04

22.7K 626 145
                                    

Announcement

River Hayes Espinoza.

Siya iyong first love ko.

Siya iyong nang-iwan sa akin bigla bigla dati. Na ngayon ay nandito na ulit sa Tagaytay. I don't know what he really wants but I am sure I am one of it.

"Look, I told you sa blue wallet mo kuhanin. I can't believe na you can't distinguish blue from violet. Shocks! Pero kapag usapang gwapo, ang linaw ng mata mo!" ani ni Lene.

Napanguso ako at pinaglaruan ang kuko ko."Eh bakit naman kasi napakarami mong wallet? Pa-wallet wallet ka pa eh wala ka namang pera. At isa pa, bakit may number ka ng lalaking 'yun?"

Pinapanood lang kami ni Eka habang nagtatalo kami ni Lene dito sa kwarto. Paano ba naman kasi, maling contact ang nakuha ko sa wallet niya!

"Of course, dapat lang! I got it from Trixie. First day niya ngayon dito sa Tagaytay University. And believe me, bunch of girls are already head over heels for him!"

"You should say sorry," pamimilit ni Elene.

Napataas ang kilay ko. "Bakit ako mag-s-sorry? Ayoko nga."

Siya nga ay hindi nag-sorry sa akin e, kaya bakit ako mag-s-sorry?

"Come on, Layana. Kahit saang anggulo mo tignan ikaw ang nagkamali. Wala akong kinakampihan, okay? But what you did was wrong," maingat na sabi ni Eka.

"Just say sorry and that's it," pagsang ayon naman ni Lene.

"Come on, Layana."

Umiling ako. "Tinubos na ni Hesus ang kasalanan ko, bahala siya diyan."

Lumipas ang mga araw at palagi akong tinatanong ng dalawa kong kaibigan kung nakapagsorry na ba 'ko. Oo lang ako nang oo kahit hindi naman talaga.

Inabala ko na lang sarili ko sa pag-aaral at sa pagmamanage ng online shop ko kaysa pag aksayahan ng oras ng lalaking iyon. Dito, kumikita pa ako ng pera. At isa pa, kahit naman anong iwas ang gawin ko sa lalaki ay talagang magkikita at magkikita kami nito sa campus.Mabuti na lang talaga at sa fourth floor ito naka-room, hindi ko masisilayan ang mukha niya sa araw-araw dito sa floor namin.

"Anak!"

I stopped walking when I heard a familiar voice called me. Napatingin ako sa gate. My lips parted in joy. I didn't waste anytime and run as fast as I can towards him. I embraced him so tight!

"Papa!"

"Mukha namiss mo ako a? Sabagay, ako na 'to."

Bahagya akong humiwalay sa kaniya. "God! Of course I missed you!"

I hug him again. I earned a soft chuckle and placed his chin above my head and squeezed me.

"Ang laki laki mo na a. Kumakain ka ba dito nang maayos? Ang pag-aaral mo, hindi ka naman ba masyadong na-stress?"

I pouted as I distanced myself to him. Some students are looking at us but I don't care. I missed my father so much!

"I'm okay, Papa. I am enjoying my stay here. But sometimes, I miss your cooking."

He snorted. I wrinkled my nose because of that.

"Lahat naman ay kamiss miss sa akin e. Alam ko naman, anak."

"Papa talaga."

He smiled. I smiled too.

"What brings you here? Baka ako ang kamiss miss kasi dinalaw mo ako?"

Papa made a downward smile as his sign of disapproval. "Napadaan lang kaya ako dito dahil nagkaroon ako ng isang meeting sa hotel malapit dito."

I pouted more. "Iyong meeting naalala pero ako hindi."

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon