Chapter 09

474 148 23
                                    

Buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. Busy kasi sa shop sila mama. Sobrang hands-on sila ni papa sa bake shop kaya kami ni ate Linda at James ang naiiwan sa bahay para mag-check ng feedbacks. Wala na akong ibang magawa bukod sa mag-browse ng social media accounts ko. Gusto ko na nga lang lumuwas sa Manila at ayain sila Avery mag-swimming, para naman may ganap kami ngayong bakasyon.

At timing naman ang message nila sa Messenger...

Peter: Wala ba tayong ganap diyan? Inuuod na ako sa bahay.

DJ: I miss you, guys! Rent tayo ng condo around Makati or Taguig?

Echo: Ang galante naman talaga.

Buti naman may magandang balita mula sa tropa! Ang boring talaga kasi ng mga araw ko. Ang bagal ng oras kapag walang ginagawa. Gabi na rin naman ngayon pero hindi agad ako nakakatulog. Baliktad na ang oras ko. Naging umaga na ang gabi dahil sa panonood ko ng kung anu-ano.

Lassie: Tara na! Ambagan.

Carlito: Game na agad. Wala nang plano-plano.

Belle Amethyst: Kailan?

Mukhang game ang lahat. Halatang wala ring pinagkakaabalahan sa buhay. Sasama ako, pambawi man lang sa pang-i-indian ko noong January at February. Matagal na rin naming planong mag-rent ng condo para makapag-relax, kaso lagi namang hindi natutuloy. Puro drawing!

Avery: Friday!

Sumang-ayon naman ang lahat kaya ayos na agad. Madali naman silang kausap basta wala silang gagawin. Makukulayan na rin sa wakas!

Carlito: Book na ba ako? Montereal Place, BGC. 2 bedrooms, kitchen na pwedeng paglutuan, may 64 inches flat screen TV at may subscription sa Netflix, May comfort room and bathroom na may shower. May ref and pwede ring magdala ng liquor. May gym at pool din sa area. Good for 10-12 pax.

DJ: Call. Ako na magbabayad. Two days and one night.

Si DJ na sa condo kaya kami na lang sa food. Napagkasunduan namin ang mga kakainin at kung sino ang mga magdadala. Patay-gutom pa naman sila kaya marami dapat ang dadalhin.

Peter: Bia, damihan mo 'yong shanghai, ah? Meron sa convenient store, ready to cook na.

Bia: Damihan mo 'yong itlog!

Si Carlito sa alak. Tuwang-tuwa 'yan panigurado. Malakas sa walwalan 'yan, eh. Akala mo naman hindi umiiyak at sumusuka.

As usual, ako ang sa pastries. Sasabihin ko na lang kay mama bukas. Mahaba pa naman ang bakasyon dahil Mayo pa lang naman. May panahon pa akong mag-puyat at gumising nang tanghali.

Ano pa kayang gagawin ko sa mga susunod na buwan?

Mag-a-out na sana ako kaya lang napindot ko ang search bar. Nasa recent searches ang pangalan ni Engr. Cy. Bigla tuloy nangati ang mga daliri ko. I-chat ko kaya? Wala namang masama, 'di ba? Wala kasing add button ang account niya. Dakila yata ito, eh.

Belle Amethyst: Hi, love.

Ang kapal ng mukha ko but whatever! Hindi naman siguro niya makikita dahil nasa message request. Ala-una na rin ng madaling araw kaya baka tulog na siya—

Patricio: Sino ka?

OMG! OMG! Paano ba kumalma? Hooh! Kinikilig ako pero ouch naman! Grabe naman 'yon. Pagkatapos akong pag-check-in ng mga papel, at saka niya itatatanong kung sino ako?

Pero kahit ganoon,  mas nangibabaw pa rin sa akin ang excitement at kilig. Ang bilis niya mag-reply. Grabe! Humahataw ang puso ko.

Belle Amethyst: No clues for you, honey.

Glimmer of Hopeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن