28

14.4K 302 81
                                    

Nightmare

Nasunog ang isang plantasyon ng mga kape sa Alaminos, Cavite pasado alas tres ng hapon. Sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dahil sa pag-malfunction ng isang makina sa nasabing lugar. Aabot sa tatlumpung tao ang sugatan at sampung tao naman ang namatay samantalang umabot naman sa halos tatlong milyon ang halaga ng pinsala.

Pinatay ni Lene ang TV nang marinig namin ang balita. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang mga daliri ko sa kamay.

Ang daming nasugatan. Ang daming namatay. Bakit ba nagsasabay sabay lahat? Hindi ko alam kung ano ang gagawin at uunahin. For sure, my parents are stress about it. But here am, lying here.

"Layana, don't think too much about it. I am sure that everything will be fine," saad ni Lene.

Binigyan ko na lamang siya ng isang tipid na ngiti.

Hindi ko magawang makampante at hindi mag-alala. Inaalala ko ang mga magulang ko kung ano na ba ang kalagayan nila. Panigurado ako na maraming tao ang babatikos at magagalit sa kanila. Ayokong manatili lang dito sa hospital habang sila ay problemadong problemado.

"Hindi naman nila alam na nasa hospital ako, 'di ba?"

Umiling si Eka. "Lene mentioned that you want to keep it for now. Ayaw naming pangunahan ka."

Tumango tango ako.

Mabuti na rin ito. Ayoko munang dumagdag sa problema ng mga magulang ko. Saka ko na sasabihin sa kanila kapag medyo umaayos na ang sitwasyon...at kung babalik nga si Hayes.

Si Hayes. Saan ba siya nagpunta? Bukod sa Qklan at  Nueva Ecija ay wala na akong alam na pwede niya pang puntahan. Unless, sumama siya kung nasaan si Sandra.

"Si Nathan?" Tanong ko kay Lene.

Huminga ito ng malalim at pinagsalin ako ng tubig. "Umuwi na muna pero bukas ay babalik siya rito dahil ipagpapatuloy namin 'yung paghahanap kay Hayes."

Hindi ko kailanman naisip na isa si Nathan sa mga makakasama at masasandalan ko sa mga oras na ganito. Kung sino pa 'yung taong hindi ko inaasahan, sila pa 'yung nagpapalakas sa akin ngayon.I owe him a lot.

Isang araw pa ang itinagal ko sa hospital bago napagdesisyunan na puntahan ang pamilya ko sa bahay. Sa una ay hindi pabor ang mga kaibigan ko dahil maraming reporter sa labas pero nagpumilit ako. Gusto kong tumulong sa magulang ko. Gusto kong maayos na ito.

Kagaya ng inaasahan ay dinumog ako kaagad ng media pagkababa ko pa lang ng sasakyan. Agad naman akong ni-protektahan ng mga kaibigan ko.

"Sir, dahan dahan nga! Nasasaktan 'yung tao e!" Si Abes, nagagalit dahil nasisiksik ako."Bigwasan kita diyan e."

"Saglit na interview lang, Sir! Ms. Anonuevo!"

"Ms. Anonuevo!"

Nang tuluyan akong makapasok sa loob ng gate namin ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Agad namang inutusan ni Hugo ang kasambahay namin na kumuha ng tubig.

"Nasaktan ka ba? Anong masakit?" Nag-aalalang tanong ni Migo.

Iwinagayway ko ang kamay ko. "Ayos lang ako."

Inilibot ko ang paningin ko sa bahay, napakatahimik, ibang iba sa sitwasyon sa labas.Ininom ko muna ang tubig para mapakalma ang sarili ko pagkatapos ay bumaling sa mga kaibigan ko.

"Ayos na ako rito. May pasok pa kayo."

"Hindi na muna papasok si Migo ngayon," saad ni Migo. Bahagya naman akong napangiti dahil doon. Migo smiled back.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon