CHAPSKY #23

1.6K 63 1
                                    

BLAKE POV

Shit!! di ko naman sinadyang mahulog siya! Agad akong pumunta sa pool at sinagip siya.

" IVY?! IVY?! NARIRINIG MO BA AKO? GUMISING KA!! SHEYTT MAPAPATAY AKO NITO NI BABY V😭"

lagot talaga ako kapag may nangyaring masama kay ivy. Nakita ko namang minulat ni ivy ang kanyang mata kaya nabuhayan ang loob ko.

" PUTEK!!! BAKIT KA BA BIGLANG SUMIGAW?!" sigaw niya

" Sorry ivy, hindi ko naman inakalang muhuhulog ka sa pool tekaa--ito oh suotin mo muna ang jacket ko"

Binigay ko na sakanya ang jacket ko at tinanggap naman niya kasi nanlalamig na siya.

" Tsk! pasalamat ka at buhay pa ako kundi papatayin talaga kita pag napatay mo ako"

Tatanungin ko sana siya kung paano niya ako papatayin kung patay na siya pero baka mas lalong mainis siya

" Pasensya na ivy ha.....eto nalang, gagawa nalang ako ng hot choco, tutal nanlalamig ka rin eh"

Bigla naman akong napangiti dahil nakita kong kumikinang ang mukha niya.

" GAME AKO JAN!!! GORABELLS NA TOL!"

Di naman pala ganun kasama ang ugali ng babae na to. Siguro kaya nagustuhan siya ni Baby V kasi kakaiba siya. Di mo namamalayan na mapapangiti ka na lang dahil sa mga kilos at salita niya.

Pumasok na kami sa bahay at gaya ng sinabi ko ay nagtimpla  ako ng hot choco at tuwang tuwa naman siya kasi masarap daw.

Parang katapid na ang turing ko kay Ivy kaya masaya ako ngayon. Worth it pala ang pagpupuyat ko kasi dahil sa isang pangyayari, naging close kami ni Ivy.

Nag-uusap lang kami ng mga bagay bagay hanggang napagdesisyonan na namin na matulog na kasi may contest pa raw siya bukas. Nagkasundo na kami ni ivy, sana si red din tutal parang bagay din naman sila hahahaha




IVY POV

Maaga kami nagising kasi may contest pa ako. Nadamay nga sila eh kasi gusto nilang makita yung contest ko raw kaya pati si tita nakikisabay na samin ni Violet. Okay na kami ni Blake, ayaw kong tawagin siyang kuya kasi di ako sanay.

" BEZ!! KAYA MO YAN HA!! TANDAAN MO YUNG MGA TIPS KO SAYO!"

Kanina pa niya inuulit yannnn!! mygashh

" Oo na po bez promise di ko yun makakalimutan mygashh parang ikaw yung kinabahan ha😂" 

Magsisimula na yung contest namin and  nagtataka ako kasi----BAKIT ANG DAMING AUDIENCE?!! SIMPLE LANG ANG CONTEST NA TO PERO ANG DAMING TAO PUTEK!

" GOOD MORNING EVERYONE!! WOW IM NOT EXPECTING TO HAVE MANY AUDIENCE TODAY! ANYWAYS LETS START OUR EVENT NOW, SHALL WE?"

sumigaw naman ng "yes" ang mga tao at doon na nagsimula ang event namin.

Ang unang gagawin namin ay rumampa tapos magpakilala sa audience...Nung turn ko na, nag cat walk na ako na parang tanga at kinuha ang microphone

"Magandang umaga madlang people! Ako pala si Ivy from Gr.10- Goodness at naniniwala ako sa kasabihan na maganda man ako sa iyong panigin, putek mga besh! Hindi kayo nagkakamali! AND I THANK YOU!"

hindi ko inexpect na nandito pala lahat ng kaklase ko tapos may banner pa 😂 Grabe ang lakas ng palakpak nila sa akin hahaha ehh ako lang nagmura sa harapan nila😂

After ng introduction ay talent na agad...oh dba ang bilis lang hahahaha sabi ko naman sa inyo na simple lang ang event na to pero ang daming tao

Nagperform na ang mga kalaban ko pero to be honest hanggang ngayon wala pa akong ideya kung ano ang kakantahin ko hahahaha 😂

May sumayaw, acting, spoken poetry and etc etc....mukhang hindi sila confident kumanta hahaha wala pa kasing may kumanta sa kanila eh kaya nung turn ko na, hindi muna ako pumunta sa harapan nila. Ang tahimik ng mga tao, nag-aabang sila kung ano ang gagawin ko.

Lumapit ako sa mga banda

" Mga Tol, anong alam niyo kanta? "
tanong ko sa kanila tapos obvious sa kanilang mukha na gulat sila

" Hindi ka prepared miss?"

" On the spot trip ko eh hahaha"

" Hahaha alam mo ba ang "heaven knows?"

hmm heaven knows? Keribells lang siguro yan hahaha.

" Sge Tol, yan nalang salamat"

nagpasalamat na ako at pumunta na sa harapan ng mga tao.

Nagstart na yung banda kaya nagready na ako.......

*Now playing "HEAVEN KNOWS"

"She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know"

Sa bawat linya ng kanta na ito, iniisip ko kung bakit? Bakit nila ginawa sa akin yun? Kahit galit ako sa kanila, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, umaasa akong makikita ko ang ina ko.




"And though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go"

Araw-araw kahit alam kong wala akong ideya kung nasaan man siya umaasa akong iniisip din ba niya ako. Kung nagsisisi ba siya. Kahit tinapon nila ako, kahit sabihin ko na wala akong paki sa kanila, umaasa pa rin ako hanggang ngayon😞




"Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows"

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon. Marami akong nakilalang tao, nagkaroon ng kaibigan, at nagkaroon ng jowa hahah charot wala akong jowa.....pero dahil sa mga taong nakilala ko, alam ko sa sarili ko na nagbago na ako. Hindi ko alam ang kinabukasan pero tama nga sila, ang Panginoon lang ang nakakaalam.



"My friends keep tellin' me
That if you really love her
You've gotta set her free
And if she returns in kind
I'll know she's mine
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go"

Sabi ni Drak sakin, huwag daw akong magalit sa mga magulang ko kasi baka may malalim na rason sila kung bakit nila iyon ginawa. Madaling sabihin na huwag akong magalit sakanila, pero--mahirap gawin😞 Buong buhay ko,
t

inatago ko sa sarili ko na wala na akong paki at di ko na sila kailangan pero alam kong mali.Alam kong kailangan ko sila pero ayaw ni tadhana eh.



"Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way…
O

nly heaven knows"

Sana nga na balang araw, magkita tayo....Sana balang araw malaman ko rin ang dahilan niyo.

Tinapos ko na ang kanta at doon ko pa minulat ang aking mga mata. Hindi ko namalayan may tumulo na palang luha mygashh nakakahiya 😭 Hayss siguro hindi nila nagustuhan kasi ang tahimik nila masyado. Kaya before pa ako mapahiya ng bonggang bongga, tumalikod na ako pero napahinto ako dahil lahat sila pumalakpak at tumayo.

"WOAHHHH!!!!! CLASSMATE NAMIN YAN !!!"

" GOOOOOOOO IVY!!!!!"



" ANG GANDA NG BOSES MO BEZZZZ!!!!!!"

AYYY GRABE  HA, ANG LATE NG REACTION NILA PERO NAG BOW NA RIN AKO.

Pagpunta ko sa backstage, pinupuri nila ako kasi maganda raw performance ko hahaha di nila alam na on the spot lang yun😂

WELL Q&A NA MGA BESH😂😂😂

THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon