13

15K 402 98
                                    

Reasons

"Did he touch you?" madiin niyang tanong.

Kita ko ang paglabas ng ugat sa mga kamay nito habang nakahawak sa manibela. Hindi ako nagtangka na magsalita o magtanong man lang. Masyado rin akong nagulat sa nangyari. Pakiramdam ko ay naiwan sa katawan ko ang paghaplos ni Anton.

Alam kong lasing siya, nakainom kami pareho pero bakit naman gano'n. Hindi dapat maging excuse ng mga taong nakainom na lasing sila kaya nila nagawang mambastos ng babae. It will never be an excuse.

"Layana, answer me. Saan ka hinawakan ng gagong iyon?"

I squeezed my eyes. I chose not to answer him. I'm not yet on the right mind, okay!

Nanginginig kong kinuha ang phone ko para tawagan si Lene. Naiwan siya doon sa bar. Gustuhin ko mang magpabalik doon ay napangungunahan ako ng takot.

"Hi, my friend. Nakauwi ka na ba? I can't see you here na."

"Yeah, pauwi na ako. Tinawagan na rin kasi ako ng parents ko kaya nagmamadali ako. Magpasundo ka sa driver n'yo, Lene."

"You sounds like my mom, Haha. Don't worry magpapasundo ako." 

"That's good, " saad ko sa kaniya bagaman medyo nanginginig pa rin ang boses ko.

Nakita kong tumingin sa'kin si River pero ibinalik din niya ang tingin sa daan. He is gripping the wheel tightly.

"Okay. Please, give me a call, a simple text is also okay when you get home, okay?"

"I will. Ingat ka," saad ko bago ibinaba ang tawag.

Humugot ako ng malalim na hininga nang maibaba ang tawag. I zone out. I still can't believe what happened. Anton is my friend. We've been friends. Nalalasing din naman ang mga kaibigan ko pero hindi umaabot sa punto na gano'n. And now, I feel scared towards him.

"Let's file a case."

Agaran ang pagtingin ko kay River. "River, hindi na kailangan. Ayos lang naman ako. At isa pa—"

Umiling ito halatang hindi nagugustuhan ang rason ko.

"He harassed you! There's no such thing that will justify his actions, Layana. We will file a case," he said with finality.

Kung ako ang tatanungin, ayaw ko na kasing palakihin pa ang gulo. Kilala ang pamilya Navarro sa lugar namin dahil sa Mayor niyang ama. Kung magsasampa pa ng kaso, lalaki lang ang gulo. Pwede ko naman kausapin na lang si Anton. Ayaw ko rin na makarating pa ito kina Mama at Papa. Papaahon pa lang ang business namin. Ayaw kong madawit agad ang pangalan namin sa eskandalo.

"River, ayos nga lang ako. Let just get this slide."

His haw clenched aggressively. "No."

I squeezed my eyes tightly. Alam kong hindi siya makikinig ngayon.I know that he is raging mad right now.

"Anton is my friend, River. I'll just talk to him. Please, ayaw ko lang ng gulo."

Now that I'm seeing him in front of me, I can't help but to take advantage of every opportunity to look at him. It's been days since the last time I saw him. Kaya gayong nandito na ito sa harap ko, gustong gusto kong aminin sa sarili ko na...namiss ko nga siya.

Nagtataka akong napatingin kay River nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang convenience store. Bumili siya roon ng mineral water at panggamot sa sugat. Binuksan niya muna iyon bago iniabot sa akin.

"Your hand," seryoso nitong utos.

Sinuri ni River ang ilang galos na natamo ko dahil sa pagkakatumba ko kanina.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon