Chapter 01

1K 204 93
                                    

"Good evening, guys!"

"Good evening, Sir."

Kita ko ang mga ngisi sa labi ng mga kaklase kong babae. Mukhang pare-pareho kami ng iniisip. Sa sobrang busy namin sa pagsagot sa mga problema ng agham at matematika, nakalimutan na naming may puso kami. Ito na yata ang sign para muling buksan ang puso.

"By the way, I'm Engr. Patricio Cy. You can call me Sir Ricci and I'll be your instructor for Surveying subject. My reference is Elementary Surveying by Juny Pilapil La Putt. Kung gusto niyong pumasa sa subject na 'to, you must have scientific calculator. I recommend 991-ES para hanggang board."

Hmm, Engr. Patricio Cy. Noted, baby Ricci or I must say, baby boy.

Dami pang sinabi ni Sir hanggang sa discussion. Mukhang madugo ang subject na 'to, pero mukhang mas dudugo ang labi ko kakakagat.

Ang hot! Ang gwapo niya! The way he smile and his posture. Singkit, katamtamang tangos ng ilong, makapal na kilay, and I guest he is 5'8 or so. Mukhang nasa 4-5 years lang ang gap namin.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" usisa ni Joy.

"Ang gwapo ni Sir. Kinikilig ako!" I giggled.

Inilabas ko ang phone ko at kinuhanan si Sir ng picture habang nakaupo at binubutingting ang laptop niya.

"Hoy! Pinagnanasahan mo si Sir, ha!" tukso ng kaklase kong babae.

Nakita niya siguro ang ginawa ko pero ganoon din naman siya kanina. Remembrance lang naman ito.

"Ikaw din naman, ah? Nakita kita kanina."

"Oo na, 'wag ka maingay baka marinig tayo," sabay ngiti niya nang pagkatamis-tamis.

Parang ayaw ko na umuwi kaso alas-nuebe na. Kailangan na naming lumabas dahil nagsaway na ang checker. Palong-palo si Sir magturo, pero wala namang kaso. Nag-e-enjoy naman kami sa tanawin kahit hindi na pumapasok sa isip namin ang mga sinasabi niya.

Gusto ko na agad mag-Lunes kaso may exam pala kami sa Chemistry sa Tuesday. Ang hirap talaga noon. Para akong nag-iihaw ng sabaw.

"Sa library tayo?" si Les na katatapos lang magligpit ng gamit.

"Sige, pero kain muna tayo?"

Tambay lagi si Les sa library. Napakasipag talaga mag-aral at matalino rin. May love life pa. Sana lahat.

"Belle, kain tayo? Saan ka mamaya?"

"Sa library, Callie. Kasama ko si Les."

Ang daming tao sa lagoon ng ganitong oras, kaya nakisiksik kami sa mga estudyante. Malapit na rin kasi mag-lunch.

Pumwesto kami sa lilim. Maganda naman dito sa lagoon kaso marumi. Napabayaan na sa nagdaang taon. Inaayos nga ang kalahati. Nakakapang-hinayang na pinutol nila ang mga puno.

"May exam mamaya sa Calculus. Magr-review kayo?"

"Oo naman, Callie," natatawang sabi ni Les. "Tigas naman namin kung hindi."

"Palibhasa kasi kahit lagi kang absent, may nasasagot ka pa rin."

Totoo namang matalino si Callie. Ewan ko ba diyan kung bakit laging absent. Naka-dorm naman.

"Matutulog lang ako saglit sa dorm tapos papasok ako maaga para makapagbasa," si Joy.

Baka next month pa kami makalipat ni Les sa apartment. Nakakapagod din kaya bumyahe araw-araw kaya pinilit ko talaga sila mama. Noong una, ayaw nila akong payagan dahil delikado raw. Hindi na naman ako bata, kaya ko na sarili ko.

Glimmer of HopeKde žijí příběhy. Začni objevovat