CHAPSKY #10

2.1K 82 0
                                    

IVY POV

Nandito ako ngayon sa pet shop at naghahanap ng aso hihihi ang daming cute na puppies dito!!

"Excuse me maam, anong klaseng aso po ang hinahanap niyo?"

Napatingin naman ako sa isang sales lady na kumausap sakin. Sasagot na sana akong 'Yung katulad mo ghurl, ano payag ka?'

Pero parang ang pangit naman hahaha kaya sinabi ko nalang na naghahanap pa ako.

Nung iniwan ako ng sales lady ay may nahagip akong aso na kakaiba ang kulay niya...parang may halong purple tapos blue ang balahibo niya

Nyeta! Aso ba talaga ito or Statue lang??? pero mga sis ang cute niyaaaa at good news mga beshh!!! Its alive!

Nilapitan ko ito at mygashh yung eyes niya ang ganda! Kulay purple! Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit walang lumalapit sa kanya? Sa lahat ng aso dito, parang ang aso na ito ang pinaka attractive. May nakita akong papel na nakalagay sa wall na katabi niya, siguro information niya ito.

' An extraordinary dog that was caught yesterday from the Velin forest. It has a unique eyes and her fur has a purple-blue color on it. This dog was believed to be an experimental dog from a unknown scientist because when her blood was tested, there was evidences that this dog undergo some experiments. There was also an article before that this unknown scientist created a one of a kind dog and now was lost. This Dog has a very bad attitude and doesn't want any people coming near to her. The man who saw this dog yesterday has lost his arm because he was bitten by this dog'

PS: THIS DOG IS NOT FOR SALE, RATHER IT'S FOR FREE. BUT ONLY IF YOU ARE ABLE TO PAT HER HEAD WITHOUT GETTING BITTEN.

SHEYTTTT ANG ASTIG NG ASONG ITO!!!!! MUKHANG ALAM KO NA KUNG BAKIT WALANG LUMALAPIT SAKANYA ASUSS TAKOT LANG PALA SILA DITO

Nilapitan ko ito at ngayon ay nakaupo lang siya habang tinitignan lang ako. Hindi ako nakaramdam ng takot o kaba kasi ngayon im sooooo excited!!!!

PROMISE KO SAYO IVY NA UUWI KA KASAMA ANG CUTE NA ASONG ITO!!

" Hello puppy! Magtatagalog ako ha hihihi....sabi nito masama raw ugali mo, totoo ba?"

Wow bongga ng lola niyo mga sis, walang reply hayyss

" Pwede ba kitang iuwi sa bahay ko? sabi kasi dito dapat kong mahawakan ang ulo mo, oks lang ba? Wag ka ngang snobber jan ang arte nito kaya Magkakasundo tayo sis!!!!"

Hahawakan ko na sana yung ulo niya ng bigla niyang nilapit ang ngipin niya sa kamay ko na akmang kakagatin niya pero buti nalang nakaiwas ako... mygashh buti nalang mabilis reflexes ko.

Sungit ng asong ito! San ba to nagmamana? Abah! Anong akala niya? susuko na ako? mygash ghurl ako to oh, ivy the great! Patay ka sa kin ngayon!

Nabigla ako ng may sumigaw sa likod ko

" MISS KUNG AYAW MONG MAKAGAT LUMAYO KA SA ASONG IYAN!"

Wow concern si kuya oh! sorry di kita type and wala kang paki! basta mapapasakin ang asong ito!

" KUYA! KADUGO BA TAYO? RELATIVE BA KITA? DBA HINDI? EDI WAG KANG MAKIALAM! IPAAMOY KO PA SAYO ANG UTOT KO EH! LENGYA TSK!"

Di ko naman napansin na center of attention na pala ako dito. Bahala sila diyan basta uuwi ako kasama ang asong ito!

Binalik ko ang atensyon ko sa aso na ngayong galit na galit na sakin. Tsk! Tignan natin!

" HOY PUPPY! MAKINIG KA SAKIN! KUNG GUSTO MO PANG LUMABAS DITO NA COLORFUL PA ANG PEG NG BUHOK MO, PWES UMUPO KA NGAYON DIN! DI MO BA ALAM NA AKO LANG ANG NAKA APPRECIATE NG BEAUTY MO SIS? MYGASHH SAYANG ANG BEAUTY MO KUNG NAGMOMODEL KA LANG DYAN!

TIGNAN MO NGA ANG MGA TAO DITO! DBA WALA SA KANILA ANG GUSTONG LUMAPIT SAYO? KASI KAKAIBA KA SA IBANG ASO NA NANDITO!"

Nakita ko naman na tumitingin yung aso sa mga tao na nakapaligid ngayon sa amin. At may bahid na lungkot ang kanyang mga mata.

" Look, I know kinakabahan ka ngayon, but trust me, hindi ako katulad ng mga taong nanakit ng mga kagaya mo. Ewan ko ba kung ba't kinakausap kita pero kasi, i understand your feelings. Alam ko ang pakiramdam na walang may gusto sayo. Alam ko ang pakiramdam na hindi mo kilala ang tunay mong pagkatao. Ngayon, wala akong pakialam kung kakagatin mo ako kasi iuuwi kita sa bahay ko. And i believe kung baliw man ako sa iyong panigin, atleast may puso pa rin!"

After my speech, sinubukan kong hawakan ang ulo niya and to my suprise, dinilaan niya ito at pinahawak niya ang ulo niya sakin!!!

Di makapaniwala ang mga tao sa nangyayari ngayon kasi lahat sila naka nga-nga. BLEHHHHH!!! MAPASUKAN SANA KAYO NG LANGAW!


" Puppy, simula ngayon ako na ang pamilya mo. And your name would be skyvee. Ano shock ka sa speech ko nuh? Tara inuman tayo sa may kanto hahahaha"

Kinarga ko na si skyvee at hindi na ako nagpaalam sa sales lady kasi wala silang paki! Anyways, welcome to my life skyvee.




THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon