Chapter 06

563 160 38
                                    

"James, may doughnut sa ref. Baka gusto mo kumain?" tanong ko.

Alas-tres na kasi at kauuwi niya lang galing school, naka-uniform pa. Mukhang wala siya sa hulog para magsalita. Pagod siguro.

"O gusto mo ba magpa-deliver ako ng milktea?" pangungulit ko pa.

"Sige!"

Biglang nagliwanag ang masungit niyang mukha. Itong bata na ito, parang pinaglihi sa sama ng loob. Laging masungit. Nakasimangot lagi ang mukha.

Nagpa-deliver ako habang nagbibihis pa siya sa taas. Nakakatuwa rin ang batang 'yon. May sense of leadership. Lagi ring overtime sa school dahil may meetings, duties and what-so-ever. Buti na rin at naging active siya. Ganoon din naman ako dati. Mahiyain kasi siya kaya mabuti na ring natututo na siyang makipag-interact sa iba. Lagi kasing pc lang ang kaharap. DOTA, LOL, mga ganoon ang alam niya dati, pero ngayon, kahit puso yata ng babae ay nilalaro niya na.

"Malapit ka na lumipat ng school. Maiiwan dito ang mga friends mo o gusto mo ba, dito ka na lang tumira?" usisa ko.

"Sabi ni mama, sa Bulacan na lang daw," he simply said.

"Mahirap mag-adjust. Pag-isipan mo ring mabuti. Wala namang titira rito kapag umalis ka. Papayagan ka naman no'n kung gusto mo rito. Uuwi na lang ako kapag walang pasok."

He just shrugged. Junior high school pa lang siya kaya mahirap din siguro para sa kaniya. Saka baka agiwin ang bahay kapag walang tumira. Sayang naman.

"Bella, 'yong mga kaibigan mo nasa labas," sabi ni ate Linda.

Ha? Anong mayroon? Hindi ko naman sila inimbita. Hindi rin sila nagsabi. Mga sabog talaga ang mga iyon.

"Surprise!" salubong nila.

Napasimangot na lang ako. Hindi man lang nagsabi itong mga tangang ito. Bigla na lang sumusulpot.

"Bakit kayo nandito? Kabute ba kayo?" tanong ko.

"Wow, hindi ka ba masaya? Aalis na kayo rito, 'di ba? Sulitin na natin saka we need to unwind," sabi ni Lassie sabay pasok sa loob. "Nakaka-stress ang acads."

Sinabi ko bang pumasok sila? Trespassing! At kung makaupo sa sofa, parang kanila ang bahay.

"Nasaan 'yong iba?" tanong ko.

"Si Bia busy, si Allen hindi nagcha-chat, si Carlito may ganap sa school, si Bimby nasa work, si Sol bawal daw," mahabang litanya ni Avery.

"Hindi kayo nagsabi. Wala akong food sa ref."

"May pizza naman kaming dala at saka ice cream. Nagpa-deliver na rin ako ng carbonarra pati milktea rito para sa atin. Parating na 'yon," sabi ni DJ. Ang galante talaga nito. Walang dudang siya ang pinakamagastos sa aming lahat. "At saka buong January at February kang hindi nagparamdam. Puro ka seen sa gc."

"Busy ako. Mahirap na, baka bumagsak. Pare-pareho lang tayong iskolar ng bayan dito."

Inubos lang namin ang oras sa pagkukwentuhan ng kung anu-ano. Bihira lang din kami magkita dahil college na kami. Busy sa school at paglalandi 'yong iba. Magkakaiba rin kami ng kursong kinukuha at school na pinapasukan.  Hindi naman sila interesado sa Engineering, ganoon din ako sa Education. Some of them took Business Ad and Accountancy.

"Kamusta naman sa school niyo, DJ? Maraming masarap?" tanong ni Peter.

Siraulong 'to. Masarap daw?

"Oo naman, 'te! Dami ngang naghahabol sa 'kin doon, eh," pagmamayabang niya.

"Baklang 'to! Ang harot mo. Nakita ko may nag-confess sa 'yo sa secret files ng school niyo," sabi ko.

Nagugulat ako sa impluwensyang bitbit ng baklang maharot na 'to. Ang sakit sa ulo. Dami niya raw manliligaw.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now