14

15.9K 372 121
                                    

Label

"Layana," si Anton, patuloy pa rin akong sinusubukang kausapin.

Nang dahil din sa nangyari sa Station Fifteen ay naging usap-usapan si Hayes sa campus. Kumalat kasi ang video nito na pinapaulanan ng suntok si Anton.

"Leave her alone, Anton. By just seeing you, I feel the urge to puke," masungit na sabi ni Lene.

"Lene, I just want to talk to her. I just want to apologize. Layana—"

Humarang bigla si Abes sa harapan para pigilan si Anton sa paglapit sa amin ni Lene. My eyes widened upon seeing him. Ilang araw na siyang 'di nahahagip ng mata ko. He looks very tired now.

"Kapag ayaw kang kausapin ng babae, 'wag mo nang ipilit. Respeto na lang, tol."

"But I just want to apologize—"

"Nabastos mo na iyong tao. Anong magagawa ng sorry mo?"

"Abes," si Lene.

"Hindi, dapat alam niya e. Ano kamong rason mo? Lasing ka?" Umamba si Abes kaya dinaluhan agad namin siya ni Lene."She said no. She fucking told you to let her go pero ano?"

Anton is just silent.

"Ano pre? Salita ka naman. Ang ingay mo sa video sa bar a. Saan na bayag mo?"

"I'm sorry—"

"Anton just go," I immediately dismissed him. I just feel like Abes is fuming mad right now. But Anton is just looking at me with guilty and pleading eyes.

"Oh tamo, isang sabi pa lang ng babae dapat alam mo na!" Gigil si Abes.

"Hey, calm down."

Nakita ko ang mariin na pagtiim ng bagang ni Abes habang nanlilisik na nakatingin kay Anton. Now, I couldn't even look at him longer.

"Layana, I just want to tell you that I am deeply sorry. I crossed the lines. I'm sorry." He keeps on apologizing. I just nodded in the end and urge him to walk away. Bakas sa mukha ni Anton ang pagtutol pero umalis din ito.

"Inang iyon, tuli na ba iyon?" Angil agad ni Abes. "Parang hindi lalaki a."

"Hey, could you please come down?" Si Lene.

"Bakit? Kaibigan natin naagrabyado, Elene. Bakit  mahihiya tayo?" Halata pa rin ang inis kay Abes. Bumaling siya sa akin. "Saan ka hinawakan nun? Ano ginawa sa'yo?"

I pursed my lips. I just let him to nag me.

"Dapat sinampahan mo ng kaso ang lalaking iyon."

"Gugulo lang."

"Eh gago siya e siya iyong unang gumawa ng gulo e." Galit pa rin. Nanatili kaming tahimik ni Lene, nakikiramdam sa galit na si Abes. Soon after the long silence between us three, Abes took a deep breathe. "Pasensiya na. Ayaw ko lang kasi na hindi kayo natatrato ng tama. Tamo, pagkabalik na pagkabalik ko dito ayang video mo ang sumalubong sa akin tapos itong mga bahag pa ang buntot na gumulo kay Lene." He said softly.

Lene and I just let ourselves to listen to Abes.

"Kung itrato kayo ng mga gagong mga lalaki na iyan, parang ang baba ng tingin sa inyo. Babae kayo. Hindi babae lang. Di niyo deserve masaktan ng ganiyan."

I took a deep breathe. "I'm sorry."

Lene also apologized. "It was my fault. I dragged Layana in that bar. You know, I think naman we can handle ourselves but yeah, there's some people pa pala na can't handle their own."

"Lene, sumama ako kasi gusto ko."

"Hey," sumulpot din bigla si Hayes, sa tingin ko ay kakapasok pa lang nito. He caressed the back of my waist. "What is happening? What's with the commotion?"

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon