22

14.3K 296 49
                                    

Cuddle

"Layana, thank you sa pag-imbita ah? Gusto pa sana namin mag-stay kaso mayayari kami sa parents namin," saad ni Bella.

"It's okay. Actually, ako pa nga dapat ang mag-thank you kasi naka-attend kayo ngayon kahit na busy kayo. Thank you," niyakap ko sila isa isa.

Uuwi na ang ilan ngayong gabi dahil hindi sila pinayagan na magstay dito sa Bataan. Syempre iyong apat, matic na dito matutulog since magkakakilala naman ang mga magulang namin. Si Abes lang ang wala dahil nagmamadaling umalis kanina. Seriously, what is he up to?

"Pasabi na lang kita tita Alani and Tito Fonso na umuwi na kami, ah? Nagagalit na rin si daddy e," dagdag naman ni Roma.

"No problem. Marco, ayusin mo pagda-drive ah? Ikaw din Julius, ingat sa pagda-drive."

"Ako bahala, Layana," sagot ni Marco.

"We'll go ahead na. Happy Birthday ulit!" huling sinabi ni Julius bago pinaandar ang van.

Eleven na ng gabi kami natapos dahil nagkatuwaan pa at napasarap ang kwentuhan. I'm quite worried about them since it's already midnight but the boys assured me that they'll drive smootly. Sila Lailana at ang mga magulang ko ay natulog nang maaga dahil maaga pa ang uwi nila kinabukasan. Tanging kaming magkakaibigan na lang ang naiwan ngayon kasama si Hayes.

Muli akong bumalik sa table. Naabutan kong umiinom na ngayon ng alak ang mga boys. Maging sina Eka at Lene ay umiinom rin.Agad akong naglakad papunta sa likuran ni Hayes. Niyakap ko sa leeg niya ang dalawa kong braso. Hinawakan niya iyon, hinahaplos gamit ang thumb finger niya at tiningala akong tinignan.

"Nakaalis na sila?"

"Hmm," tumango ako.

"Tanginang iyan, ang sakit sa mata."

Pabiro kong inirapan si Migo, natawa naman iyong tatlo.

"Wala bang thank you d'yan? Ni-surprise ka namin," sabi ni Eka.

Ngumiti ako."O, edi thank you."

"Wow, halatang bukal na bulak sa loob mo 'a!" sarkastikong sabat ni Hugo.

I smiled wider and hugged my boyfriend tighter. I rested my chin on his head. "Thank you. I really mean it."

"Are you happy?" nakangiti namang tanong ni Lene.

"Sobra."

"Aw, let me hug you!" Madramang lumapit sa akin si Lene at niyakap ako. Eka joined us afterwards.

"Pre, yung usapan natin ah?" tinanguan ni Migo si Hayes.

"Even if you don't tell me Migo," sagot ni Hayes at humigop ng wine.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa."Anong meron?"

"Alam mo 'wag ka ng chismosa, Anais. Boys talk lang 'yon."

My girl friends went back to their respective seats and. Dinungaw ko si Hayes. "Baka naman puro kalokohan 'yan a."

Ngumiti siya."Baby, it's not."

"Egul tayo diyan, nag-baby na. Bine-baby mo pa 'yan? Mukha ng damulag na 'yan e," pang-aasar ni Migo.

Kumalas ako sa yakap ni Hayes at inambahan si Migo. "'Pag naabot talaga kita, babatukan kita," saad ko sa kaniya pero nagmaked face lang si Migo.

Umupo ako sa upuan sa gilid ni Hayes. Niyakap naman niya agad sa bewang ko ang braso niya. Hawak niya sa kanang kamay ang wine at kitang kita ko doon ang veins niya. Dagdagan pa ng mamahalin niyang relos.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon