Chapter 20

349 103 1
                                    

"Is this for real?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Tara na," aya niya sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan ko. The hotel looks like an old-fashioned castle, barricaded with ancient gate and towers.

"Ma'am, Sir, sunod po kayo sa 'kin," sabi ng babaeng staff ng hotel.

Pumasok kami sa isang engrandeng pintuan. Namangha ako sa pagiging detalyado nito. Halatang maingat at pinaghirapan ang pagkakalapat ng disenyo. Tingin ko ay gawa ito sa isang matibay at malapad na punong kahoy.

The huge chandelier at the middle of the mansion was stunning with its yellowish lights and golden polish.

Walang elevator o ano pa man, bukod sa engrandeng hagdan sa magkabilang gilid. Pakiramdam ko para akong prinsesa habang humahakbang sa mga baitang.

"Miss, mansyon ba 'to o palasyo?" kuryoso kong tanong.

The intricate designs of the hotel lookd so medieval, from the stoned walls and pillars at the hall.

Sobrang nakakamangha ang paligid pati na rin ang mga naririnig ko mula sa guide namin. Para akong bumalik sa lumang panahon.

"The palace was built on 1903 by the Bouchske Family, ma'am, an old-rich french name. They lived here for 8 decades until they had decided to get back to France, dahil namatay na ang mag-asawang Bouchske. Matagal na pong walang nakatira rito kaya naisip ng mga apo ng may-ari na ibenta na lang," paliwanag ng babae habang nililibot namin ang mansyon.

Para kaming naligaw ni Ricci at napadpad sa ibang lugar. Somehow, I found it creepy, pero mas nangingibabaw ang pagkabighani ko sa mga ito. Vintage things has their unique way of making my eyes twinkle.

"Kailan 'to naging hotel at sinong may-ari nito ngayon?" tanong ni Ricci.

"Nabili po ito ng Pilipinong hotelier. Pag-aari na po ito ni Mr. Felipe Romualdez. Year 1992 when he had decided to keep it antique and turned it into a hotel. May mga parte rin pong binago sa loob ng mga kwarto, dahil masyadong malaki ang mga ito."

Huminto kami sa pintuang detalyado ang pagkakadisenyo. Ito na siguro ang kwarto namin ni Ricci.

"Sobrang yaman po ng mga Bouchske, kaya nagmistulang bahay ng royalty ang disensyo."

Room 315

"Ma'am, Sir, sunduin ko po kayo mamayang alas-siete for breakfast," sabi nito at inabot kay Ricci ang susi at brochure.

Nagpasalanat kami sa kaniya at saka pumasok sa loob. Talaga namang namangha ako sa nakita.

"Where are we?"

"Somewhere in Batangas," sagot niya habang naglalagay ng tubig sa baso.

Kaya naman pala puro puno at halaman.

"Ang dami mong alam na lugar, ah?"

"Actually..." he trailed.

"What?" kuryoso kong tanong.

"Nakita ko lang 'to sa internet. I got curious, so..."

"And you invited me."

"Obviously."

Kumpleto sa gamit ang kwarto. May flat-screen TV, refrigerator na may wine at kung anu-ano pa, air-conditioned din ito. May tub ang bathroom na may division para sa toilet. May maliit na balkonaheng may mga halamang nakasabit.

"Expensive," kumento ko habang sinusuri ang paligid.

Natawa lang siya at nahiga sa kama. Mukhang matutulog ulit. Napuyat siguro sa excitement kaya ganiyan. Pero ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko na sa iisang kwarto lang kami mamamalagi.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now