Chapter 35

313 59 0
                                    

Isang linggo nang hindi nagpapakita sina Apple at Roby sa office. Pagkatapos mag-bar, absent sila lagi sa trabaho. I tried to contact them, but they were both unresponsive. I am a bit worried for them. Usually, nagsasabi sila sa akin kapag hindi sila pumapasok.

"Kain," nakangiting alok ni Mitch.

Tinanggap ko ang pagkaing ibinigay niya at nagpasalamat. Siya lagi ang kasama ko sa site kapag may ibang ginagawa sina Ricci at Andrew. Good thing, madali siyang pakisamahan. Malayong-malayo siya sa unang Mitch na nakasalamuha ko.

"Ang bilis kumilos ng mga tao. Ang dami na agad nating natapos," puri niya habang nag-aayos ng pagkain.

"Ganiyan talaga kapag natututukan."

Busy ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Tapos na naming tingnan ang paligid kaninang umaga. Unti-unti nang naitatayo ang pundasyon kaya pursigido kaming tumulong sa mga tao.

"You know what? I was a model before, but I gave it up dahil sa utos ni daddy. It turned out well naman. I like my job na," nakangiting kwento niya.

Sinong mag-aakala na ang babaeng ito ay marunong humawak ng pala at martilyo?Para siyang anghel sa paningin ko. Hindi na rin ako nagtaka na isa siyang modelo, dahil sa itsura niya. Heart-shaped face, makapal na pilik-mata at kilay, matalim na mga mata, matangos na ilong, manipis na mga labi, at malalim na dimple sa magtabilang pisngi. She got the 3b's— body, beauty and brains. Napaka-flawless niya at wala talaga akong maipintas.

"And I'm sorry nga pala noong unang araw na nagkita tayo—"

"Forgiven, no worries," putol.

I handed her a bottle of water. I understand everyone's hardship, though sometimes, it really makes me mad when someone treats me bad. But all feelings are valid, for me.

"No, Belle, kasi..."

"What?"

"I was just joking that time. I sensed na may lover's quarrel kayo, so..."

Inirapan ko siya saka mahinang hinampas sa braso. "Well, you're a great actress."

"Really?"

I nodded. "Yeah."

"My dad told me na walang pera sa entertainment. Kapag nalaos ka, wala ka na ring kikitain," malungkot na sabi niya. "I want to be a top model, but also want a recognition from daddy."

"Nakuha mo naman ba?" tanong ko.

"Yup, when I graduated."

"Are you happy?"

"Oo naman, Belle. Ang sarap kaya magbuhos. By the way, Ricci is such a nice man. I was once lost on his eyes. Pero dati pa 'yon, before he left."

Makahulugan ko siyang tiningnan. "What about Andrew? Do you like him?"

"He's good."

Napangisi ako sa sinabi niya. Masaya siyang kasama. She might look aggressive, pero mahinhin talaga siya. Isa siya sa maraming tao na nakaranas ng pressure sa pamilya. Glad, my family isn't like that.

"Akala ko naglaho na kayo ni Apple?" bungad ko kay George nang makita ko siya sa office. "One week kayong walang paramdam, why?"

"I was sick," he manly said.

There was something new to him, but I couldn't figure it out. Naninibago lang siguro ako dahil wala sila sa nagdaang linggo.

"George, approved," Ricci approached. "Best of luck, man."

He handed him some papers. They even did a brotherly hug. Weird.

Out of curiosity, I grabbed the papers and read it. Namilog ang nga mata ko sa nabasa. "Resignation letter?" nagtatakang tanong ko.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now