CHAPSKY #35

1.4K 49 2
                                    

Nakarating na ako sa bahay nila Violet. Halatang bongga yung kaarawan niya kasi ang sosyal ng mga bisita! Hindi muna ako nagpakita sa kanya kasi parang out of place ako masyado dito.

Sino ba kasing nagsabi na yung susuotin ng mga babae dito ay dress tapos sa mga lalaki naman ay tuxedo. Anu to prom? Ehh nakasuot lang ako ng jeans tapos blouse with matching rubber shoes. Nagmumukha akong party crasher dito putek!


Nakikita ko na sina Red, Kuya Blake at yung parents nila pero si Violet hindi pa.
After 15 minutes lumabas na rin yung bday celebrant.

Ang ganda niya🤩 Nakasuot siya ngayon ng Violet na gown tapos bumagay yung cold expression niya. Nakalimutan ko palang sabihin na lahat ng makikita mo dito mapa balloon or tela ng table pati yung cake, kulay violet hayss.

Na guguilty tuloy ako sa ginawa ko kasi alam kong naging malala yung attitude niya dahil sakin. Duhh bestfriend here! Kaya ramdam ko ang mga malaking pagbabago niya Nuh!

Wow proud ka pa talaga sa ginawa Ivy nuh?! Baliw ka na talaga hayss

Nakikita ko siyang binabati yung mga bisita niya pero hindi man lang ngumingiti. Wala naman akong balak na magtagal dito kasi hahanapin ko pa yung leader para matapos na ang lahat. Tumalikod na ako at pasikretong nilagay yung regalo ko sa mga nagpupundukan na regalo dito sa may gilid.

Ang sosyal ng mga regalo nila tapos ang laki pa! Parang regalo ko lang yata yung pinakamaliit hayss edi wow sanaol mayaman dba?

Paalis na sana ako ng may narinig akong sigawan at p-putukan

FUDGE SI VIOLET!!!!

Tumakbo ako patungo sa pwesto niya pero bigla akong napamura ng makita kong may isang tao na tinusukan siya ng karayom na pampatulog at agad kinarga at pinasok sa Van.

Alam kong walang nakapansin sa nangyari kay Violet kasi busy sila sa kakatakbo, kakasigaw, at kakaputok ng baril.

HINDI BA NILA ALAM NA KINIDNAP YUNG KAIBIGAN KO NA REYNA NILA?!!! TANGINANG MAFIA NA TO!!!

Kinuha ko na agad yung susi ko sa motor ko at agad sinundan yung van.
Ang daming arte ng van na ito! Ikot dito ikot doon nakakahilo bwesit!

Nakita kong huminto sila sa isang abandoned na building kaya pinark ko na rin yung motor ko malayo sa pwesto nila.

Buti nalang talaga at may extra akong baril na nakalagay sa motor ko.

VIOLET POV

Ughh!! Ang sakit ng ulo ko bwiset na birthday to! Saan nanaman nila ako kinidnap?!

" Boss, gising na ang reyna" mautak ang grupo na ito ha. Medyo nahihirapan akong tanggalin yung nga tali ko tsk!

Nakita kong papalapit yung isang lalaki na parang adik sabay tutok ng baril sakin at PUTANG*NA BINARIL AKO SA TYAN!!!!!

Fuck! Ang sakit! Ang dumi nilang kumilos nakakabwiset!

" Stupid asshole! Sinabi ko bang barilin siya?! Ang sabi ko lang wag mong hayaan na makaalis yan sa tali!"

eww concern pweh! Ang bobo ng mga tauhan niya. Nakita kong binaril ng boss nila na mukhang adik din yung lalaking bumaril sa akin.

" Pasensya na pero wala kaming panggamot jan hahahaha" Rinig kong sabi ng boss nila at tinignan ko lang siya na parang wala akong paki

" Share mo lang😑" Sagot ko at agad naman sumimangot yung boss. Tinignan niya lang ako ng masama. Napatingin kami lahat sa taong pumasok sa pinto at agad lumapit sa boss nila at bumulong. Nang matapos ay tinignan muna ako saglit ng boss at agad umalis. Base from my observation nandito ako sa loob ng isang basement. Hayss, wala pa naman akong ganang makipaglaban sa kanila.


THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon