17

15.5K 328 135
                                    

Love and Despair

"Calm down, woman."

I exhaled deeply. Hindi kasi ako mapakali rito sa sasakyan habang tinatahak namin ang daan papunta sa kanilang resthouse sa Chalet. Tahip tahip ang kaba ko!

"I told you, my family is not with me."

My lips twisted. "Sa iba na lang kaya tayo?"

Para makabawi, ngayong araw tinuloy ni Hayes ang plano noong nakaraan. He is just planning to let me sight see their rest house.

He glanced at me. "Alright. Where do you want us to go then?"

Iniisip ko kasi kung naroon sina Don Nicholas at Donya Lucianna. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang nakakatakot nitong mga ekpresyon.

I think deeply. Iyon nga rin ang hindi ko alam! Hindi naman pwede sa apartment dahil alam kong puro asar lang ang abot ko sa dalawa kong kaibigan. At isa pa gusto ko ring makita ang tinutuluyan ni Hayes. Nacucurious kasi ako. Hindi pa ako nakakapunta roon sa Chalet e.

"Sige doon na lang."

"Are you sure? We can just go to some random coffee shops if you want," he suggested.

"Sige doon na lang."

Dumiretso nga kami ni Hayes sa kanilang rest house sa Chalet de Tagaytay gaya ng gusto ko. Ang structure ng bahay ay mostly gawa sa spanish wood at tropical ang style. Masasabi ko na medyo pribado ito kumpara sa ibang bahay pahingahan dahil kakaonti lang ang tao nang makapasok kami. Akala ko nga ay siya lang mag-isa rito. Hays.

Ako ang pinauna niyang pumasok sa isang silid, nakasunod lang siya sakin. Ang mga bungkos ng bulaklak na nabili ko sa flower farm ay ipinaayos niya sa isang natandang babae roon.

"Thank you, Ate Vina."

Nginitian ko rin ang medyo may katandaang mayordoma pero sinamaan lang ako nito ng tingin. Grabe, galit agad.

Nilibot ko ang paningin ko at ipinadausdos ang mga daliri sa bawat muwebles. Sa aming harapan ay tanaw na tanaw ang magandang tanawin ng Taal Volcano. Bahagya pa nga iyong natatakpan dahil sa hamog.

Kapag dumungaw ka roon ay makikita ang isang parisukat na sementadong pahingahan. May dalawang lounger doon at may mesa sa gilid at mga upuan. Mukhang doon kami gagawa ni Hayes ng mga bulaklak mamaya.

"Alam ba ni Donya Lucianna na may dadalhin kang babae rito, Hayes?" tanong nito habang inaayos ang mga bulaklak sa lamesa.Matalim ang tingin sa akin ng matanda.

"They know."

Nag-angat ako kaagad ng tingin kay Hayes pero nginitian niya lang ako.

"Hindi nga?"

He touched my nose using his finger. "Nagpaalam ako."

"Buti...buti hindi sila nagalit? They seems mad to me when we first met."

He gave me a reassuring smile. "They just stress. Anyway, don't think about it too much."

Sumang-ayon na lang ako sa sinabi ni Hayes.Ayos na kaya sila ng kaniyang ina? Ah kaya. Kaya siguro narito iyong matanda para bantayan kaming dalawa ni Hayes. Human CCTV!

Inilibot ako ang paningin ko sa loob habang siya ay tinutulungan akong hubadin ang cardigan ko. Inilapag niya iyon sa arm rest ng sofa. Walang kahit anong picture na nakadisplay sa kahit saang sulok ng bahay. Mukhang napansin naman ni Hayes ang pagtataka ko kaya inunahan na ako nito.

"We are not fond of taking pictures."

Napatango naman ako. "Kahit isa?"

Umiling ito. "We don't practice that in our family."

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon