CHAPSKY #51

1.3K 44 1
                                    

IVY POV

Pagkatapos ng event, inimbita kaming lahat ng parents ni Violet. Gusto raw nila i celebrate yung pagkapanalo namin kaya pupunta na kami ngayon sa kanilang bahay. Gamit namin yung sasakyan ni Red, katabi ko sa likod si Violet habang nasa harapan sila Red at josh.

Dahil parehas kaming pagod ni violet hinayaan ko siyang sumandal sa balikat ko at ako naman sumandal na rin sa ulo niya para fair hahaha pero ang totoo pagod na rin ako. Nakatulog kaming dalawa ni violet sa likod at nagising lang kami dahil sa boses ng dalawang lalaki

" Dora Gising na my labs so sweet oh malagket na pinipig hahahaha! Hoyyy Dora nandito na tayo sa bahay niyo!"

" Baby ko? Wake up na po....Di mo ba namimiss yung poginess ko? Gumising ka na jan para makita mo na yung prinsipe ng iyong umaga at gabi!"

Di ko alam kung paano pero sabay kaming nagising ni Violet at sabay din namin silang binatukan ng malakas kaya napa aray sila! Putek magkapatid talaga kayo!

Napatawa nalang kami parehas ni Violet dahil sa ginawa namin. Lumabas na rin kami sa kotse at pumasok na sa loob.
Pagkapasok namin ay agad namin nakita si tito na naghahanda ng mga plato, si tita na nagluluto at si kuya blake na naglalagay ng banner na 'congratulations'

" ehemmm!" rinig kong sabi ni violet kaya napalingon silang tatlo sa gawi namin at mukhang ngayon pa lang nila kami napansin

" Nandito na pala kayo!! Congrats sa inyo!!! Nakakaproud kayo!!"

Sabi ni tita at lumapit sa pwesto namin. Yinakap ni tita si violet at sinabihan ng congrats ganun na rin sila tito at kuya blake. Hahaha ang kyut nilang tignan😂
Pero mas nagulat ako kasi silang tatlo tumingin sa direksyon ko at dahan dahang lumapit

" Uhmm hehehe hello po" sabi ko nung nakarating na sila sa harapan ko

Ay putek! Bigla nalang nila akong yinakap ng mahigpit as in! Like silang tatlo sabay na yumakap sa akin. Sheyt ganun ba sila kasaya na nanalo kami?

" Wahh!! Sali ako!" rinig kong sabi ni violet kaya lumaki yung mga mata ko

" W-wag v-violet-----"

LINTEK APAT NA ANG NAKAYAKAP SAKIN MYGASH YUNG LUNGS KO!

" Awit! Kami rin baby ko! " busheyt ka red!! Mas lalong sumikip ehhh

" WOWWWW GROUP HUG!!" group hug daw pero kay violet lang nakayakap! Gago josh hahaha

LENGYAAA!!! ANO PANG TRIP NILAAAA!!

" MYGASH YUNG LUNGS KO GUYS! BITAW NA!! KALOKA KAYO GUSTO NIYO BA AKONG MAWALAN NG HININGA?!"

" Huwag kang mag-alala baby ko kasi i will cpr you *wink" Ughh!!! Siraulo ka red!

" Hehehe sorry Ivy, masaya lang kami kasi nanalo kayo at nagkita tayo ulit" sabi ni tita

Huh? Ganun na ba kami katagal na hindi nagkita? Ngumiti nalang ako sa kanila and dahil gutom na ako nagsuggest na ako na kakain na and ganun rin si Violet kaya pumunta na kami sa hapagkainan

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Naninibago nga ako nina tita at tito pati si kuya blake kasi todo asikaso sila sakin. Kung kailangan ko ba ng tubig, kanin, milo, tissue and etc. Pati si Violet naweweirduhan na rin eh kasi magkatabi kaming kumain tapos sabi niya na pagpasensyahan ko na raw yung pamilya niya kasi mukhang naka drugs hahahhaa baliw talaga

" Nga pala guys, since friday ngayon....sa sunday na gaganapin yung sinasabi kong part two ng pagdiriwang ng bday niyo---i mean ni Violet" sabi samin ni tito kaya napatango nalang kami.Buti naman at makapagpahinga pa ako bukas

" And also Ivy, dito ka muna matutulog sa bahay until sunday kasi gusto kong ma asikasuhan ka rin ng mga make up artist and also yung gown niyong dalawa" Huh? anong pinagsasabi ni tita?

" Really mom?! Yeheyyy bez sleep over ka pala dito! Nizeeee!"

" T-teka tita...sure na ba talaga kayong pati ako mag ga-gown? Di ba pwedeng simple dress lang at pulbo? Si bez nalang po yung magsusuot since siya naman yung bday celebrant eh"

" Wag ka ng tatanggi bez! Dapat parehas tayo kasi bestfriend ka rin ng bday celebrant! Ayiee bestfriend goal nato!!!"

Huhuhu wala na talaga akong takas😭 Sabi nina tita at tito sinabihan na nila si drak na dito muna ako matutulog at mukhang planado nga to kasi nandito na pala yung mga damit ko. Nilagay na nila sa kwarto ni Violet kanina pa mygash

" Nga pala Red, nililigawan mo na pala si ivy ha....tsk tsk tsk" Putek bakit nalaman ni tito?!

" hehehe opo tito seryoso naman ako kay ivy eh and hindi ko po sasayangin yung pagkakataon na ipakita sa kanya na seryoso ako sakanya" sagot ni red habang nakangiti sa akin

" Basta Bro, huwag mong sasaktan si Ivy
ha! Ako makakalaban mo!"

Luhhh ano bang nangyayari sakanila!

"Bez, malala na to!" bulong ko kay violet at sumang-ayon naman siya sakin

" Ikaw rin josh, huwag mong paglalaruan yung damdamin ng baby V namin ha! Nakuu alam kong dumadamoves na kayong magkakapatid hayss" Naku pati pala si tita hahahaha😂 Malupet to!mygashh

" Naku tita, huwag kayong mag-alala! Ako ang baymax ni dora kaya lagi ko siyang poprotektahan! Dba dora??? hehehe" Sinamaan lang siya ng tingin ni violet kaya napailing nalang ako

Nagpapasalamat ako kasi nag change topic agad si Tita kaya naging maganda na yung daloy ng pag-uusap namin.

After namin kumain, umuwi na yung dalawang lalaki sa zoo hahahha😂 Nandito na ako ngayon sa kwarto ni violet nanunuod ng movie

" Bez, Kapag ba naging official na mafia queen ka....mas lalo bang magiging delikado yung buhay mo?" tanong ko habang kumakain ng milo

Napatigil naman siya sa panunuod at tumingin sa akin

" Kapag naging mafia queen ako officially  bez, marami na ang mas magbabanta ng buhay ko kasi hawak ko na ang posisyon na pinapangarap ng iba kaya dobleng ingat na ako"

Luhhh!! Ang delikado pala kapag naging mafia queen talaga siya.....Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ko siya hahayan na masaktan!

" Bez, matanong ko lang....gusto mo bang umatras?"

" Yeah....gusto ko, dba sabi ko noon sayo na di naman talaga ako yung rightful owner sa posisyon ng mafia queen? Yung kakambal ko sana pero wala na siya eh"

" Wala na bang ibang paraan bez? Ayaw kong maging delikado yung buhay mo bez.....araw araw kang haharap sa kamatayan " totoo naman eh kasi may nakilala akong mafia queen noon na pina assasinate ng isang client namin kasi napakasama na raw at marami na siyang napapatay na mga inosenteng tao. Pero hindi naman ibig sabihin nun na wala na ring nagbabanta sa buhay niya.

Binantayan ko yung mafia queen na yun and marami talaga ang nagbabanta sa buhay niya including me pero ako lang naka-una sa pagkuha ng buhay niya

" Wala na akong choice bez, wag kang mag-alala malakas naman ako eh! Mana kaya ako sa bestfriend ko dba? And matulog na tayo kasi pagod tayo pareho lalo ka na na pabalik balik ng lakad kanina ahahaha akala mo di ko yun napansin?😂" Napatawa nalang ako at gaya ng sinabi niya natulog na rin kami pero pinatay muna namin yung tv bago pumunta sa dream land namin.....Goodnight guys!!!! goodluck nanaman bukas lintek sana walang weird na mangyayari bukas😭

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now