Chapter 18

355 102 0
                                    

Just by walking side by side with someone special is enough for us to feel loved. No hold hands, no physical touch. Just the fact that you are with someone you love the most, is sufficient for you to feel delighted and secured.

We often cherish the gifts not because of its price, but because it's from someone important in our life.. The real value of it is based on who gave it.

"According to Google Map, 16-minute walk ang Fort Santiago mula rito," sabi niya habang nakaupo kami sa gilid ng isang unibersidad sa loob ng Intramuros.

Pinagmamasdan ko ang mga taong nagdaraan sa harap namin. May mga magkasintahang naglalambingan habang magkahawak ang kamay. May magkakaibigang naghaharutan habang nagkukuhaan ng litrato sa lumang pader ng lugar. Mayroon ding pamilya na namamasyal habang nagtatawanan. At syempre, may mga single na dinarama ang paligid. Solitude, ika nga. None other than you, the nature and the coffee.

Kanina pa kami naglilibot dito. Nag-picture sa kung saan-saan. Kumain ng calamares sa tabi-tabi. Ewan ko ba, pero napakasaya ko na kasama ko siyang gawin lahat ng iyon. Nakapunta na rin kami dati ng mga kaklase ko rito, pero hindi ako ganito ka-overwhelmed.

"About sa hiking," I opened up. "Kailan 'yon?"

Hindi ko makakalimutang inalok niya akong mag-hike. Gusto ko siyang makasama sa lahat ng adventure ko sa buhay. Gusto ko makapunta sa maraming lugar kasama siya. Anong silbi ng paghaharot kung wala namang gaanong memories?

"Are you in?"

"Yes!"

"I'll book a reservation on Sunday," he said.

"Really? That fast?" hindi makapaniwala kong tanong. "What about your work on Monday? Maghintay na lang tayo ng long weekend."

"Pwede naman um-absent."

Seryoso ba siya? Gagawin niya talaga 'yon para sa akin? I giggled at that thought. Pakiramdam ko sobrang espesyal ko sa kaniya. Nasusurpresa ako sa bawat araw na nakakasama ko siya. May ihuhulog pa ba ang puso ko sa taong ito? Makakaahon pa ba ako?

I felt so happy but I didn't mention it. I didn't want to spoil the moment, so I remained silent. I felt so content just by walking next to him. Swaying my hands back and forth, smiling from ear to ear. It felt surreal. Like in a blink of an eye, this might all vanish. At sobrang nalungkot ako sa naisip ko. But nevermind, I should be happy!

I should.

"We're here," sabi ni Ricci.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Para akong bata na napagbigyang mamasyal ng mga magulang niya. Parang isang ibong nakalaya mula sa hawla at nais maglakbay kasama ang mahal niya.

"Nakakapagod," reklamo ko.

"Pero kahit gano'n, nakarating ka pa rin sa pupuntahan mo."

"May dulo pa rin ang lahat." Ngumiti ako ng hilaw.

Ginulo niya ang buhok ko saka sinabing, "Tara na nga!"

Iwinaksi ko sa aking isip ang ideyang matatapos din ang lahat ng ito. I want to seize the night with him. I want to make lots of memories with him. Dapat enjoy-in ko lang ang araw.

"Look how awesome is this!" manghang sabi ko habang naglalakad kami sa abandonadong structure.

Parang simbahan noong unang panahon. Giba-giba na ito pero halatang maganda ito noon. Ang sarap siguro mabuhay sa nakaraan. Bukod sa matibay ang pundasyon ng mga istruktura, matibay din ang pundasyon ng relasyon. Para kasing ang dalisay ng pag-iibigan ng mga tao noon. Ngayon kasi sobrang babaw na lang ng kahulugan ng pag-ibig. Wala man lang spirit of waiting, lahat minamadali.

Glimmer of Hopeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें