Chapter 33

315 61 3
                                    

"Belle, pinatatawag ka na sa lobby."

"Thanks, George."

Katatapos lang mag-lunch at mukhang tutulak na kami sa site. Nakakatuwa dahil isang relasyon na ang naisara ko. Para bang gumaling na ako sa trauma na idinulot niya. Ang sarap sa pakiramdam!

I smiled at the thought of Dante. I wished him luck kasi marami siyang haharaping kaso.

"Engr. Engracia, you ready?" salubong ni Engr. Protacio.

"Yes, Engr." nakangiti kong sagot.

"'Yan na pala si Engr. Cy," puna ng isang inhinyerang makakasama namin.

Balita ko ay bubuo ng panibagong team para sa mansion ng mga Lacson. I am hoping na magiging parte ako ng team. Kung sakali, ito ang una kong project sa tanang buhay ko.

Sumunod na ako sa kanila papuntang parking. Sasabay ako sa van ng company dahil ayaw kong makasabay si Ricci. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kanina. Umaga pa lang pero 'yong mga nangyari, pang-maghapon na.

"Belle."

He grabbed my arms when I was not giving him my attention, but I immediately took it back.

"'Wag mo 'kong hawakan," mahinang sabi ko, ayaw kong mag-eskandalo.

Naiinis ako sa kaniya at kay Eliza. At kahit walang kasalanan ang bata, naiinis din ako sa kaniya. I feel betrayed.

"Naku, Engr. Cy," kantyaw ni Engr. Protacio. "Engr. Engracia, sabay ka na lang sa akin."

"No, thanks!"

I waved my hand before going inside the van. I can't stand being with someone else except him. But once again, he failed me.

Tatlo lang kami sa loob ng van kasama ang driver. Pinili ko na lang na hindi kausapin ang inhinyera, dahil wala ako sa mood.

"Engr. Cy broke someone's heart again?" she asked. "Well, he has a girlfriend and a daughter. He was my boyfriend before he flew abroad, by the way. Medyo swerte ako kasi nauna ako sa kaniya."

I couldn't believe these girls who kept bugging me because of Ricci. Unbearable yet entertaining. Nakakaloka ang mga ganap nila. Kayang-kaya nilang ibaba ang sarili nila para lang masabing angat. Gross.

"He had a girlfriend before he flew abroad, that's Eliza, his wife. They separated, I don't know why, maybe you were the reason, huh? So you were the third party?" I taunted. "You know what? Relationship is only for two. Hindi ka siguro marunong magbilang kaya sumawsaw ka?"

I enjoyed her reaction. Her fair complexion turned into pale red. Mukha na siyang bubuga ng apoy. Ganiyan ang napapala ng mga mahilig gumawa ng kwento. Kapag ginawan mo naman ng kwento, iiyak.

"I—"

"Don't talk too much. Keep it to yourself. Engineer ka pa naman pero hindi ka marunong magbilang."

Sa isip-isip ko, malakas akong tumatawa. Nakarating kami sa site nang matiwasay. I was never a fan of cat fights, so I'm glad that she didn't argue with me more.

"Grabe talaga ang nangyari," komento ng inhinyera.

She looked normal. Parang walang nangyari kanina. Artista ba siya?

"Kaya pala gano'n ang reaksyon ni CEO," dugtong ni Engr. Protacio.

Nakamasid lang kami ni Ricci sa lugar. Sobrang gumuho ito at hindi na makilala ang original na disenyo. Mabuti at dalawang palapag pa lang ang nagagawa.

Nagsuot kami ng hard hat at ininspeksyon ang lugar. Basag ang mga glass wall at nagkalat ang mga ito sa sahig. Ang kalahating bahagi ay tuluyan nang nawasak dahil sa lindol. Hindi na rin kami umakyat sa taas dahil sa mga crack na nakita namin sa hagdan.

Glimmer of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon