Chapter 24

312 96 2
                                    

Act normal, pilit kong pinapasok sa sarili ko. Kahit kaunting-kaunti na lang ay madudurog na ako. Para bang isa akong kriminal na naghihintay mahatulan, dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Inhale. Exhale.

And there, I saw him. Standing under the lamp post with his both hands in his pockets. I wanted to run and hugged him tight. But I kept reminding myself not to and stay sane, even though his posture was driving me crazy.

"Ricci."

And...

"I miss you," he whispered on my ear while pressing me to his body.

How could I let him go if he's like this?

Siya na rin ang bumitaw sa yakap dahil hindi ako gumagalaw. It disappointed me how he apologized for hugging me when in fact, it gave comfort to my sad soul. Ilang linggo lang naman iyon, nangulila na ako agad. Paano pa kaya ang ilang taon?

"It was just... I missed you," saad niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Hindi na ako nagsalita at sa halip ay ngumiti na lang. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko o kung saan ako magsisimula. Kung tama mang gawin ito, bakit parang ang sakit naman?

"Kumusta?" tanong niya.

A long awkward silence enveloped us. Hindi ko alam kung paano sasagutin. Hindi ito normal na araw para sa amin. Usually kapag nagkikita kami, wala pa mang ganiyang tanong, nag-uumpisa na kaming magkwento.

Umupo kami sa balcony ng isang coffee shop sa Roxas Boulevard. Wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Nakatingin lang kami sa pagkaing nasa harap namin at sinusubukang tantyahin ang sitwasyon.

The smell of coffee woke the pleasure in me and it made me calm. The view of the sunrays reflecting to buildings and water looked so magnificent. Ito ang paborito kong oras—ang paglubog ng araw.

Dito ba talaga namin tatapusin ang lahat? Bakit ang ganda naman yata ng wakas?

"I have to tell you something," basag niya sa katahimikan.

Tumingin ako sa kaniya at hinintay ang nga susunod na sasabihin niya. Umihip ang panghapong hangin at kita ko kung paano lumipad ang kaniyang mga buhok. How gorgeous.

"May promotion na naghihintay sa akin sa Canada."

I knew it.

"Pangarap ko 'yon, matagal na, pero—"

"Ayaw mo," putol ko sa sasabihin niya. "Dahil sa akin."

"I thought I was ready for it–"

"No, you are ready."

"Hindi pa tayo nagsisimula—"

"Ricci, look! Bata pa 'ko. Marami pa 'kong gustong gawin. Huwag mo naman akong ikulong sa 'yo!"

Mali, dahil ang totoo, sobrang malaya ako kapag kasama ko siya. Nagagawa ko ang lahat ng kahit anong gusto kong gawin. Magkamay sa hapag, umakto na parang bata at marami pang iba. Pero kailangan ko itong sabihin... para sa kaniya, para sa akin, para sa aming dalawa.

"At sa tingin mo ba magiging masaya ako kasi kasama kita, at tinanggihan mo ang trabahong matagal mo nang gusto? Ricci, no! Gusto mo bang magsawa ako sa 'yo?"

Kita ko ang gulat sa mukha niya. Naghintay ako ng kahit anong salita mula sa kaniya, pero nanatili siyang tikom. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, dahil nakatingin lang siya sa akin,  miniisip siguro kung ano ang tamang gawin o sabihin. He is not indecisive, pinag-iisipan niyang mabuti ang lahat ng bagay.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon