Chapter 11

444 124 20
                                    

"Sino nga kasi 'yong lalaki kagabi?" pangungulit ni DJ.

"Lasing kami pero hindi kami bulag," segunda naman ni Carlito. "'Wag mo kaming ginagawang tanga ka."

Kanina pa nila ako kinukulit sa condo hanggang dito sa bahay. Ang kukulit ng mga hangal na ito. Pinipilit nila akong umamin sa nangyari kagabi. Sila lang dalawa ang kasama ko ngayon, dahil umuwi muna ang iba. Nag-aya pa kasi ng movie marathon mamayang gabi.

I rolled my eyes for the nth time. "I don't know what you are talking about."

"Ano 'yon? Random guy lang?" Ngumiti siya nang nakakaloko.

Alam ko 'yan! Gan'yan siya kapag kabatusan ang iniisip. Hindi ko alam kung bakit ko sila naging kaibigan. Maayos naman akong babae.

"Carlito, manahimik ka na, ah!"

It was his turn to roll his eyes. "Whatever. 'Wag ka papayag agad kapag inaya ka, ah?"

Hinampas ko siya ng unan kasi ang bastos ng mga lumalabas sa bibig niya. Kahit naman polluted na ang utak ko, hindi ko pa rin gagawin 'yon... kasi wala akong boyfriend.

Buti na lang ay nagdatingan na rin ang iba pa naming mga kaibigan. Napipikon na kasi ako sa dalawang itlog. As usual,  bumabaha na naman ng pagkain sa bahay. Buti na lang talaga may stock pa kaming softdrinks sa ref, kasi kung wala, baka naisipan na naman nilang maglasing. Alak is the new tubig.

"Horror ba panonoorin?" tanong ni Lassie.

"Ay, tulog ako niyan mamaya," sabi ni Biana.

Nagtawanan kami saka hinampas siya ng unan. Ramdam ko ang sakit kapag napapalakas ang pagtama. Lagi kasing natutulog kapag horror ang pinanonood namin. Huli naming napanood ay 'yong Wrong Turn VI. Sarap-sarap ng sigaw namin tapos siya, natutulog na pala.

"Tangeks, walang matutulog, Bia. Hambalusin kita ng bangko," banta ni DJ. "Huwag mo akong subukan!"

At ang kawawang Bia, hindi umubra sa bakla. Sa ayaw at sa gusto niya, manonood siya.

"Surrender your phones."

Inabot namin kay Echo lahat ng mga phone. Ganito kami lagi para maiwasan ang distraction. Iba ang time sa tropa, iba rin sa mga girlfriend at boyfriend nila. Kung sinong kasama mo, naroon dapat ang isip mo. Kumbaga, respeto na lang.

Nasa sofa kami ni Bimby, nakapwesto sa magkabilang dulo. Nasa lapag naman ang iba at nakahiga sa cushion. Ang sasarap ng buhay ng mga hinayupak. Bukas ang kalat niyan.

"Hoy, ang sarap nitong milktea," Sol commented. "Saan binili?"

"Doon 'yan sa bagong bukas—"

"Wala na akong naintindihan," masungit na sabi ni Avery.

Tinawanan lang namin ang kasungitan niya. Nag-uumpisa na kasi ang Ready or Not? tapos nag-uusap pa ang mga hangal na 'to.

"Shut up na, guys!" saway ni Carli.

Tutok na tutok kami sa TV dahil ang exciting ng mga nangyayari.

"Takbo!"

"Bilisan mo!"

"Nadapa pa!"

Sunud-sunod na mura ang narinig ko mula sa kanila. Kung maka-react sila, parang sila ang hinahabol sa palabas. Kulang na nga lang basagin nila ang TV sa inis.

"Sa likod mo!" inis na sigaw ni DJ.

"Ang bobo naman nito!"

"Ikaw na lang direktor!"

"Hoy, 'yan na!"

"Girl, tumakbo ka na!"

"Bad trip! Ang tanga!"

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now