11

16.7K 443 45
                                    

Reasons

"Honey, are you okay?" tanong sa'kin ni mama habang kumakain kami.

"Nang makauwi tayo mula sa grocery ay tumamlay ka na, what happened?" tanong naman ni papa.

I smiled. "Ayos lang po ako. Napagod lang siguro."

There, you told him what you really feel, Layana. Don't be guilty about it. You might sound harsh, but he needs it. Alam ko kung ano ang gusto ko, kaya alam ko kung ano ang deserve ko. Hindi ko kailangan ng tao na papaguluhin lang ang isip ko. If he can't offer me peace and clarity, I don't want him. Regardless of my feelings towards him.

"How's the farm?" Pag-iiba ko na lang sa usapan.

Nagkibat balikat ito. "Well, our business is doing good. Wala namang masyadong problema bukod sa dagsaan ang turista sa farm."

"How 'bout the production of jams? Wala po bang problema sa factory? Iyong machineries, packaging and deliveries?"

"You know what sissy, ang dami mong tanong. Don't worry about it okay? Mom and Dad is doing their work properly. And, balang araw ako na ang mag-m-manage ng factory," singit ni Lailana.

"There's no problem in production, honey. Magagaling ang tao natin, everyone is doing their best," si Mama.

My family owns some hectares of strawberry farm and a factory for production of jam. Kadalasan nasa office sila pero kapag medyo maluwag naman ang schedule, tumutulong sila sa pagha-harvest ng strawberries. Mayroon din kaming coffee farm sa Amadeo, Cavite pero malayo iyon dito sa bahay kaya naman ipinamahala muna ng magulang ko sa ilang katiwala nila.

Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na spoiled. Hindi ko tine-take advantage at pinagmamayabang ang mga bagay na mayroon ako. Kahit na mabilis ang ikot ng pera sa bahay, nahihiya pa rin akong humingi kila mama at papa. Kaya kapag may mga gusto akong bilihin, sumusubok ako ng ilang pagkakakitaan. Hindi ko inaasa lahat sa magulang ko.

Hindi ko alam kung anong espirito ang pumasok sa katawan ko at napagdesisyunan kong mag-jogging isang araw. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-exercise. Pakiramdam ko ang kapal na ng bilbil ko.

But aside from that reason, I knew to myself that I only want a distraction from my thoughts. He's been running on my minds for days now. I hate it.

"Ate Fely, jogging lang po ako sa labas. Pakisabi na lang po kila mama at papa kapag nagising na sila," bilin ko kay Ate Fely.

Nagsuot lang ako ng black racerback tank top, leggings at running shoes. Pinusod ko rin ang buhok ko at nagsuot ng earphones.

"Towel mo, hija!"

"Huwag na po!"

Sumalubong sa'kin ang sariwa at malamig na hangin. Idagdag mo pa ang mahamog hamog na daan. Pasikat na ang araw kaya minabuti ko ng simulang mag-jog. May mga ilan din akong nakitang nag-j-jog sa kabilang side ng daan. Paminsan minsan ay humihinto ako para mag-stretch.

It feels nostalgic. I have certain memories in this place. Kahit saan ako lumingon, may mga ala-ala niya. We were young back then but now that I grow up, I still carry those memories with me.

I don't know how long I has been staring at the road but honks of vehicles woke me up from my sentiments. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at hinatak ako sa pinakagilid pa ng daan. Doon ko lang na-realize na muntik na akong mahagip ng tricycle.

"Eyes on the road!"

I catch my breath as I process what just happened. When I look at the person who saved me, I can see burning rage and fear in his eyes.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon