Chapter 32

318 64 2
                                    

Dali-dali akong tumakbo palabas. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang may bumusina sa labas. Sabi ko naman kasi, 'wag na akong daanan. Pinilit talaga niyang dumaan dito, dahil bumisita raw siya sa bahay nila sa Manila.

"Ang aga mo!" inis kong sabi. "Pumasok ka muna."

"Ang aga rin niyang pagsusungit mo," natatawa niyang sabi.

Nawawala na naman ang mata niya. Minsan hindi ko alam kung nakakakita pa siya. Gusto ko tuloy idilat mata nito, eh. Pero okay lang, ang gwapo niya pa rin naman.

"Kumain ka muna. Pasalamat ka nagluto ako ng pancake. Muntik na 'kong hindi sipagin kanina, eh."

Naghanda ako ng kape para sa kaniya. Maaga pa naman at pwede kaming dumaan sa drive-thru kung sakali, pero sa lagay niya ngayon, mukhang malabo. Parang gusto niya na pumikit at managinip, eh.

"Salamat."

Inirapan ko na lang siya at muling nag-ayos sa kwarto. Isasama niya raw ako sa site mamayang hapon, kaya nae-excite ako para sa araw na ito. Sa halos isang taon ko sa kompanya, nasa opisina lang ako lagi. Kung may site visit man, sobrang bihira akong isama.

I wore my plain red trouser and black paula backless top. I put on a red lipstick. I need to look presentable because of my presentation later. Inaral ko na ang lahat kagabi bilang tulong kay Ricci. Mukha kasing hindi niya na kaya, eh.

Bumaba ako dala ang blazer. Nakita ko siyang nakapikit sa sofa. Halatang pagod dahil nagkaproblema ang isa sa mga project ng kompanya. Siraulo kasi si Dante. Gagawa na lang ng gulo, ang dami pang dinamay.

"Hey, are you sleepy?" tanong ko.

Dumilat siya at halata ang kakulangan ng tulog. Namamaga nang bahagya ang singkit niyang mata. Sinalo niya kasi lahat ng responsibilidad, kahit hindi naman siya ang nakapirma sa proyekto.

Naglahad ako ng kamay sa kaniya at saka sinabing, "Give me the key."

Tumayo lang siya at nauna nang lumabas. Para tuloy gusto kong suntukin si Dante dahil sa kapalpakan niya. Itong isa tuloy ang nags-suffer. Actually, kaming lahat pero mas malala ang baggage na pinasan ni Ricci. Nahihiya tuloy ako kapag naiisip kong naging magka-MU kami dati noong highschool.

"Akin na," pangungulit ko.

"Ako na. Mabangga pa tayo," he teased.

"I know how to drive. Come on, you need to rest. Baka tayo ang mabangga dahil sa antok mo."

"Sigurado ka?"

"Sobra," I uttered. "Marunong ako, promise. Matulog ka na lang muna. Gigisingin kita kapag duguan na tayo."

He laughed and gave me the key. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Siya na rin ang nagsara kahit kaya ko naman.

"Drive safely."

Umikot siya at pumasok sa kabila. He seriously needed to sleep. Nakakaawa ang kalagayan niya ngayon. Imbes na magpahinga, dumaan pa talaga rito.

Ikinabit niya ang seatbelt ko, ganoon din ang sa kaniya, bago muling pumikit.

"Kumain ka na ba?"

"Hmm..."

Hindi ko na siya muling kinausap, dahil halatang gusto niya nang magpahinga. Dumaan na lang kami sa drive-thru para um-order ng breakfast niya. Hindi ko na rin natanong kung anong gusto niya, dahil tulog siya buong biyahe.

Nang makarating kami, hindi ko na siya ginising. Iniwan ko na rin ang pagkain sa sasakyan para makakain siya. Buong linggo siyang nag-overtime para matapos lahat ng ito. He needs to rest.

Glimmer of HopeWhere stories live. Discover now