Chapter 31

338 69 7
                                    

I'm stucked in the middle of opening my heart again and doubling its security. I am so tired of unclear intentions and false hope. Wala naman kasing pinatutunguhan ang mga ganoon. Mabuting maaga pa lang, turuan mo nang magkaisa ang puso't isip mo.

"Ako na ang maghuhugas," alok ko nang matapos kami kumain.

"Ako na. Bisita ka."

Niligpit ko na ang pinagkainan namin para hindi na siya makakontra. Siya na nga nagluto, siya pa maghuhugas. Ako naman ang nakaistorbo kaya ako na ang gagawa nito. Ayaw kong maramdaman na ibang tao ako sa kaniya.

"Maligo ka na lang. You're a lil bit stinky," maarte kong sambit.

Nangingiti siyang umiling saka pumasok sa kwarto. Nagpapatugtog ako habang naghuhugas kaya naaliw ako sa ginagawa. Iba talaga ang nagagawa ng musika Para akong bumalik sa nakaraan. Ganito rin kami dati kapag nasa bahay nila ako. Ako ang magliligpit ng mga papel na kinalat namin, pagkatapos niya akong turuan.

How I missed the old times. I wish I could still resume it. That's what my heart wants. Pero iba naman ang sinasabi ng utak ko, ayaw ko na nitong bumalik pa. Ayos na rin kasi ako sa estado namin ngayon.

Ngayon ko lang aaminin sa sarili ko, masaya pa rin ako ng nakikita ko siya. Sa araw-araw na dumaraan siya harap ko, hindi ko siya pinapansin pero nagwawala ang puso ko. Nakakahiya na ipinagtatabuyan ko siya, pero gumagawa pa rin ako ng paraan para makita siya. Parang tanga lang.

Can't count the years on one hand that we've been together
I need the other one to hold you
Make you feel, make you feel better
It's not a walk in the park to love each other
But when our fingers interlock, can't deny, can't deny, you're the worth it

I was never a fan of Paramore, but Ricci made me listen to their songs. He is a huge fan of them. Saka ko lang na-appreciate ang mga kanta nila noong umalis siya.

'Cause after all this time
I'm still into you

Kapag hindi mo na alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman mo, hayaan mong ang kanta ang magsalita para sa iyo.

I should be over all the butterflies but I'm into you, I'm into you
And even baby our worst nights
I'm into you, I'm into you
Let 'em wonder how we got this far,
'Cause I don't really need to wonder at all
Yeah, after all this time

"I'm still into you..." He then smiled at me.

I got my senses back, so I turned off the speaker. Normal bang makaramdam ng kilig kahit isang linya lang naman ang kinanta niya?

"Nakikinig ka pa rin pala sa Paramore."

"Medyo..."

Siya naman ngayon ang nagpatugtog. Para kaming mga ewan na nagkatititigan mula sa malayo. Ang awkward talaga kapag may patay na oras sa pagitan naming dalawa.

I rolled my eyes and asked him, "Inom?"

"Wala akong Chuckie ngayon," natatawang sabi niya. "Hindi ako ready."

"Tanga."

Inirapan ko siya at kinuha ang isang bote ng wine na nakita ko sa cabinet. Nagsalin ako sa dalawang flute glass at ibinigay sa kaniya ang isa.

"At kailan ka pa natutong uminom ng ganiyan?"

"After I got my license," mayabang kong sabi sabay angat ng baso. "Cheers."

We tossed.

"This must be a long night."

"That's for sure."

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now