akin. I heard the boys chorus a low ‘ooh’ sound.

“Ang panget mo naman,” bungad niya habang nakangiti.

Bahagyang napakunot ang noo ko at nahigit ko ang hininga ko pero agad kong nakagat ang dila ko at naikalma ang sarili ko.

This piece of shit. Walang nagsasabi sa akin na panget ako maliban sa iilang kapamilya ko. Well, he thought me how to ride a bike and motorcycle.

Nilingon ko ang mga kasama niyang lalaki. Nakatulala lang sila at mukhang gulat sa sinabi ng kaibigan nila. Napangisi ako ng kaunti pero agad din namang tinanggal.

“Nakakahiya naman sa’yo,” marahang balik ko sa kaniya.

His friends’ gaze met with mine and they laughed at what I said. I smiled at them before I stood up.

“Bakit, Sang?” tanong ni Morene nang tumayo ako.

Tapos na siyang kumain. Inangat ko ang index finger ko at itinuro sa itaas. One, two, three…

Tumunog na ang bell for senior highschool students. Tapos na ang breaktime.

Morene bid goodbye to the boys. Kami ni Felicity ay natural na tahimik lang. Pinasadahan ko ng nakangiting tingin ang mga lalaki maliban kay Clarkson. Kahit noong tumalikod na kami para maglakad paalis ay hindi ko man lang tiningnan si Clarkson.

Another day of the same week and I am sitting alone in the canteen. Bumibili pa ang dalawa kaya naiwan akong mag-isa sa napili kong table. Nakatapat sa akin ang libro namin sa Earth and Science at sa ibabaw noon ay ang nakabukas kong white big notebook para sa term na ito. I am still making notes for my final reviewers.

“Sanguine…” the familiar voice hummed in a playful tune.

Pakalat-kalat ang isang ito sa paningin ko. Inilapag niya ang isang bote ng malamig na frappucino sa harap ko. Inikot ko ang bote at nakita ang brand ng Starbucks sa gitna at mocha sa itaas. Nilingon ko siya at binigyan ng isang nangangasar na ngiti.

Peace offering, huh? After that ‘panget’ moment.

“Thanks,” sagot ko sa kaniya at kinuha aagd ang bote mula sa table.

I opened the bottle. Mayelo sa loob at mukhang tunay na frappe nga. It’s not melted and the bottled feels chilled. Hindi na ako tumanggi kasi gusto ko rin naman.

“Ang bilis mo namang mapaamo. Pagkain lang ay ayos na sa iyo,” nangingiti niyang sabi.

Ibinaba ko ang bote matapos kong sumimsim roon, sa malayong gilid ng mga gamit ko dahil baka mabasa ang libro ko. I glanced at him before I picked up my pen. Itinukod ko ang kaliwang braso ko at sinimulang magsulat.

“Hindi pagkain ang nagpapapamo sa akin. Kay Alexandra iyon,” I said clearly. Mabigat kong itinusok ang dot sa notebook ko at bahagya siyang nilingon, “Kape ang sa akin,” natatawa kong sabi.

The final exams finally came. Kagaya noong midterms, bigla ring naglaho si Clarkson isang linggo bago ang exams hanggang ngayon.

Hanggang ngayon lang talaga dahil kakatapos lang ng panghuling araw ng exams namin, bumungad na agad siya sa gilid ng classroom namin, naka-Indian sit sa sahig. Tiningala niya agad ako at mukhang may hinihintay siya. Mabilis siyang tumayo nang makumpirma niyang ako ang lumabas mula sa classroonm.

Isang beses na naglalakad kami pabalik sa bahay ni Tita Marinita mula sa tindahan, marahan ang pagkakalakas ng normal na boses kong nagkekwento sa kaniya. Na sa likod ko siya kaya panay ang paglingon ko sa kaniya habang nagkekwento.

“Madalas namang pumupunta rito si Everette o Igraine o Iracyndia kapag wala silang pasok, pero kadalasan si Everette ang nandito dahil kung sino ang maunang magising, siya ang isasama ni Tito Ardento papunta rito,” kwento ko sa kaniya.

Lumingon ako ng isang beses sa kaniya. Paakyat na kami sa mabatong daanan palapit sa bahay ni Tita Marinita. Magaan siyang nakangiti sa akin habang dala-dala niya ang isang plato ng biniling pagkain mula sa tindahan.

“Lagi kong sinasabi kay Everette na ikumusta ako sa iyo kapag pupumunta siya dine,” balik niyang kwneto.

Napanguso ako roon. Dumiretso ako ng lakad paakyat at hinintay siyang makalapit ng kaunti.

“Hindi naman nakakarating sa akin. Minsan, magkaaway kami,” kalmado nang sagot ko habang tinatanaw ang nagbabagong kulay ng langit.

“Bakit naman kayo magkaaway?” tanong niya at nilagpasan ako.

Bahagyang napakunot ang noo ko sa iritasyon. Hinintay ko siyang makaakyat at ngayon, inuunahan niya ako sa paglalakad.

Hindi mabilis ang hakbang niya pero malalawak iyon dahil sa mahahaba niyang binti. Medyo patakbo ang habol ko sa kaniya dahil nakalayo na agad siya.

“Hinahabol ako, tapos pinagsusuntok ako at sinipa…” ngayo’y seryoso nang tinig ko.

Ibinaba niya ang plato sa upuan sa terrace. Narinig ko ang pagtawa niya na ipinagtataka ko.

He’s laughing. Is he laughing at Everette or at… me?

“Buti nga sa’yo,” nangangasar niyang sabi.

Tuluyan nang napakunot ang noo ko. Kinakalma ko ang sarili ko at nanatili akong nakatayo kahit nakaupo na siya at nakaangat ang tingin niya sa akin. His expressions changed from a teasing smile to a serious look.

“Baka naman inaway mo rin kaya ka inaaway…” bigla niyang bawi.

Mabilis na naibalik ang pagkakunot ng noo ko at sinalubong ko siya ng iritadong tingin. Umurong siya ng kaunti para bigyan ako ng espasyo sa pagkakaupo pero hindi na ako naupo roon.

She did not attend my graduation ceremony. My mother did not attend my graduation day. Hurt gave me hate before but all I can feel now is numbness. It’s done. Even the parties are done.

The valedictorian title still holds on to me. I smiled like my usual smiles when looking at my report cards. I smiled more when I saw the good grades written in the piece of card paper. This is what I’ve worked hard for the past two years.

I am proud of myself. I am proud that I did this for myself. I did not break myself more in the hope of my mother eventually loving me. My father and the Laudes are enough for me.

It was a calm morning before the kids crowded the house. Dumating din ang tatlo kong mga pinsan. Even Konti and Clarkson are here. Ka-video call nina Tita Fleuranda at Tita Aislienne si Tita Marinita. Naglakad ako papunta sa terrace at pinaikutan agad ako ng tumatawang Everette.

“Panget mo raw kasi,” biglang sabi ng isang boses sa malapit.

Clarkson with his unusual clothes is in the far corner. Sa akin siya nakatingin at may mapangasar siyang ngiti kaya alam kong sa akin niya sinasabi iyon.

Iritado akong bumuntong hininga. Tinawanan ko si EverEtte na nahilo na kakaikot sa akin. I calmed my irritated nerves.

Paulit ulit na niyang nasabi sa akin na panget ako pero kada sinasabi niya sa akin iyon, naiirita pa rin ako. I think my façade needs more work now if it’s going to be Clarkson.

It’s an April morning. The hot yet windy weather entered the province a few weeks ago. Ang hangin, kahit mahangin ay parang apoy naman ang ibinubuga. Parang isang electric fan na sa harap ay may apoy at iyon ang ibinubuga sa akin.

The kids will always be here now that it’s finally summer. Nangangapitbahay si Everette at Amity samantalang si Abyss ay kagaya kong na sa loob pa rin ng bahay.

It’s understandable why the kids are here but Clarkson’s appearance here is unreasonable.

“Ate Sanguine!!!” sunod-sunod na sigaw ng mga bata.

Na sa terrace ako nang tumakbo palapit sa akin ang mga bata habang nagtatawanan pero agad ding tumalikod at tumakbo pabalik sa bahay na mukhang natakot na. I only smiled that them. Iyon lang ang tangi kong ginawa pero nagtatatakbo na sila palayo sa akin?

May narinig akong panlalaking tawa ng isang boses sa likod ko. I did not evem give him a glance.

“Natakot sa iyo. Panget mo raw,” natatawang sabi ni Clarkson mula sa likod ko at kalauna’y natulyuan na sa pagtawa.

Marahas ang buntong hininga ko at bahagya nang nakakunot ang noo ko nang lumingon ako sa kaniya. He’s smiling too wide at me as I look up to him because of his height. Isang iritadong tingin ang ipinukol ko sa kaniya bago ko siya nilampasan.

“Nakakahiya talaga…” marahan pero may diin kong sabi habang naglalakad papasok sa bahay.

Sa kusina ako dumiretso. Naririnig ko ang yabag ng paa niya sa likod ko. Nakaupo sa isang upuan sa dining table si Xandra at tulalang ngumunguya, ang isang kamay ay may hawak na kinagatang tinapay at sa kabila ay ang iPhone niya.

Dumiretso ako sa backdoor. Naroon ang tsinelas ko. mabilis ko iyong isinuot at nagmartsa ako papunta sa gilid ng bahay, papunta pa lalo sa malilom na tambayan ko sa tabi ng hagdan pababa sa daanan.

Naririnig ko ang patawa tawa niya sa likod ko. Umupo ako sa dulong parte ng tambayan. Hinayaan kong lumaylay ang paa ko sa hangin.

“Joke lang. Ganda mo nga, eh. Kaya inlove na inlove ako sa iyo,” mabilis niyang sabi.

Naupo siya sa hindi kalayuang tabi ko. napantig yata ang tainga ko.

I have heard it. I have heard his last sentence over and over again. Pero ang mga nauna niyang salita na idinikit niya sa paulit ulit niyang sinasabi, iba yata para sa akin ngayon.

“Bakit mo ako gusto?” tanong ko nang nilingon ko siya.

I heard it clearly. I just want him to repeat it for me to confirm it.

Nakangiti siya sa akin nang nilingon niya ako. nakikita ko ang paghahamon sa mga mata niya at pinantayan ko iyon ng nagbabadyang galit, sa kaniya nakabatay kung matutuloy. If he says it right, the anger will subside but if he says it wrong, the anger will fire and burn up.

“Kasi maganda ka,” nakangiti niyang sagot.

Napairap ako sa hangin nang makumpirma ang sinabi niya. My anger burned and it turned into hatred. It’s a familiar feeling that I felt when I was pushed by my own mother to be broken and shattered.

I should be treating this fine and okay. Why the fuck am I burning up with hatred and anger? The hell.

“Kaya nga na-inlove ako sa iyo, eh,” dagdag niya nang hindi ako sumagot.

Nahigit ko ang hininga ko. Kinagat ko ang dila ko at hindi nagtagal nalasahan ko ang pamilyar na lasang kalawang na huli hong naranasan, ay sa Cavite pa. My tongue is bleeding but I only continued biting it, making it bleed more.

“Kasi maganda?” halos bulong ko sa kawalan.

Napakurap-kurap ako. I can see his seriousness even in my peripheral vision. If I try to look at his eyes for more confirmation, I will only see the seriousness of his pitch black eyes. I’d rather not.

Tumango-tango siya sa gilid ko, “Inlove na nga ako sa iyo. Ikaw na lang ang hindi…” he said with his voice so serous, and eyes locked with me.

His last words did not help. Any word from him now will never help.

I almost forgot my appearance. I almost forgot that people love a pretty face and he does, too. Nagustuhan niya lang ako dahil maganda ako. I almost forgot how soft and angelic my features are to make people smitten. In his case, hes smitten to me because of my beauty, too.

I almost forgot because I don’t think of myself beautiful, nor pretty. I almost forgot my angelic-looking face.

I slowly turned to meet his pitch black eyes. The expressive, soulful, and serious eyes I’ve known before but got clouded with his past smiles for me. Now, I can see it again. I can see him again.

And with the lock of my brown eyes to his pitch black eyes, I only got more of a confirmation.

He only liked me because of my so-called beauty. He only loved me because of my angel-looking features and my curvy hourglass body. He loves my appearance and the moment I loose my beauty, he’ll also loose his feelings for me.

Even in the end, he’s still a piece of shit. Up to the end, he will remain as a piece of shit.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now