37

26.9K 441 139
                                    

Docking

When morning came, I am feeling better compared last night. I gathered all my strength and look around my room. My medicine and food are placed above my coffee table but no sign of Hayes.

Of course he'll leave. There's no other reason why he need to stay here.

As I eat my food, I remember every single thing he told me. It was so loud and clear. Nawalan ako ng gana kumain dahil doon. There's something within me that wants to take us back but I couldn't get a hold of it. I don't know if it was just my guilt talking or I really want us back.

It was long overdue.

Bagaman nanghihina pa ay pinilit ko ang katawan ko pumunta sa kusina. It's almost lunch. I stopped walking when I saw my mom sitting on a high chair in the kitchen.

"Mama," pagtawag ko sa kaniya."You didn't call me."

Kailan pa siya lumuwas papunta rito? I was about to kiss her cheeks but she moved away. My burrows furrowed. Pabalang niyang inihagis sa ibabaw ng mesa ang ilang dokumento-patungkol iyon sa mga ari-arian ng mga Espinoza.

Kumalabog ang puso ko.

"Ipaliwanag mo ang mga iyan," she said coldly.

Nagtagal ang titig ko sa mga papeles. Hindi talaga tinanggap iyon ni Hayes. I told him, I did everything to return everything but he refused it. He said I deserve it because I worked hard for that. But deep inside, I intentionally dodged every opportunities that might come in their way. Ginawa ko ang lahat ng bagay na makakapigil para umangat sila o kahit umayos man lang kahit kaonti. Ng dahil sa galit ko, wala akong ibang nakita kung hindi maghiganti. Ang gusto ko lang ay mabalik sa kanila lahat ng sakit.

Pero sa kabila ng lahat ng ginawa kong iyon, wala pala sa tamang direksyon ang lahat.

"Layana!"

Napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni mama. Galit na galit ito at nagsisimula na ang pagtaas at baba ng dibdib. Umahon na rin ang kaba sa akin. Alam kong darating at darating ang tagpong 'to, na malalaman niya ang lahat pero bakit hindi pa rin ako handa?

"Bakit nakalaya ang taong iyon? Bakit nakalaya si Hayes? Ikaw ba ang dahilan kung bakit napasawalang bisa ang kaso ng tao na iyon?"

Umiling iling ako.

"Ibinalita lang sa akin ng kaibigan ko ang paglaya ng taong iyon. Ilang linggo na pala ang nakalipas pero bakit hindi mo man lang masabi sabi sa akin!?"

Gusto kong ipaliwanag nang maayos kay mama ang lahat pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Ano!? Nagkabalikan ba kayo?" she asked me as if I betrayed her.

"Mama, hindi po-"

"Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin? Bakit mo hinayaan na makalapit sa'yo ang mamatay tao na iyon? At dito pa talaga sa unit mo!? Hibang ka na ba? Layana, siya ang pumatay sa pamilya mo! Siya ang dahilan bakit wala na ang Papa at kapatid mo!" punong puno ng pagkamuhi ang boses nito.

It's like a trigger. My tears easily pooled in my eyes.

Ito na naman kami. Nahabol na naman ng sakit. Naabutan na naman ng nakaraan. Hindi na kami makaalis.

"Naabutan mo si Hayes? Nnakausap niyo siya? Mama, anong sinabi mo?"

Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nilang dalawa ni mama pero hindi ko maatim na isipin ang mga masasakit na salita na sinabi nito kay Hayes.

She look at me with displeased eyes. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Layana? Bakit parang mas pinagtatanggol mo pa ang taong iyon!"

"Mama, ano pong sinabi mo kay Hayes?" desperada kong tanong.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon