03

26.7K 625 102
                                    

He's back

"Sabi ko diba huwag ka nang lumabas?" Iyon ang bungad sa akin ni Abes nang magkasalubong kami.

Patuloy siya sa paglilitanya sa akin habang isinusuot sa balikat ko ang nakuhang cardigan. 

"Halika na. Umuwi na tayo."

Hindi ko alam kung ano na ba ang itsura ko ngayon pero sigurado ako na sobrang pula ko na! Nakakahiya. Nakakahiya talaga. Sa sobrang kalasingan ko ay ibang sasakyan ang napasukan ko. At ang mas nakakahiya pa doon, nasaksihan ko pa ang taong pinakaiinisan ko kung paano magsalsal! 

"Teka, hindi diyan nakapark sasakyan ni Hugo." 

Hinila ako ni Abes sa kabilang side ng parking lot. Nagpadala na lang ako sa kaniya dahil tila nawala ako sa wisyo matapos ang nangyari. Nagbaba ako ng tingin sa yakap yakap kong tissue. Dali dali ko iyong tinapon sa basurahan. Napalingon akng muli sa nilabasan kong sasakyan. That guy is crossing his arms and leaning in his car. Nakasuot ito ng grey na hoodie at jeans. A playful smirk is seen in his face.

"Sumuka ka?" pangungulit ni Abes hanggang sa makapasok kaming muli sa sasasakyan ni Hugo.  "Ito tubig. Sobrang pula mo o."

Aligaga siyang asikasuhin ako kahit na wala naman sa kaniya ang atensyon ko. 

"Laki mo na a. Marunong ka nang sumuka ng alak a." Biro niya pa.

Imbis na patulan pa siya ay pinikit ko ang mga mata ko at pinamahinga ang ulo sa upuan. Bagaman nawala saglit ang tama ng alak ko kanina, ngayon ko naman na naramdaman ulit iyon nang makaamoy na naman ng aircon.Napansin ata iyon ni Abes kaya naramdaman ko ang bahagyang pagtaas ng temperature sa kabuuan ng sasakyan. 

"Pagkahatid ko sa'yo, magbuhos ka ha. Para naman mahimasmasan ka." Dinig kong sabi niya habang minamaobra ang sasakyan. 

"Hindi ako lasing." Nakayanan ko pang sabi.

"Malamang nasuka mo na e. Yawa ka."

Hindi ko masabayan si Abes dahil napuno ng isip ko ang patungkol sa kahalayan ng lalaking iyon kanina. Halos tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Mula ulo hanggang paa! Sa dinami dami ng lugar, bakit doon pa? I mean, I get it, sasakyan niya nga iyon pero hello!? May utak ba pa ba siya para hindi man lang maisip na hindi tinted ang sasakyan? Why is he masturbating himself inside the car!? Hindi na ba siya makapagpigil at doon niya pa talaga ginawa?

"May meeting daw kayo sa Art Society next week. Nagpunta rito si Sir Robredo kanina kaso wala ka pa." Bungad ng kaklase kong si Bella nang makapasok ako sa room kinabukasan.

Pagod na pagod nang umagang iyon dahil hindi ako halos pinatulog ng insidente kagabi. Iyong buhay na binuo ko nitong nagdaang taon, parang nasira at nabuwal lang agad. Dahil ano? Dahil lang sa presensiya niya. Dahil lang sa nagkita kami. 

"May sinabi bang time?"

She shrugged. "Nothing. You can drop by in his office to make sure."

Tumango tango naman ako bago ito nginitian. "Sige, thank you."

Hindi naman nagtagal ay pumasok na ang unang prof namin para sa araw na iyon. He told us that we need to visit and inspect a certain plantation for our reporting and project next week about Fundamentals of Crop Science.

"I will create a list later and send it to you as soon as possible. Make sure na makikipag-cooperate ang bawat isa para mabilis na matapos ang observation, alright?"

"Yes, Sir." We said in unison.

"Okay then. Don't worry random naman ang groupings to make it fair. Kayo na rin mismo ang mag-usap usap kung anong klasing crops ba ang i-o-observe at ido-document ninyo. What I need is the written report before the sembreak starts."

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon