30

18.1K 300 121
                                    

Death

R-18: Trigger Warning: Death

"Atty. Alonzo, pwede bang iwan n'yo muna ako?" Pakiusap ko sa aking abogado.

"Pero Ms. Anonuevo..."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Please? I...I just want to talk to him...alone...for now."

Bakas sa mukha ni Atty. Alonzo ang pagdadalawang isip pero sa huli ay napapayag ko rin ito.

Narito ako sa presinto, hinihintay ang paglabas ni Hayes. Ilang araw na simula noong nailibing ang pamilya ko pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin siya rito.

Dalawang araw mula sa araw na ito ay magsisimula na ang hukom sa kaniya sa korte patungkol sa pagpatay sa pamilya ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako sa katotohanang siya ang idinidiin sa pagkamatay ng pamilya ko. His father is also on the run. Their fingerprints was found on the crime scene. While Nathan, he is nowhere to be found too.

Umaasa ako na sana...sana itanggi niyang hindi niya iyon ginawa; sana ay wala nga siyang kinalaman sa nangyari dahil kung totoo nga ang ibinibintang sa kaniya ay walang alinlangan ko siyang buburahin sa buhay ko.

Nag-angat ako ng tingin nang may umupo sa kaharap kong upuan. Napahigpit ang hawak ko sa aking kamay sa ibabaw ng mesa.

After seven months of not seeing him...here he is.

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang pagragasa ng emosyon ko. His hair grew longer. He has now some small stubble on his chin. He looks tired.He looks pained but his eyes screams unfamiliarity.

"Hayes," nauutal kong sabi.

I felt my tears rolled down to my cheek immediately as I look to him. I am expecting him to show some emotions or to at least utter some words but he was just staring at me...like he didn't knew me at all; like he is not pleased to see me.

"What are you doing here?" He asked.

Halos kilabutan ako sa pagkadiin at pagkatigas ng pagkakabanggit niya sa bawat salita. He seems mad. He seems like he didn't want me here. Ganitong ganito siya noong naghiwalay kami. Pero...kahit naman ako. Ayaw ko rin na nandito ako kung hindi lang sa kagustuhan na malaman ko ang totoo.

Maluha luha kong muling sinulyapan ang kabuuan niya. Nakaposas ang mga kamay nito. Iyon ang palantandaan na siya ang suspek sa pagkamatay ng pamilya ko.

Hindi ko kailanman naisip na siya ang gagawa sa akin ng ganito. He killed my family? After his disappearance, he came back as a murderer of my own family.

Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon kami muling magkikita. Hindi sa ganito. Hindi sa sitwasyon na siya ang idinidiin na pumatay sa pamilya ko.

"They told me that..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dulot ng pag-iyak—at sa ideyang hindi ko matanggap na dahilan kung bakit nga siya nandito.

"That I killed your family?" Kaswal niyang tanong na para bangh hindi iyon malaking bagay.

"It's not true. I belive you," sinubukan kong abutin ang mga kamay niya sa ibabaw ng mesa pero iniwas niya iyon. "Hindi mo magagawa iyon. H-hindi mo kayang pumatay ng tao, Hayes. Hindi mo p-pinatay ang pamilya ko."

Kilala ko siya. Kahit na gaano kalupit ang pamilya niya pagdating sa negosyo, hindi ganoon si Hayes. Hindi niya magagawa ang lahat ng ito! Alam kong maikli lang ang panahon na nagkasama kami pero hindi siya ganito! Hindi siya mamamatay tao!

He laughed sarcastically. My breathing hitched when I saw how sarcastic he is.

"What makes you think that I can't do that Layana? You think I'm a saint?"

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon