Chapter 21

319 103 4
                                    

Six months ago, my heart was steady. Sigurado ako na walang makakabihag nito kahit na sino, dahil pinatigas ito sa loob ng mahabang panahon. Itinatak ko sa isip ko na mag-aaral muna ako. But it turned out to be bluffed when my playful heart entertained the visitor. An ordinary man captured it and he made it his home.

In just a blink of an eye, he destroyed the wall I built since then. Pero wala akong pinagsisihan, dahil sobrang saya naman namin ngayon. At sa sobrang saya, natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lang maglahong parang bula.

Pwede pala magkaramdam ng takot at tuwa at the same time?

I couldn't stop myself from smiling kapag naaalala ko ang bahagi ng buhay ko na kasama ko siya. Napakahiwaga ng mga nangyayari. Para akong nasa loob ng isang panaginip.

"I like you."

It strucks me again and again. It is like a sweet melody to my soul. It is like an ice chilling to the bones. Just those three words were enough to fill my heart with happiness and enthusiasm.

"Sophomore na ako," masayang balita ko sa kaniya pagkatapos kong mag-enroll.

Nagkita kami sa isang mall. Niyaya niya akong mag-arcade dahil Sabado naman at pahinga niya sa trabaho. Pumayag ako kasi gusto ko rin siyang makita. Busy kasi siya nitong nagdaang linggo. May inasikaso yata sa trabaho kaya kahit weekends, hindi kami nagkakasama.

"Very good, baby girl."

He patted my head that made me laugh. Para kasi siyang sugar daddy dahil sa sinabi niya.

"What should I call you?"

"Hmm, baby boy?"

"Ang landi mo, Ricci."

"Nilandi mo kaya ako," sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

Naglalaro siya ng basketball pero nasa akin ang mga mata niya. Grabe, sharp shooter! Bigla tuloy akong kinabahan.

"Whatever, baby boy!"

Wala akong masabi kapag kinikilig ako. He has this ability to shut me up. Parang lagi siyang may paraan para hindi ako makabawi sa kaniya, kaya lagi akong natatako sa asaran.

"Hoy, talo! Ang daya mo kasi," pagmamaktol ko.

Pati sa laro namin, talo ako. Bukod sa nakaka-distract ang mga ngiti niya, magaling din siyang bumaril sa ulo.

"Bakit ako?" natatawa niyang tanong.

"Sabi ko, saglit lang. Wala nga akong bala."

Nagr-reload pa lang ang baril ko, sumusugod na agad. Parang walang gusto sa akin kung umasta. Hindi man lang ako pinagbigyan. Hindi talaga sweet. Wala bang sugar 'to sa katawan?

"Ang bagal mo lang talaga," nakangising bwelta niya. "Sa iba naman tayo."

"Dance revolution naman tayo," aya ko. "Wala kang pakisama."

Natalo niya na ako sa basketball kanina at special force, kaya tatalunin ko naman siya sa dance revolution. Hindi ako papayag na uuwi akong luhaan. Ako yata ang reyna ng pagpadyak.

Hindi ko mabilang kung ilang oras kami naroon. Ang bilis talaga ng oras kapag nag-e-enjoy ka. Magaling din siyang sumunod sa steps pero hindi niya ako matatalo.

"I won!" sigaw ko. "Sabi ko sa 'yo talo ka rito, eh."

"Pro ka yata, eh. Ayos lang naman kasi panalo ako sa ibang game," mayabang niyang sabi sabay untog ng noo ko sa braso niya.

"Ouch," maarte kong reklamo.

"Kawawa naman. Tara, ice cream?"

"Bet."

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now