Chapter 26

320 89 2
                                    

"Congratulations, batch Tanglaw! Binabati namin kayo!"

Sabay-sabay na nagsiliparan ang mga itim na graduation hat sa himpapawid. Umingay ang paligid dahil sa masigabong palakpakan, sabay-sabay na kantahan at matininding iyakan. May mga magkakaibigang nagyayakapan sa paligid at ang iba naman ay nagtatawanan.

Lesliana hugged me and I did the same. Joy and Callie joined us as we shared a moment of tears together.

"Hindi pa tapos ang graduation song," natatawa kong sabi. "Kumanta kayo."

Hindi nila ako pinansin sa halip ay binalot nila ako sa kanilang mga bisig. Ang hirap mag-college kapag walang mga maaasahang kaibigan. Glad, I found them five years ago. Hindi ko masasabing madali ang buhay ko, pero sapat na sa akonang may karamay kapag bumagsak sa exam.

"Congrats," napapaos na sabi ni Les habang nagpupunas ng luha.

Siya ang pinakamasipag at pinakamaaasahan sa amin. Laging maagap sa anumang bagay. Siya ang sumasagip sa araw namin kapag wala kaming ganang mag-aral.

"Hoy, 'yong make-up natin nasisira," saway ni Callie na nagpapahid ng panyo.

Si Callie naman ang pinakatamad pumasok pero nakakasagot sa mga exam. Puro tulog at laro lang ang ginagawa pero naka-graduate. May mga araw nga na sa sobrang stress niya, sa computer shop na siya inaabot ng umaga. Stress reliever, ika niya.

"Magkikita pa tayo," singit naman ni Joy. "Bakit ba kayo umiiyak? Nadadamay ako."

Si Joy ang pinaka-affectionate sa amin. Ang thoughtful niya at maalaga. Para talaga namin siyang kapatid. Siya ang nagdadala ng pagkain namin minsan kapag nakalimutan naming maghanda. Siya rin ang sumasagip sa amin sa attendance.

We took a lot of picture with our blockmates after the ceremony. Some were formal, wacky, and candid. Hindi mawawala ang mga biruan at tawanan kaya nagtagal tuloy kami.

Magkahalong tuwa at lungkot ang bumalot sa lugar. Tuwa dahil sa wakas unti-unti na naming nakukulayan ang mga pangarap. Lungkot dahil iba-iba kami ng landas na tatahakin. May iba namang sobrang saya dahil sa wakas, nakawala na sa mga blockmates niyang pabigat.

"Hindi pa tapos. May board pa."

"Saan pala kayo magr-review?" tanong ni Joy.

"Self-study," sagot ni Les.

Ganoon din kami ni Callie. Matagal kong pinag-isipan ito. Gusto kong magsarili. Kung papasa, ayos! Kung hindi, pwede namang subukan ulit.

Kaya ko naman siguro.

Limang taon akong nagpuyat, umiyak, at naghirap mag-aral. Dumating sa punto na puro kape na lang ang dumadaloy sa sistema ko. Kinaya ko naman at kakayanin ko pa para maabot ko ang titulong gusto ko.

"Parang kailan lang, nagwawala pa tayo kasi naroleta tayo ng prof," pagbabalik-tanaw ni Callie habang palabas kami ng complex.

Kung ang iba ang nagmamadali sa paglalakad, kami naman ay parang namamasyal lang. Binabalikan ang mga alaalang binigay ng Sintang Paaralan.

"Oo tapos bumagsak tayo sa exam," dugtong ni Les. "Surprise midterms, amp!"

"At napagalitan ng prof dahil natulog sa klase," natatawang sabi ni Joy. "Puyat pa more!"

"Hindi mawawala ang ambagan ng pagkain—kape ni Les, chocolate ni Callie, biscuit ni Joy at tinapay ko."

We looked so out of place. Nag-iiyakan pa rin kasi ang mga tao, samantalang kami ay nagtatawanan pang naglalakad sa hallway. Magkikita pa rin naman kasi kami pero hindi na madalas. Pero ang tunay na kaibigan, sa college mo lang talaga makikita. Swerte na lang kung elementary at high school ka pa lang, may tapat na kaibigan ka na.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now