Chapter 25

328 90 5
                                    

Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganito. Kung paanong ang simpleng pagkakagusto lang ay nauwi sa komplikadong sitwasyon. Wala akong ibang maaaring gawin bukod sa bumitaw. Umasa na sa mga darating na panahon, magiging maayos din ang lahat. Magtatagpo rin ang aming mga landas.

"Ricci, handa na ba ang gamit mo?" tanong ni tita habang nakasandal sa pintuan ng kwarto.

"Malapit na matapos, ma," sagot niya habang nagsasalansan ng hanger.

"Baka nagugutom na si Belle. Bumaba na kayo pagkatapos. Marami naghihintay na bisita sa baba."

Kinabahan ako sa sinabi ni tita. Hindi ko kilala ang mga inimbita nila sa farewell party. Nagulat lang din ako sa pakanang ito ng pamilya niya. Akala ko, simpleng handaan lang. Iyon ang sinabi sa akin ni Ricci, eh.

"Kabado," tukso niya nang mapansing tumigil ako sa ginagawa.

"Hoy, hindi kaya!"

"Halata nga."

"Sige, ipilit mo."

Bukas na ang alis niya. Walang araw na hindi kami magkasama. Pinipilit naming makipagkita sa isa't isa kahit busy kaming dalawa—ako sa eskwela, siya naman ay sa mga papeles niya. Halos dito na rin ako tumira sa bahay nila. Nagtataka nga sila Les, wala raw ako lagi sa apartment.

"Don't worry. Close friends and families lang naman ang mga nasa baba. Mapilit kasi si lola, eh."

Nagkapalitan na nga yata kami ng amoy lagi akong nakahiga sa kama niya. Kulang na lang nga pati damit niya ay suotin ko na rin. Nakakahiya na nga sa pamilya niya, kaso kahit si tita ay pinipilit akong dito na matulog.

In less than a day, hindi na kami magkikita o magkakausap. Walang kasiguraduhan kung ilang taon at buwan, wala ring kasiguraduhan kung mayroon bang babalikan. Ang lungkot lang isipin.

"Ricci," bati sa kaniya ng babaeng tingin ko ay kaedaran ng mama niya. "Nasa labas si Eliza, hinihintay ka. May sasabihin yata sa 'yo.

Maraming tao sa bahay nila. Tingin ko ay nasa bente mahigit ang mga bisita. May nagkukwentuhan, may gumagamit ng cellphone at ang iba naman ay kumakain.

"Bakit hindi po siya pumasok?"

"Ewan ko ba roon. Nahihiya raw sa 'yo. Parang wala kayong pinagsamahan kung umasta."

"Puntahan ko po mamaya."

Siguro nga, close talaga sila ni Eliza. Magkaibigan ba sila dati o ano?

"Ricci," agaw ng isa pang babae sa atensyon niya. "Pasalubong ko, ha?"

Natatawa siyang tumango. Ganito talaga kapag mangingibang-bansa, hindi ka pa nakakaalis, may nanghihingi na agad ng pasalubong. Hindi ka naman kinakamusta kapag nandoon ka na.

"Girlfriend mo?" tanong namang ng isa na nakaagaw ng atensyon ng marami.

"May maiiwan ka pala sa 'Pinas, Ricci," kantyaw naman ng tito niya. "Naku, mahirap 'yan!"

"Naku, special friend 'yan ni Ricci," malisyosang sabi ng mama niya.

"Special friend..."

Napakamot na lang ng ulo ang mokong, dahil pinag-trip-an siya ng mga kamag-anak. Sobrang awkward ng sitwasyon sa loob kaya nagpaalam muna akong lalaabas. Gusto ko munang magpahangin at pagmasdan ang buong lugar. Baka hindi na rin kasi ako bumalik dito pagkatapos nito. Baka ilang taon pa o baka hindi na talaga.

Unti-unting kumalat ang amoy ng sampaguita sa aking sistema. Ang mga halaman ni tita ay nagpapresko sa hangin ng paligid. Kapag nas-stress ako sa mga pinag-aaralan namin ni Ricci, dito ako tumatambay lagi habang kumakain ng ginataang bilo-bilo ni tita. Nakakalma ako sa simoy ng hangin at tanawin.

Glimmer of HopeOnde histórias criam vida. Descubra agora