Chapter 13

410 111 2
                                    

"Bella!"

Hindi ko mabilang kung pang-ilang sigaw na ni mama ito sa akin. Ayaw ko pa nga kasing bumangon. Gusto ko pa matulog.

"Bella, tanghali na! Aalis tayo bukas! Hindi ka pa nag-aayos ng gamit!"

Bukas pa naman 'yon. Pwede namang mamaya na lang.

"Ma, mamaya na lang. Gusto ko pa matulog," inis na sabi ko at nagtalukbong.

"Bella, ewan ko sa 'yo!" pagsuko niya at lumabas na rin ng kwarto ko.

Pinilit kong matulog ulit kaso ayaw na talaga, kaya napagpasyahan ko nang bumaba na lang. Walang ibang tao sa baba bukod kay ate Linda. Busy siguro sa bake shop.

"Ate, kumain na po kayo?" tanong ko habang naghahalungkat sa lamesa.

"Oo, alas-tres na kaya. Ayos na ba ang gamit mo? Gusto mo tulungan kita?"

"Ako na lang mamaya, ate. Three days lang naman kami sa Pangasinan, eh."

Nakiupo pa siya sa akin sa lamesa habang kumakain ako. Kwento lang siya nang kwento ng kung anu-ano. Nakakaaliw din talaga si ate. I found a sister in her.

"Ate, wala kang balak bumalik sa college?" kuryoso kong tanong.

Isang taon pa lang sa amin si ate Linda. Mahirap lang naman kami kaya hindi afford kumuha ng yaya. Kaso nga noong dumating si tita Donna, tinulungan niya sila mama sa business. Nakaahon kami sa hirap kahit paano.

"Wala naman akong pera at saka nagpapaaral ako ng mga kapatid. College na naman 'yong isa next year."

"Working student. Sasabihin ko kila mama—"

"Naku, 'wag na," putol niya sa sasabihin ko. "Ayos lang naman ako sa pagiging katulong. Hindi naman mahirap ang ipinagagawa ng pamilya mo."

"Boyfriend?"

Nasamid si ate girl sa sarili niyang laway. Hmm, something's fishy. Siguro may napupusuan siya rito. Noong nasa Manila, nagkikibit-balikat lang siya, pero ngayon ay may reaksyon na.

"Ano ka ba naman?" nakairap na sabi niya. "Nagpapaaral pa ako ng mga kapatid."

Kinulit ko pa siya nang kinulit pero wala siyang sinabi. Sa totoo lang, matalinong tao si ate Linda. Maganda rin siya kaya ewan ko kung bakit wala siyang boyfriend. Nabanggit niya rin sa akin na gusto niyang maging manager noon, kaso nga hindi siya nakapag-college. Namatay na kasi ang parents niya kaya walang tutustos sa kanila. Ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak niya.

"Basta kapag gusto mo talagang mag-aral, sabihan mo ako, ate. 'Wag ka mahiya."

"Oo naman," nakangiti niyang sabi.

Alam kong gustong-gusto niya pero ayaw niya lang dahil sa mga kapatid niya. I see potentials in her when it comes to managing things. Napaka-organize niyang tao. Bata pa naman siya kaya marami pang panahon. Hindi naman minamadali ang lahat.

At dahil nga nagkaroon na ng oras sila mama, magbabakasyon kami saglit sa Pangasinan. Si ate Linda muna ang bahala sa bahay at pati sa pagc-check ng mga feedbacks. Gamay na naman ng mga bakers at tindera ang mga ginagawa sa shop kaya sila na ang binilinan ni mama.

"Three days lang tayo roon, ate," sabi ni James na parang nanunuya sa paraan ng pagtingin niya sa dala ko.

"Alam ko," masungit kong sabi.

"'Yong dala mo parang pang-isang linggo," pang-aasar niya. "Para ka kang mamumundok."

"Tanga, syempre!"

"Linda, ikaw na na bahala. Bisitahin mo ang shop. Ang mga pinto at bintana kapag matutulog ka, i-check mo kung naka-double lock. Mag-ingat ka rito," bilin ni mama.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now