Chapter 22

319 100 2
                                    

"Hi, hija. Kumusta? Tagal mo bago dumalaw," salubong sa akin ng mama niya. "Halika, pasok. Marami tayong pag-uusapan." She kissed me on the cheek and guided me towards the kitchen.

"Ayos naman po, tita. Medyo busy lang sa school. Kayo po?"

"Mabuti rin naman. Naku, hinahanap ka ni mama. Gusto niya makakita ng bagong mukha. Puro kami na lang kasi lagi ang nakikita. Nauumay na siguro."

Natawa kami ni Ricci nang bahagya dahil sa kwento ng mama niya. Matanda na rin kasi si lola kaya siguro hindi na gaanong nakakalabas.

"Belle, apo, nandito ka," bati ng lola niya at niyakap ako. "Ang tagal mong bumalik."

Napahalakhak kaming lahat dahil sa gigil ng pagkakasabi niya. Nagawa niya pang pisilin ang braso ko.

"Kamusta po kayo?" tanong ko.

"Ayos naman ako. Buti napadalaw ka rito."

"Opo, thank you po sa pag-imbita," sagot ko. "May dala po pala akong moist cake."

Dalawang flavor ang dinala ko para magpa-impress sa pamilya niya. Gusto kong sumipsip para naman mabango ang image ko sa kanila. Nararamdaman ko kasing sila na ang magiging in-laws ko.

"Nag-abala ka pa, hija," sabi ni tita.

"Naku, ayos lang po. Si mama po talaga ang nagpadala niyan."

Piningot pa ako noon kanina, dahil nakita niyang puro softdrinks at chocolates ang laman ng ref namin. Nakaka-stress kaya mag-aral. Kailangan ko ng something sweet para umusad ako.

"Kumain ka nang marami," bilin niya pa.

Nahulog ako nang sobra sa warmth na ipinararamdam ng family ni Ricci. Kagaya ko, napaka-family oriented din ng taong ito. Kahit hindi ako madalas dito, pakiramdam ko ay sobrang malapit namin sa isa't isa. Kailanman, hindi ko naramdamang ibang tao ako sa kanila.

"Alam mo ba, hija, sobrang mahal ko iyang si Ricci," sabi ng lola niya.

Nakaupo kaming dalawa sa balcony. Naiwan kami rito dahil gusto akong maka-bond ni lola. Sa totoo lang, sobrang kinakabahan ako kapag siya ang kaharap ko. Hindi ko alam kung anong kilos ang gagawin. Ayaw kong magkamali lalo na sa kaniya.

"Lagi niya nga pong sinasabi 'yon sa akin," nakangiti kong sagot.

"Lumaki siya sa puder ko kaya nakapa-soft ng bata na 'yan. Sobrang lambing."

Ganito siguro ang mga lola. Sobrang mahal ang kanilang mga apo. Para bang handa silang gawin ang lahat para sa mga ito. Iba ang comfort na ibinibigay nila sa atin. It is ten times different from anyone.

"Bata pa lang siya, gusto niya na talagang maging engineer. Sinuportahan ko hanggang sa makamit niya ang lahat ng iyon. Nakakatuwang makita na isa na siyang ganap na inhinyero."

Nakikinig ako habang nagkukwento siya. Ayaw kong patakasin ang kahit anong salita na binibigkas niya. Gusto kong marinig ang lahat ng tungkol kay Ricci.

"Hanggang ngayon, nandito pa rin ako para suportahan siya. Gusto kong makuha niya lahat ng gusto niya. Malakas pa ako at gusto kong makita ko pa siyang umaangat mula sa pawis na ibinibigay niya sa trabaho."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Sa puntong iyon, alam kong may nais siyang ipahiwatig sa akin.

"Mga bata pa naman kayo. Nag-aaral ka pa. Marami pang panahon para sa pag-ibig. Hindi naman kayo nagmamadali, hindi ba?"

Pinagpapawisan ako kahit mahangin naman dito, dala ng kaba at gulat. Hindi ko alam kung saan pupunta ang usapan na ito.

"Lola, naku, hindi po," natatawa kong sabi.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now