Chapter 04

642 169 42
                                    

"Kamusta ang eskuwela?" bungad ni mama pagkauwi ko.

Bukas na ang alis namin papuntang Batangas kaya after ng klase ko ay umuwi na agad ako sa bahay. Gabi na, gusto ko na magpahinga.

"Buti pa 'yong eskuwela kinamusta mo, ako hindi."

Natatawa si papa sa gilid. Mana kaya ako sa kaniya. He could effortlessly make you laugh.

"Pilosopo ka, ha!" She pinched my leg.

"Ouch! Okay lang. Mukha namang ayos lang. Hindi lang ako sure sa Chemistry dahil tagilid ako sa unang quiz. Absent pa ako sa Friday kaya ewan ko. Mukhang okay lang siguro, mama," I sarcastically said.

Bakit ba kasi kailangan pang sumama ako? Hindi naman ako importante. Magpapayabangan lang naman sila roon ng pera. Nakakaumay.

"Kaya mo 'yan, Bella."

Lagi niya sa aking sinasabi 'yan, what if hindi? Hindi naman ako sobrang talino. Consistent honor student ako simula elementary, pero ibang-iba ang college.

Nagdaan ang Biyernes, na-enjoy ko naman ang beach outing. Pwera lang sa tanong ng mga kamag-anak ko kung may boyfriend na raw ba ako. Excited ba sila o ano? Taon-taon na lang. Wala pa nga sabi. Ang kulit.

"Belle, you just missed the 20 points seatwork," balita ni Les. "But it's fine. Seatwork lang naman."

Anong seatwork lang? Mahalaga kaya bawat puntos! Patay talaga ako nito. I need to exert more efforts pagbalik ko.

"Fudge! I really need to catch up."

"Enjoy ka muna diyan. Balitaan kita bukas sa Physics."

Stable naman ang mga activity ko sa Physics kaya hindi ako nag-aalala. Chemistry lang talaga. At hindi ko ma-enjoy itong bakasyon dahil sa sinabi niya.

"Thanks. Pahiram ako ng notes mo, ah?"

"No problem! Enjoy. 'Yong pasalubong ko pala," pahabol niya.

Masaya naman ngayong araw. Maganda ang beach rito sa Batangas. Fine white sand and crystal clear water. Sponsor yata ng mga kamag-anak ni papa. May mga pera kasi kaya afford ang kung ano pa man.

As usual, nagpapayabangan sila ng mga properties, money and all. Tahimik ang pamilya ko sa ganiyan dahil wala naman kaming maipagmamalaki.

"Kumain ka diyan nang mabuti para magkalaman ka naman," sabi ni tita Eli.

I'm so petite. I don't know why. Malakas naman akong kumain. Lahat talaga napapansin nila sa akin. Susme, gusto ko na umuwi.

"Nakaka-stress ba ang pag-aaral?" usisa naman ni tita Lena.

"Medyo po," tipid kong sagot.

I'm really not interested sa ganitong social gatherings. I just feel like people do not really care about me, they are just curious.

"'Wag ka muna magbo-boyfriend," bilin ni tita Eli.

As if namang may nagkakagusto sa akin. Susme, ang chaka ko kaya gaya ng sabi ng anak niyang si ate Jeni. Pero ano bang paki ko?

Mabuti na lang at mabilis lumipas ang mga araw para sa akin. Hindi ako gaanong close sa relatives ni papa. Hindi ko naman kaedaran ang mga pinsan ko. Kami yata ni James ang pinakabata sa magpipinsan sa side ni papa.

"Nag-enjoy ka, James?" tanong ko.

Pansin ko kasing lagi siyang nakatingin sa cellphone niya. Gaya ko, hindi rin siya interesado sa ganito.

"Medyo," suplado niyang sagot habang nakatutok sa cellphone.

Hindi talaga siya nakakausap nang maayos. Napakasungit na bata kaya ang sarap niya inisin.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon