Chapter 34

314 66 4
                                    

"Satisfied?" tanong ni Apple.

Tatlong botique na ang napasok namin. She bought me some tops and pants. May crop tops, spaghetti straps and long tees. Binilhan niya rin ako ng pantulog para sa overnight namin.

I placed my pointing finger on my cheek and said, "Not yet."

Hawak ni George ang ilang paper bag ni Apple at matikas na nakatayo sa tabi ni Ricci. Kung hindi magsasalita si George, hindi mo malalamang bakla siya dahil sa pustora niya. Lalaking-lalaki siya kung manamit at kumilos. Kinikilabutan ako sa kaniya ngayon.

"Girl," angal ni George. "Hindi ka ba nahihiya? Kanina pa nakasunod sa atin si Engr. Cy. Ang kapal naman ng mukha mo."

He looks bored but I don't care. Siya naman ang sumama. Hindi naman siya inaya kaya problema niya iyan. Magtiis siya kung gusto niya.

"Pauwiin mo."

Pinisil niya ang braso ko. "Bastos kang bata ka!"

I flinched. Ang sakit kaya! Palibhasa matigas ang katawan niya!

"So, what else do you want?"

Nagkakamot si Apple habang may sukbit na tig-tatlong paper bag sa magkabilang braso. Kung magastos ako, mas magastos siya. Palibhasa, lumaki sa mayamang pamilya.

"I need a new shade of lippy."

Hindi na siya nagreklamo, sa halip ay nagmamadaling maglakad patungo sa paborito niya raw na cosmetic shop.

"Girl, ang mahal dito!" I shrieked.

As much as I want to be threated, ayaw ko naman ng sobrang mahal gaya nito. Halos makita ko na ang salary ko sa mga presyo, eh.

"Ako ang bahala. Pumili ka na."

Nangingiti ako sa tuwa. "Sure ka?"

Tumango siya kaya hudyat iyon para pumasok at magkalkal. I tried everything in red. At nang ma-satisfy, binayaran niya lahat ng napili ko.

Mahigit dalawang oras yata ang inilagi namin sa mall. Kumain na rin kami sa Italian restaurant around BGC, bago nagpasyang pumunta sa club.

Sinalubong kami ng usok, maingay na tugtugan, neon lights at amoy ng alak. Pagpasok pa lang namin, marami na agad ang bumati kina Apple at George. Halatang suki sila ng bar na ito. Dahil nga inom na inom na ang dalawa, mabilis nilang binati ang mga tao at dumiretso na sa table na pina-reserve nila para sa aming apat.

"Iinom ka?" tanong ko kay Ricci na tahimik lang sa tabi ko.

"Iinom ka?" tanong nito pabalik.

Tumango ako nang sunud-sunod, dahil balak ko talagang magpakalunod sa alak. Sobrang na-stress kaming lahat nitong nagdaang linggo, we all deserve a toss of rest.

"Hindi ako iinom gaano kung ganoon."

"Why?"

"Walang magbabantay sa inyo."

"Malakas 'yan si George."

"Kahit na."

"Okay, bahala ka."

Nilagok ko ang unang basong inabot sa akin ni Apple. Naramdaman ko agad ang init nito na dumaloy sa aking lalamunan. Kumalat ang pait sa bibig ko kaya agad kong kinagat ang lemon.

"Ricci," bati ng lalaki sa katabi ko. "Long time no see, p're."

"P're, nasaan sila?"

Hindi na ako nakinig sa usapan dahil mukhang colleague niya ang lalaki. Busy ako sa pag-inom ng kung anumang i-offer sa akin ng mga katabi ko. Gusto kong uminom nang marami.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now