19

15.2K 310 76
                                    

Choose

"Sorry I'm late!"

Humahangos si Lene na pumasok sa restaurant sabay beso sakin. Umupo siya sa isang upuan sa tapat namin ni Hayes.

"Ang dami pa kasing pa-echos ng prof ko, sorry talaga."

"Ano ka ba, okay lang saka halos kakarating lang din naman namin," saad ko sa kaniya.

Thursday ngayon, kaninang tanghali pa ang uwian ko pero isinama ako ni Hayes sa pagbisita niya sa Coffe Farm.

Ipinakita niya sa'kin kung paano ang proseso ng paggawa ng kape mula sa pag-aani, sa pagpapatuyo, sa packaging at sa sistema ng deliveries. Matrabaho pala ng paggawa ng kape. Bilib ako sa mga farmers na nagti-tiyagang magtanim at magtrabaho doon.

"Order lang ako."

"Ako na Lene, mag-usap na kayong dalawa. Strawberry right?"

"Yes, yes! Thank you Layana."

Nginitian ko si Lene at dumiretso na sa counter para um-order ng juice. Binilhan ko rin siya ng isang slice ng cheese cake doon. Pabprito niya iyon e. Habang nag-aantay sa order ay nakita kong masinsinan na silang nag-usap ni Hayes.

Nagpadesign kasi si Hayes kay Lene ng interior sa ipapatayo niyang coffee shop. Iyong coffee shop kung saan niya ako unang dinala ay pagmamay-ari pala ng pamilya Espinoza but this time, gusto niyang magpatayo ng sarili niya.

As I look at them, I can't stop thinking about what happened when I told them that me and Hayes are now together.

"Congrats. Dalaga ka na nga," si Abes. Matamlay na lagi. Ani niya, lagi siyang pagod.

Alam kong normal na sa college ang walang pahinga pero parang sumobra ang kay Abes.

"Speed a. Gagi, hindi ko man lang naramdaman. Kateam ko pa iyan sa basketball a." Si Hugo.

"Kaya pala ganado magpractice lagi ang gunggong. Sa'yo pala nanggagaling ang gatorade!"

"Kapag inggit, pikit." Biro ko.

"Congrats, Layana. Kaya pala ayaw sabihin. Si Hayes pala iyong first love mo a!" Si Eka.

"Baka mabati e."

Hindi na natanggal ang ngiti sa labi ko sa buong magdamag na naglunch kami. But I'm quite worried about Lene at Abes since they are so quiet.

"Pagod lang. Dami kong plates e." Si Lene nang tanungin ko siya.

Tulad ni Abes ay tila problemado rin siya sa isang bagay. Hindi ko na siya inusisa pa dahil alam kong magkukusa naman si Lene na magkwento.

"Hoy, ikaw? Ano? Parang araw-araw kang sinsiping ng manok a."

He frustratedly close his eyes as if I said something sensitive. Problema nito?

Agad siyang inakbayan ni Migo. "Pasensiya na kayo dito sa tropa natin. Naghahabol ng grades e."

"Huh? May bagsak ka?" Si Hugo, puno pa ang bibig.

Abes let out a stressful sight. He force a smile. "Gagi wala iyon. May namiss lang akong activities sa terror kong prof."

"Ayan, kakaalis mo iyan e." Sisi ko sa kaniya.

Tipid lang siyang ngumiti ulit.

"Ano ba kasing pinag-aaksayahan mo ng oras sa Maynila?"

"Yeah right. Araw araw ka na roon a." Si Lene. "And, you look so tired. Why is that? Tagaytay is just few hours away from Manila a."

Pumagitna si Migo. "Guys, chill. May tinatayo kasing bagong branch mga SYS doon. Diba Adrielle?"

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon