Chapter 19

323 103 2
                                    

Totoo ngang mabilis lang ang panahon kapag masaya ka. Parang kulang ang isang buong araw upang namnamin ang sarap na nararamdaman mo. Ang isang buong araw ay parang isang oras lang talaga.

"Handa na po ako!" masigla kong sabi nang makitang palapit siya sa akin.

I was waiting outside our house dahil sabi niya, susunduin niya raw ako. I was excited that I waited outside, kahit pwede namang sa loob na lang ng bahay namin.

Inabot ko sa kaniya ang isang black na tumbler na may nakalagay na "Ricci", gamit ang gold na sticker at may lamang kape sa loob. Kapareho ito ng tumbler ko na "Belle" naman ang nakalagay. Parang couple thing lang.

"Kanina ka pa rito?"

"Medyo."

"Bakit dito ka naghintay? Malamok."

Imbes na sumagot, tumitig lang ako sa kaniya. He looked so handsome with his black plain shirt and maong pants. We looked like a couple with our timberland shoes. Bukod pala sa tumbler, couple shoes din kami.

"Stop staring," saway niya.

"Ang gwapo mo, eh!"

Napaismid ako. Ang prangka niya rin talaga kapag nakikita niyang uhaw ako sa kaniya, sinasaway niya ako. Naiilang siguro o nac-creepy-han sa tingin ko.

Hindi ko naman siya iinumin.

"Shall we?"

Tumango ako saka nag-umpisang maglakad. Madilim pa ang paligid dahil alas-tres pa lang naman. Ang tanging naririnig ko lamang ay tunog ng mga sapatos namin, kaluskos ng mga dahon sa nagsasayawang mga puno at halaman, pati ang tilaok ng mga manok hudyat na oras na ng iba para gumising at magtrabaho.

"'Yong mga pinadala ko—"

"Alam mo, para kang si mama," putol ko at binilisan ang paglalakad. "Halika na. Baka maiwan tayo ng van!"

Sumunod naman siya sa akin pero kinulit niya ako nang kinulit. Nadala ko na naman lahat ng kailangan. Pinagtatawanan niya rin ako, dahil sa mga pinagsasabi sa akin ni mama.

"Ma, mamumundok ako," paalam ko kay mama nang umuwi sila sa Manila.

Hindi na kasi kami nakakauwi ni James sa Bulacan dahil hassle, kaya sila na lang ang pumunta sa amin.

"Ano? Pinag-aaral kita nang maayos, Belle Amethyst!" galit na sabi niya.

Sinabi ko bang hindi? Gara ni mama.

"Aakyat lang ng bundok, anong connect no'n sa pag-aaral ko?" tanong ko.

"Sabi ko sa 'yo, 'wag ka diyan sa unibersidad na 'yan. Tingnan mo, nahikayat ka na mamundok at—"

"Ma, hindi ganoon," putol ko. "Iba naman 'yang sinasabi mo."

People oftenly stereotype the culture of our university. They believe that the school I belong to, produces lots of activists and such. Nakakalungkot lang na ganoon ang tingin nila sa amin. At kahit naman magsunog kami ng maraming bangko at mag-rally araw-araw, magp-produce pa rin naman ng mga topnatcher ang paaralan. Hindi naman iyon sa pagrerebelde sa gobyerno, ipinaglalaban lang nila ang karapatan natin bilang mga tao.

"Ma, labas ang school dito. Mamamasyal lang ako," inis na sabi ko. "Napaka-judgmental mo naman."

Wala akong balak sumali sa mga rally. I have classmates who joined at legitimate organization and they were fighting for the rights of every Filipino. I only wanted to support them—silent but definitely not blind. Mulat ako sa mga nangyayari.

"Ayos lang namang mag-rally ka, anak, basta mag-ingat—"

"Mamamasyal nga lang ako," ulit ko.

Natatawa siyang umiling. Kilala ako ni mama at alam niyang mulat ako sa mga bagay-bagay. Para saan pa't doon ako nag-aral kung magiging bulag ako sa isyu ng lipunan.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now