21

13.2K 291 53
                                    

Birthday

Nang sumapit ang araw ng birthday ko ay tumungo na kami sa private resort sa Bataan. Inimbita ko rin si Nathan ang kaso ay may family gathering daw ito.

Ang pamilya ko ang naunang nakarating doon at inayos ang mga rooms na pagtutulugan namin. Naghanda na rin si mama ng mga pagkain para sa boodle fight mamayang lunch. May mga tauhan na rin na nagseset-up para sa party mamaya. Umupo muna ako sa isang bato na malapit sa shore nang tumawag sa'kin si Hayes.

"Did you arrive safely? How's things going on there?" He asked. I think he is inside a small office by the look of his background.

"Kakarating lang namin kaya lang wala pa ang mga kaibigan ko. May mga nagseset-up na rin para sa party mamayang gabi," sagot ko sa kaniya habang tinatapon ang maliliit na bato sa dagat.

Iba pa rin talaga ang amoy ng dagat maging ang hangin na dumadampi sa balat ko kapag ganitong malapit sa dalampasigan. Nakakarelax. Even the sound of the waves, it feels so refreshing.

"Did you eat your breakfast? You need to eat more, cheat on your diet."

I smiled. "Tapos na. Ikaw ba? Kumain ka na. Mukhang pagod na pagod ka, ha. Diba sabi ko sa'yo huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo."

He tilted his head and played with his tongue and cheeks. "Oh God, I really miss your nags."

I rolled my eyes. "Then you better come home na."

"I can't wait to go home with you."

Totoo nga siguro iyong sinasabi nila na minsan, sa tao mo mahahanap ang tunay na kapahingahan. Even me, I found my solace and home with him. I felt safe whenever I am with his arms. It is so warm and very comforting.

"I'll wait for you then."

He sighed. "I miss you."

It's been almost two months since the last time we saw each other. I miss his hugs, his warmth, his smile, his touch–everything about him. I didn't know that I would be like this when it comes to him. Mas masaya nga siguro ang salubong ko sa birthday ko kung nandito si Hayes. He told me that he tried to come back last week but hectic talaga ang sched niya roon.

"I miss you too."

"I miss you more."

"I miss you most."

He squinted his eyes. "You got me right there ."

"Layana, you're friends are here na honey!" sigaw sa'kin ni Mama.

Napanguso naman ako nang tawagin na ako ni mama. Ang bilis naman, saglit pa lang kaming nakakapag-usap e.

"Tawag na ako ni mama," paalam ko sa kaniya. "Nandiyan na ata sina Lene e."

Tumango lang ito at isinuklay ang mga daliri sa kaniyang buhok. Nagsibalikan naman sa dating ayos ang mga hibla nun.

"I'll text you whenever I can."

I nodded as a response. I waited for him to at least greet me but I received nothing. I just shrugged it off. Baka naman mamaya ay babatiin niya ako. Hindi pwedeng makalimutan niya 'no, iyon nga ang madalas naming pag-usapan e.

Muli akong bumalik sa mga cottages para salubungin ang mga kaibigan ko. Unang dumating ay sina Lene at Migo, ang ilang inimbita kong blockmates, ka-org ko sa Art society, mga suki ko noon sa pagtitinda ng mga bulaklak, si Eka, Hugo at ang panghuli ay ang pabidang si Abes. Pahirapan pa nga na napapayag iyan. Kaonti na lang ay magtatampo na ako. Lagi na siyang wala sa mga gala namin.

"Happy Birthday, Layana!" bati ni Roma, bago kong kaibigan.

Niyakap ko naman sila isa isa.

"Thank you, Roma." Hinalikan ko ang pisngi niya.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon