23

16.9K 295 47
                                    

Love

R-18.

"Si Eubert?" tanong ni Hayes kay Nanay Fina.

"Kakaalis lang, Hijo. May meeting daw. Pero ibinilin niya sa akin na kuhanin mo raw sa kwarto niya iyong naaprubahan niyang listahan ng bulaklak." Tumango tango si Hayes. "Let's go upstair."

Nginitian ko si Nanay Fina pero tipid na ngiti lang ang iniwan nito sa akin. Hindi tulad noon na chinichika pa ako nito, ngayon ay medyo ilag na ito.

Niyaya akong umakyat ni Hayes patungo sa kwarto niya.

"I'll just get your files," he said then kissed my cheeks.

Agad siyang lumabas ng kwarto, papunta ata sa kwarto ni kuya Eubert.  As usual, sa flower farm pa rin ako kumukuha ng supply. Mas dumami nga ang orders ko ngayong buwan dahil nakikita ng iba na kasama ko si Hayes sa pagdedeliver. Iba pa rin talaga hatak kapag gwapo e 'no. Handsome privilege.

Saktuhan naman ang pagtawag sa akin ni mama nang lumabas si Hayes.

"Hi, Ma!" bungad ko.

"Honey, where are you?"

"I'm with my Hayes, why ? What's the matter?"

Kitang kita mula sa kinatatayuan ko ang ilang kabahayan at malawak na hardin ng mga Espinoza. Berdeng berde iyon, halatang alagang alaga. Kapansin pansin din ang malakkng fountain gitna ng dulo ng garden at maging ang maliit na parang falls doon para sa mga Koi fish.

"Come home early, ah? Your dad wants to eat outside."

"Baka ayaw niya na po sa luto n'yo," biro ko.

May family gathering kami ngayong araw, sinadya ko lang na isingit sa oras ko ang pagpunta rito kay Eubert. Hindi ko naman na alam na wala siya rito ngayon. Nagbukas na rin kasi kamakailan lang iyong flower shop ko.

Napaigtad ako nang maramdaman ang pagpasok ng dalawang kamay ni Hayes sa bulsa ng aking pantalon sa harapan. Nilingon ko siya at ganon na lamang ang gulat ko nang mapagtanto na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Ginawaran niya naman ako ng isang malambot na halik pagkatapos ay muling sinenyas na ituloy ko ang pakikipag-usap kay mama.

"Hay naku, tinatanggihan niya ang magandang grasya."

Napatawa naman ako ng mahina. "I'll be there mom, kakausapin ko lang si Kuya Eubert."

"Oh, it's about ba sa flowers for your shop?"

Ipinatong ni Hayes ang kaniyang baba sa aking balikat. Naramdaman ko rin kung paano niya inamoy amoy ang leeg ko at nag-iwan doon ng mga halik. Tinapik ko naman ang kamay niya na ngayon ay nasa bulsa ko pa rin pero hindi siya tumigil.

"Y-yes ma."

Narinig ko ang matunog na pagngisi ni Hayes dahil sa pagkautal ko.

"Okay honey, just call me when you're about to go home na a."

"Yes, ma."

"I love you dear."

"I love you more."

Pinatay ko ang tawag. Bubulyawan ko na dapat si Hayes pagkaharap ko sa kaniya pero agad niya akong sinunggaban ng halik. Nanghina agad ang tuhod ko. Napakabanayad ng halik niya, nakakalasing.

He smiled between our kisses.

"Your list are here."

"Hmm."

Humabol  ang labi ko nang bahagya siyang lumayo sa  akin. "Inspect it."

"Hmm."

"Baby, stop making weird noises." Natatawa niyang pagsuway.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon